Saint John's
Lungsod ng St. John's | |
---|---|
Lungsod | |
Itaas: Horisonte ng St. John's; Gitna: Museo ng Antigua at Barbuda, Puwerto ng St. John's; Ilalim: Muog James, Katedral ni San Juan | |
Lokasyon ng St. John's sa Antigua at Barbuda | |
Mga koordinado: 17°07′N 61°51′W / 17.117°N 61.850°W | |
Bansa | Antigua and Barbuda |
Pulo | Antigua |
Parokya | Saint John |
Kinolonisado | 1632 |
Pamahalaan | |
• Konseho | St. John's Development Corporation (Korporasyong Pagpapaunlad ng St. John's) |
Lawak | |
• Kabuuan | 10 km2 (4 milya kuwadrado) |
Taas | 0–59 m (0–194 tal) |
Populasyon (2011) | |
• Kabuuan | 22,219 |
• Kapal | 3,100/km2 (8,000/milya kuwadrado) |
Mga etnisidad | |
• Aprikano | 84.86% |
Sona ng oras | UTC-4 (AST) |
Paliparan | Pandaigdigang Paliparan ng V.C. Bird |
Websayt | sjdcanu.com |
Ang St. John's ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Antigua at Barbuda, bahagi ng Kanlurang Indiyas sa Dagat Karibe. Sa populasyon na 22,219,[1] ang St. John's ay ang sentro ng komersyo ng bansa at ang punong daungan ng pulo ng Antigua. Ipinangalan ang lungsod kay San Juan ang Dibino.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panirahan ng St. John's ay naging sentro ng administratibo ng Antigua at Barbuda mula noong unang nakolonisado ang mga pulo noong 1632, at ito ang naging upuan ng pamahalaan nang makamit ng bansa ang kalayaan noong 1981.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang St. John's ay isa sa mga pinaka-maunlad at kosmopolitan na munisipalidad sa Mas Mababang Antilles. Sikat ang lungsod sa mga mall na pamilihan nito pati na rin ang mga boutique o maliliit na pamilihan sa buong lungsod, na nagbebenta ng mga designer na alahas at haute-couture na damit.
Ang St. John's ay umaakit ng mga turista mula sa mga bakasyunan sa pulo at mula sa mga cruise ship o bapor panliwaliw na dumaong sa daungan nito sa Pantalang Heritage at Pantalang Redcliffe nang ilang beses sa isang linggo.
Ang industriya ng bangkong pamumuhunan ay may malakas na presensya sa lungsod. Ang mga pangunahing institusyong pinansyal sa mundo ay may mga opisina sa St. John's.
May palengke sa timog-kanlurang gilid ng lungsod kung saan ibinebenta araw-araw ang mga sariwang ani, karne, at sariwang isda.
Ang Antigua Rum Distillery ay matatagpuan sa Citadel at ang tanging distilerya ng rum sa pulo.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang karamihan ng populasyon ng St. John's ay sumasalamin sa natitirang bahagi ng Antigua: mga Aprikano at mistisong Europeong-Aprikanong lahi, na may minoryang Europeo, kabilang ang Britaniko at Portuges. Mayroong populasyon ng Lebanteng Arabeng Kristiyano.[3]
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang St John's ay ang tahanan ng Parlamento ng Antigua at Barbuda. Ang St John's ay ang kabisera ng Parokya ng Saint John.
Ang Eastern Caribbean Civil Aviation Authority (Silangang Karibeng Pangasiwaan sa Abyasyong Sibil) ay mayroong punong-tanggapan sa Daang Factory sa St. John's.[4]
Mga dibisyong administratibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga lugar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga lugar (o Pangunahing Dibisyon) ay ang pangalawang antas na mga dibisyong administratibo ng Antigua at Barbuda. Itinuturing ang Saint John's na isang dibisyong administratibo na unang-antas pagdating sa paghahati sa mga Pangunahing Dibisyon.
- City Centre
- Greenbay
- Point
- Cook's Hill
- Gray's Farm
- Nut Grove
- Kentish
- Desouza Road
- Browns Avenue
- Villa
- Radio Range
- Sutherlands Development
- Upper Fort Road
- Micheal's Mount
- Princess Margaret
- Upper Gamble's
Pangunahing pasyalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang skyline o horisonte ng lungsod ay pinangingibabawan ng mga puting barokong tore ng Katedral ni San Juan (St. John's Cathedral).
