Pumunta sa nilalaman

Skyrmion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang skyrmion ay isang hipotetikal na partikulong nauugnay sa mga baryon. Ito ay inilarawan ni Tony Skyrme at binubuo ng mga superposisyong quantum ng mga baryon at mga estadong resonansiya. [1]

Ang mga skyrmion ay mga homotopikal na hindi-trivial na klasikong mga solusyon ng hindi linyar na modelong sigma na may hindi-trivial na inaasintang manipoldong topolohiya - kaya ang mga ito ay mga topolohikal na soliton. Ang isang halimbawa ay umiiral sa mga chiral na model ng mga meson kung saan ang mga inaasintang manipoldo ay isang espasyong magkatulad(homogeneous space) ng istrakturang grupo na

kung saan ang SU(N)L at ang SU(N)R ang mga kaliwa at kanan na kopya at ang SU(N)diag ang palihis na subgrupo(diagonal subgroup). Kung ang espasyo-oras ay may topolohiyang S3×R, kung gayon, ang mga klasikong konpigurasyon ay maaaring uriin ng integral na nakapulupot na bilang(winding number) dahil ang ikatlong homotopiyang grupong

ay katumbas ng singsing ng mga intedyer na may senyas na kongruensiyang tumutukoy sa homeomorpismo. Ang isang terminong topolohikal ay maaaring idagdag sa chiral Lagrangian na ang integral ay nakabatay lamang sa klaseng homotopiya. Ito ay nagreresulta sa mga superseleksiyon sektor sa quantisadong modelo. Ang isang skyrmion ay maaaring tantiyahin sa pamamagitan ng isang soliton ng ekwasyong Sine-Gordon; Pagkatapos ng quantisasyon ng Bethe ansatz o kundi nito, ito ay nagiging isang fermion na nakikipag-ugnayan ayon sa masibong modelong Thirring. Ang mga skyrmion ay iniulat ngunit hindi konklusibong napatunayan na nasa mga kondensadang Bose-Einstein,[2] mga superkonduktor,[3] at manipis na mga magnetikong film. [4]

  1. Wong, Stephen (2002). "What exactly is a Skyrmion?". arXiv:hep-ph/0202250.{{cite arXiv}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Al Khawaja, Usama; Stoof, Henk (2001). "Skyrmions in a ferromagnetic Bose–Einstein condensate". Nature. 411 (6840): 918–20. Bibcode:2001Natur.411..918A. doi:10.1038/35082010. PMID 11418849.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Baskaran, G. (2011). "Possibility of Skyrmion Superconductivity in Doped Antiferromagnet K$_2$Fe$_4$Se$_5$". arXiv:1108.3562 [cond-mat.supr-con].{{cite arXiv}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kiselev, N. S.; Bogdanov, A. N.; Schäfer, R.; Rößler, U. K. (2011). "Chiral skyrmions in thin magnetic films: New objects for magnetic storage technologies?". Journal of Physics D: Applied Physics. 44 (39): 392001. arXiv:1102.2726. Bibcode:2011JPhD...44M2001K. doi:10.1088/0022-3727/44/39/392001.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)