Papa Silvestre III
Sylvester III | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 20 January 1045 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 10 February 1045 |
Hinalinhan | Benedict IX |
Kahalili | Benedict IX |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Giovanni dei Crescenzi – Ottaviani |
Kapanganakan | c. 1000 Rome, Papal States, Holy Roman Empire |
Yumao | 1062 or 1063 Sabina, Papal States, Holy Roman Empire |
Si Papa Silvestre III né Giovanni dei Crescenzi–Ottaviani (namatay noong 1062 o 1063) at ipinanganak sa Roma ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano sa isang maikling panahon noong 1045. Nang si Papa Benedicto IX ay pinalayas mula sa Roma noong Setyembre 1044, si Juan na obispo ng Sabina ay nahalal na Papa pagkatapos ng isang marahas at tumagal na awayan. Kanyang kinuha ang pangalang Silvestre III sa pag-akyat sa trono ng papa noong Enereo 1045. Siya ay kalaunang kinasahin ng panunuhol tungo sa kanyang pagkahalal na isang kasong hindi kailanman nakumpirma. Si Benedicto IX ay naglabas ng isang pagtitiwalag sa bagong papa at sa loob ng tatlong buway ay bumalik sa Roma at nagpatalsik sa kanyang katunggali sa trono ng papa na si Silvestre ay bumalik sa Sabina upang muling kunin ang opisina ng obispo sa diocese na ito. Pagkatapos ng halos 2 taon noong Disyembre 1046, ang Konseho ng Sutri ay nag-alis sa kanya ng obisporiko at pagkapari at nag-utos na ipadala siya sa isang monasteryo. Ang sentensiyang ito ay halatang pinatigil dahil siya ay patuloy na gumampan at kinilalang obispo ng Sabina hanggang noong mga 1062 na umokupa sa sede sa loob ng 20 taon. Ang isang kahaliling obispo sa Sabina ay itinala para sa Oktubre 1063 na nagpapakitang si Juan ay namatay bago ang petsang ito. Bagaman si Silvestre III ay itinuturing ng ilan na isang antipapa, siya ay patuloy na itinatala bilang opisyal na papa(1045) sa mga talaan ng Vatikano. Ang isang parehong sitwasyon ay lumapat kay Papa Gregorio VI. Ang kanyang pangalan ay muling ginamit ni Antipapa Theodoric dahil sa panahong ito, siya ay hindi itinuring na isang lehitimong papa.