Pumunta sa nilalaman

Snooky Serna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Snooky Serna
Kapanganakan
Maria Milagros Sumayao Serna

(1966-04-04) 4 Abril 1966 (edad 58)
Ibang pangalanSnooky Serna
TrabahoAktres
Kamag-anakPia Hontiveros
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Si Maria Milagros Sumayao Serna o mas kilala bilang Snooky Serna ay isang premyadong aktres ng pinilakang tabing na sumikat noong dekada 70 bilang isang child actress at noong dekada 80 bilang isa sa mga 'Regal Babies'. Isinilang noong 4 Abril 1966 sa Maynila sa mag-asawang artista na sina Von Serna at Mila Ocampo, si Snooky ay ipinanganak na 'premature', pero nalampasan niya ang kritikal na kalagayan bilang sanggol at lumaking isang maganda at mahusay na artista.

Tatlong taong gulang pa lamang si Snooky nang pinahanga niya ang madla at maging sikat na batang artista sa pelikulang Wanted: Perfect Mother kasama si Boots Anson-Roa. Nasundan pa ito ng mga pelikulang kina-panabikan at kinagiliwan ng mga manonood, at di nagtagal ay napanalunan niya ang Best Child Actress Award ng FAMAS noong 1973 sa pelikulang Sana Mahalin Mo Ako.

Dahil sa malakas na dugong Kastila si Snooky ay Matangkad, maganda at maputi, sa kanyang pagdadalaga, kinontrata siya ng Regal Films noong 1980 at inilunsad bilang isa sa mga orihinal na Regal Babies kasama sina Maricel Soriano, Dina Bonevie, Alfie Anido, Gabby Concepcion, William Martinez, atbp.

Higit na sa pitumpu't-pitong (77) pelikula ang napagbidahan ni Snooky sa kanyang 25 na taon sa pinilakang tabing mula 1970 hanggang 2004. Bukod pa dito ang mga tele-novela at drama anthology as telebisyon. Pinaka-giliwan siya ng publiko sa Blusang Itim. Pinaka-mahusay naman ang pag-arte niya sa Kapag Napagod Ang Puso at Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin.

Tinalikuran niya ang showbiz nuong huling bahagi ng dekada nobenta para na rin mapagtuunan niya ng pamilya bilang ina sa dalawang batang anak na babae, sina Samantha at Sachi. Pero di rin nagtagal ay kinailangan uli niyang kumayod kaya nag-audition siya sa IBC-13 bilang newscaster at dahil na rin sa galing at talino niya ay siya ang napili. Nabigyan din siya ng assignment bilang isang host ng magazine show na 'Travel and Trade'. Sa mga panahong ito ay may mga alok na sa kanya na maging kabahagi ng ilang tele-nobelas sa ibang estasyon pero kinailangan niyang tanggihan ang mga ito.

Matapos ang kanyang kontrata sa IBC ay malaya nasiyang naka-pili ng gusto niyang pasukang shows at una niyang napili ag 'Habang Kapiling Ka' ng GMA-7. Hindi siya nagkamali dahil naging maganda ang kanyang ginampanan dito at di nagtagal ay napansin siya ng PMPC Star Awards at naparangalan siya bilang Pinaka-mahusay ng Aktres sa Drama sa Telebisyon. Tapos noon ay sa ABS-CBN naman siya namayagpag bilang ina ni Claudine Baretto sa top-rating na 'Marina'.Pagkatapos ng Marina kinuha naman siya sa GMA 7 para sa Teleseryeng pang hapon ang Kaputol ng Isang Awit w/ Lovie Poe, Glaiza De Castor, Gary Estrada at Tirso Cruz III.

Telebisyon

  • February 2013 - TROPADS
  • 2006 - Captain Barbell (TV Series-GMA-7) .... as Mrs. B
  • 2005 - Maalaala Mo Kaya - 'Mariposang Dagat' (TV Episode-ABS-CBN-2).... as Magdalena
  • 2004 - Marina (TV Series-ABS-CBN-2) .... as Esther Sto. Domingo
  • 2003 - Habang Kapiling Ka (TV Series-GMA-7) .... as Olivia
  • 2003 - Magpakailanman - 'Life Story of Snooky'(Episode-GMA-7).... portrayed by Angelika de la Cruz
  • 2003 - Magpakailanman - 'Mga Mata ???' (TV Episode-GMA-7) ... as
  • 2002 - Kay Tagal Kang Hinintay (TV Series-ABS-CBN-2).... as Maida Ventaspejo
  • 2001 - Travel & Trade (Weekly Magazine Show-IBC-13).... host
  • 2000 - Express Balita (Main Afternoon Newscast-IBC-13) .... news anchor
  • 1997 - Mula Sa Puso (TV Series-ABS-CBN-2).... as Criselda Pereira
  • 1989-92 - Regal Drama Presents: Snooky (Weekly Drama Anthology-ABS-CBN-2) .... varied roles
  • 1987-89 - Always, Snooky (Musical Variety Show ABS-CBN-2) .... host/performer

