Sining ng Pilipinas
Ang sining ng Pilipinas ay tumutukoy sa mga gawang sining na umunlad at tinipon sa Pilipinas mula sa simula ng kabihasnan] ng bansa hanggang kasalukuyang panahon. Sumasalamin ito sa lipunan nito at sa mga hindi Pilipino ang iba't ibang impluwensiyang pang-kalinangan sa kalinangan ng bansa at kung papaano ang mga impluwensiyang iyon ay hinasa ang sining ng bansa. Maaring tumukoy ang sining ng Pilipinas sa sining biswal, sining nagpapalabas, sining pantela, mga tradisyon, panitikan, sayaw, panulaan, at iba pang anyo ng sining sa bansa.
Pagpipinta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang masisining na pagpipinta ay ipinakilala noong ika-16 na siglo nang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Noong panahong iyon, ang mga Kastila ay madalas magpinta ng mga propaganda tungkol sa relihiyon upang mapalaganap ang Katolisismo sa buong Pilipinas. Ang mga pinta na ito ay laging nakikita sa mga pader ng simbahan, tampok ang mga relihiyosong anyo kung saan lumalabas ang mga aral ng Katoliko. Sa kadahilalan ng pangangasiwa ng simbahan sa sining ng mga Pilipino at pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan ng layunin ng mga pinta ay mula sa ika-16 hanggang ika-19 na siglo ay tulong sa simbahang Katoliko.
Sa maagang ika-19 na siglo, ipinakilala ang mas mayaman at edukadong Pilipino sa mas sekular na Pilipinong sining, naging sanhi upang ang sining sa Pilipinas ay lumihis sa mga panrelihiyong paksa. Ang paggamit ng watercolor sa pagpipinta ay nagsimulang isama ang mga tanawin, tirahan ng mga Pilipino, anyo ng mga Pilipino, at mga opisyal sa pamahalaan. Ang mga estampang pagpipinta na itinampok ng mismong pintor ang kaniyang sarili, ang mga alahas ng Pilipino, at ang mga katutububong kasangkapan ng bahay. Ang paksa sa tanawing pagpipinta ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor na ipininta na maganda sa pinta at ang pang-araw-araw na eksena ng mga karaniwang Pilipino sa pagsalo sa mga araw-araw na gawain. Itong mga pinta ay ginawa sa kanbas, kahoy, at mga iba't-ibang uri ng metal.