Sikolohiyang pang-industriya at pang-organisasyon
Sikolohiya |
---|
Saligang agham |
Nilapat na agham |
Mga talaan |
Portada |
Ang sikolohiyang pang-industriya at pang-organisasyon (Ingles: industrial and organizational psychology, na nakikilala rin bilang I/O psychology at work psychology) ay isang pag-aaral na pang-agham ng mga empleyado, mga lugar na pinagtatrabahuhan, at mga organisasyon. Nag-aambag ang mga sikologong pang-industriya at pang-organisasyon sa tagumpay ng isang organisasyon sa pamamagitan ng pagpapainam ng pook na pinaghahanapbuhayan at ng pagganap, kasiyahan, at kagalingan o kapakanan ng mga tauhan nito. Ang sikologo ng I/O (sikologo ng industriya at organisasyon) ay nananaliksik at kumikilala sa kung paanong ang mga ugali at mga kaasalan ng empleyado ay maaaring mapabuti sa pamamagitan ng mga gawain sa paghihirang, mga programa ng pagsasanay, at mga sistema ng tugon (feedback) at pamamahala.[1] Tumutulong din ang mga sikologong pang-industriya at pang-organisasyon sa transisyon ng mga organisasyon habang nagaganap ang mga kapanahunan ng pagbabago at pagpapaunlad. Ang sikolohiyang industriyal at organisasyunal ay may kaugnayan sa ugaling pang-organisasyon at puhunang tao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Polyetong 'Building Better Organizations' na inilathala ng Society for Industrial and Organizational Psychology. Nakuha mula sa http://www.siop.org/visibilitybrochure/memberbrochure.aspx Naka-arkibo 2019-04-07 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.