Seven (mang-aawit)
Se7en | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Choi Dong-wook (최동욱, Hanja: 崔東昱) |
Kilala rin bilang | Seven |
Kapanganakan | 9 Nobyembre 1984 |
Pinagmulan | Seoul, Timog Korea |
Genre | K-pop, J-pop, R&B, Pop |
Trabaho | mang-aawit, artista, mananayaw |
Taong aktibo | 2003–Kasalukuyan |
Label | YG Entertainment (Korea) NEXSTAR Records (Hapon) |
Website | Hello7.com |
Si Choi Dong-wook(ipinanganak 9 Nobyembre 1984), mas kilala sa kanyang pangalan sa entablado na Seven (iniistilo bilang Se7en) ay isang artista, mananayaw at mang-aawit ng R&B at pop na taga lungsod ng Seoul sa Timog Korea. Nagsimula siya ng pag-eensayo sa pag-awit sa ilalim ng pamamahala ng ahensiyang YG Entertainment sa gulang na 15. Pagkatapos ng apat na taong pagsasanay sa awit at sayaw, nakalikha siya ng kanyang kauna-unahan paglabas at naging matagumpay naman sa Asya.
Gumanap siya bilang Lee Hoo, isang pangunahing katauhan sa isang palabas na drama na pinamagatang Goong S (Prince Hours). Ang nasabing drama ay isina-himpapawid sa Korea noong 10 Enero 2007.
Nakapaglabas din siya ng mga album sa mga wikang Koreano at Hapones. At may ilang awit din siya na nasa wikang Mandarin. Bukod sa kanyang bansang Korea, nakilala din siya sa mga bansang Hapon, Tsina, Taiwan, at sa Taylandya.
Bukod sa mga bansang nabanggit, nakapagtanghal na rin siya sa ilang pook sa Estados Unidos, kabilang na sa Los Angeles (sa Grand Olympic at sa Hollywood Bowl), sa lungsod ng New York (Madison Square Garden), at sa Washington DC (DAR Constitution Hall).[1]
Tinampok si Seven sa awiting "Take Control" ni Ameriie na mula sa kanyang album na Because I Love It na nilabas noong Mayo 2007.[2] Ang remix nito ay mayroon sa mga bersyong Asyano ng album.[3]
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga album
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Just Listen (Koreano) : 8 Marso 2003
- MUST LISTEN (Koreano) : 7 Hulyo 2004
- First Se7en (Hapones) : 8 Marso 2006
- 24/SE7EN (Koreano) : 8 Marso 2006
- Se7olution (Koreano) : 1 Nobyembre 2006
Mga single
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Crazy (Koreano) : 1 Disyembre 2004
- Style (Hapones)
- Hikari (Hapones)
- I wanna (Hapones)
- AiTai (Hapones)
- StartLine (Hapones)
Mga duweto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- She's Mine (tinatampok si Wheesung)
Mga gantimpala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2003 Nobyembre 27 : M.net Music Video Festival - Bagong Lalaking Mang-aawit para sa isang Musikang Bidyo
- 2003 Disyembre 5 : SBS The 18th Golden Disc - Parangal para sa Bagong Mang-aawit
- 2003 Disyembre 10 : KMTV Korean Music Awards - Parangal para sa Bagong Lalaking Mang-aawit
- 2003 Disyembre 12 : MTV Korea Seoul Music Awards - Parangal para sa Bagong Mang-aawit
- 2003 Disyembre 29 : SBS Popular Song Awards - Parangal para sa Bagong Mang-aawit
- 2003 Disyembre 29 : MBC Entertainment Awards - Natatanging Parangal - Seksyon ng Mang-aawit ng Pop
- 2003 Disyembre 31 : MBC Top Ten Vocalist Awards - Parangal para sa Bagong Bokalista
- 2004 Disyembre 2 : SBS The 19th Golden Disc - Pangunahing Parangal Popular na Musikang Bidyo
- 2004 Disyembre 4 : M.net & KM Music Video Festival - Parangal para sa Solong Bokalistang Lalaki
- 2004 Disyembre 30 : KBS Korea Pop Award - Pangunahing Parangal
- 2004 Disyembre 31 : MBC Top Ten Vocalist Award - Pangunahing Parangal
- 2005 Mayo 28 : Channel V Thailand Awards - Parangal para sa Sensasyong Asyano
- 2006 Enero 14 : China Original Music Ranking Chart SPRITE Awards - Pinakamahusay na Mang-aawit sa Asya
- 2006 Marso 9 : Japan Golden Disc - Natatanging Parangal
- 2006 Mayo 6 : MTV Asia Awards - Paboritong Mang-aawit sa Korea
- 2006 Mayo 27 : MTV Video Music Awards Japan - Pinakamahusay na Buzz Asia mula sa Korea
- 2006 Disyembre 1: MTV Korea 16th Seoul Music Awards - Parangal para sa Pinakamahusay na Bidyo - 난 알아요
- 2006 Disyembre 29: SBS Gayo Daejun - Parangala para sa Pinakamataas na Mang-aawit (Bonsang)
- 2007 Agosto 21: M.net Summer Break 20's Choice - Parangal para sa Pinakamahusay na Lalaking Mang-aawit