Pelikula

  • 2009 - Bente
  • 2009 - Booking
  • 2008 - Mananaggal Meh
  • 2008 - Eskandalo
  • 2008 - Paupahan
  • 2004 - Anak Ka Ng Tatay Mo .... as
  • 2003 - Captain Barbell .... as Belen
  • 2001 - Marital Rape
  • 1997 - Paano Kung Wala Ka Na
  • 1995 - Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (Harvest Home).... as Clarita
  • 1994 - Koronang Itim .... as
  • 1994 - Machete 2 .... as Lai
  • 1993 - Ayoko Na Sana Magmahal?
  • 1992 - Lacson, Batas ng Navotas
  • 1991 - Joey Boy Munti, 15 anyos ka sa Muntilupa .... as Stella
  • 1991 - Madonna, Ang Babaeng Ahas .... as Melinda/Madonna
  • 1990 - Hahamakin Ang Lahat (All Be Damned) .... as
  • 1990 - Kahit Isumpa Mo Ako
  • 1989 - Aabot Hanggang Sukdulan .... as Agnes
  • 1989 - Mga Kuwento ng Pag-Ibig
  • 1988 - Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo
  • 1988 - Stupid Cupid
  • 1988 - Lord, Bakit Ako Pa? .... as Merriam
  • 1988 - Rosa Mistica .... as Roselyn/Rosa/Rosing/Rosanna
  • 1988 - Kapag Napagod Ang Puso ....
  • 1987 - Forward March .... as Kristie
  • 1986 - The Graduates
  • 1986 - Payaso (aka The Clown)
  • 1986 - Blusang Itim .... as Jessa
  • 1986 - Yesterday, Today & Tomorrow
  • 1985 - Zuma .... as Galema
  • 1985 - Lilac Bulaklak Sa Magdamag
  • 1985 - Ride on Baby
  • 1984 - Where Love Has Gone
  • 1984 - Experience
  • 1984 - Anak ni Waray, Anak ni Biday
  • 1984 - Teenage Marriage
  • 1984 - Daddy's Little Darling
  • 1983 - Stranger in Paradise
  • 1983 - Daddy Knows Best
  • 1983 - To Mama With Love
  • 1982 - Santa Claus Is Coming to Town
  • 1982 - Story of Three Loves
  • 1982 - Schoolgirls
  • 1982 - Mother Dear
  • 1982 - My Heart Belongs to Daddy
  • 1981 - Age Doesn't Matter
  • 1981 - Hello, Young Lovers
  • 1981 - Bata Pa Si Sabel .... as Sabel
  • 1980 - Underage .... as Corazon
  • 1977 - Tahan Na, Empoy, Tahan (aka Stop Crying Little Boy)
  • 1972 - Sana Mahalin Mo Ako
  • 1972 - Isinilang Ang Anak ng Ibang Babae
  • 1971 - My Heart Belongs to Daddy
  • 1970 - My Little Angel
  • 1970 - Twinkle, Twinkle, Little Star
  • 1970 - Wanted: Perfect Mother
2009 Paupahan PMPC Star Awards for Movies Best Supporting Actress Film
2003 Habang Kapiling Ka (TV) PMPC Star Awards for TV Best Drama Actress in a TV series TV
1994 Koronang Itim FAMAS Best Performance by Lead Actress Film
1990 Hahamakin Ang Lahat (Film) PMPC Star Awards Best Performance by Supporting Actress Film
1972 Sana Mahalin Mo Ako FAMAS Best Child Performer Film

Mga Nominasyon para sa TV

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Tv Show Nominasyon Categorya Remark
2003 Habang Kapiling Ka PMPC Star Awards for TV Best Drama Actress in a TV series won
1990 Regal Drama Presents: Snooky PMPC Star Awards for TV Best Drama Actress in a TV series or anthology -
1989 Regal Drama Presents: Snooky PMPC Star Awards for TV Best Drama Actress in a TV series or anthology -
1988 Always, Snooky PMPC Star Awards for TV Best Musical Variety Show Host loss to Vilma Santos
1987 Always, Anooky PMPC Star Awards for TV Best Musical Variety Show Host loss to Vilma Santos & Nora Aunor

Mga Nominasyon Para sa Pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Year Film Nominations Category Remark
2004 Anak Ka Ng Tatay Mo Manila Fim Festival Lead Actress loss to Nora Aunor (Naglalayag)
2003 Captain Barbell Metro Manila Film Festival Supporting Actress -
1995 Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (Harvest Home) Film Academy of the Phil.; FAMAS Lead Actress 1995 Official Phil.Entry to the Oscars
1994 Koronang Itim FAMAS Lead Actress WON
1991 Madonna, Ang Babaing Ahas ??? Lead Actress -
1990 Hahamakin Ang Lahat PMPC Star Awards Supporting Actress WON
1989 Aabot Hanggang Sukdulan FAMAS Lead Actress -
1988 Kapag Napagod Ang Puso Urian; PMPC Star; FAMAS; FAP Lead Actress -
1987 ?? ?? ?? ??
1986 Yesterday, Today & Tomorrow ??? Supporting Actress -
1972 Sana Mahalin Mo Ako FAMAS Child Performer WON
1970 My Little Angel FAMAS Child Performer loss to Roderick Paulate
[baguhin | baguhin ang wikitext]