Pumunta sa nilalaman

Seiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Seiko Holdings Corporation (セイコーホールディングス株式会社 Seikō Hōrudingusu Kabushiki-gaisha) na mas kilala bilang Seiko ay isang kumpanyang Hapon na gumagawa at nagbebenta ng mga orasan, kasangkapang elektroniko, alahas at produktong optikal.

Tinatag ito noong 1881 ni Kintarō Hattori noong nagbukas siya ng isang tindahan ng relos at alahas na "K. Hattori" (服部時計店 Hattori Tokeiten) sa distrito ng Ginza sa Tokyo, Hapon. Makalipas ng labing-isang taon ay nagsimula na silang gumawa ng sariling orasan na may tatak na "Seikosha" na nangangahulugang Bahay ng Mahusay na Pagkakagawa sa wikang Hapon. Kinalaunan ay pinaikli ang pangalan bilang Seiko na nangangahulugan ding "tagumpay" sa wikang Hapon.

Kilala ang Seiko sa kanilang mga relos at orasan. Ang ilan sa kanilang mga relos ay ang Seiko 5 (ang "5" ay nangangahulugan sa limang katangian ng isang relos: awtomatikong pag-winding, may pinapakitang araw at petsa sa mukha, pwedeng mabasa, pihitan sa bandang alas-kwatro at matibay na kaha at pulseras) at ang mas mamahaling Credor, King Seiko at Grand Seiko. Ang Grand Seiko ay nilunsad noong 1960 bilang pantapat sa mga relos na gawa sa bansang Suwisa na kilala sa mga mekaninkong relos.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.