Ang Harding Botaniko ay malapit sa interseksyon ng Daang Factory at Abenidang Independence. Ang maliit na parke na may na mga bangko at gasebong panlilim ay nagbibigay ng isang tahimik na kanlungan mula sa abala ng aktibidad ng St. John's.
Ang Pulong Sandy ay isang parola na matatagpuan sa isang maliit na pulo mga 5 km mula sa baybayin patungo sa daungan ng St. John's.
Ang Tahanang Pampamahalaan (Government House) ay ang tirahan ng gobernador, na orihinal na isang gusali ng paroko noong ika-19 na dantaon. Kasama ito sa tala ng Pandaigdigang Pondo sa mga Monumento noong 2018 ng mga monumento na nasa panganib, kasunod ng pagkakalantad sa mga malalang pangyayari sa panahon.[5]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang St. John's ay may Tropikal na sabanang klima (Koppen : Aw) na may mala-tag-araw na panahon sa buong taon, na may maiinit na araw at mainit na gabi. Pinakamataas ang pag-ulan sa mga buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre dahil sa aktibidad ng bagyo. Noong Agosto 12, 1995, naitala ang temperatura na 34.9 °C (94.8 °F), na siyang pinakamataas na temperatura na naitala sa Antigua at Barbuda.[6][7]
Datos ng klima para sa St. John's, Antigua at Barbuda (Pandaigdigang Paliparan ng V. C. BIrd) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 31.2 (88.2) |
31.8 (89.2) |
32.9 (91.2) |
32.7 (90.9) |
34.1 (93.4) |
32.9 (91.2) |
33.5 (92.3) |
34.9 (94.8) |
34.3 (93.7) |
34.1 (93.4) |
32.6 (90.7) |
31.5 (88.7) |
34.9 (94.8) |
Katamtamang taas °S (°P) | 28.3 (82.9) |
28.4 (83.1) |
28.8 (83.8) |
29.4 (84.9) |
30.2 (86.4) |
30.6 (87.1) |
30.9 (87.6) |
31.2 (88.2) |
31.1 (88) |
30.6 (87.1) |
29.8 (85.6) |
28.8 (83.8) |
29.8 (85.6) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 25.4 (77.7) |
25.2 (77.4) |
25.6 (78.1) |
26.3 (79.3) |
27.2 (81) |
27.9 (82.2) |
28.2 (82.8) |
28.3 (82.9) |
28.1 (82.6) |
27.5 (81.5) |
26.8 (80.2) |
25.9 (78.6) |
26.9 (80.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22.4 (72.3) |
22.2 (72) |
22.7 (72.9) |
23.4 (74.1) |
24.5 (76.1) |
25.3 (77.5) |
25.3 (77.5) |
25.5 (77.9) |
25.0 (77) |
24.4 (75.9) |
23.9 (75) |
23.0 (73.4) |
24.0 (75.2) |
Sukdulang baba °S (°P) | 15.5 (59.9) |
16.6 (61.9) |
17.0 (62.6) |
16.6 (61.9) |
17.8 (64) |
19.7 (67.5) |
20.6 (69.1) |
19.3 (66.7) |
20.0 (68) |
20.0 (68) |
17.7 (63.9) |
16.1 (61) |
15.5 (59.9) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 56.6 (2.228) |
44.9 (1.768) |
46.0 (1.811) |
72.0 (2.835) |
89.6 (3.528) |
62.0 (2.441) |
86.5 (3.406) |
99.4 (3.913) |
131.6 (5.181) |
142.2 (5.598) |
135.1 (5.319) |
83.4 (3.283) |
1,049.2 (41.307) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) | 11.1 | 8.7 | 7.3 | 7.2 | 8.6 | 8.3 | 11.8 | 12.7 | 12.0 | 12.9 | 12.4 | 12.1 | 124.7 |
Sanggunian: Antigua/Barbuda Meteorological Services (Serbisyong Meteorolihiko ng Antigua/Barbuda)[8][9][10] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Archived copy" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-04. Nakuha noong 2014-10-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why That Name?". cpoise.gov.ag (sa wikang Ingles). Marso 24, 2023. Nakuha noong Hulyo 28, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "St. John's, Antigua and Barbuda (1632- ) •" (sa wikang Ingles). 2015-02-24. Nakuha noong 2022-09-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Eastern Caribbean Civil Aviation Authority (formerly, The Directorate of Civil Aviation) (Main Offices)." Eastern Caribbean Civil Aviation Authority. Nakuha noong 23 Disyembre 2012. "Address : Factory Rd City : Saint John's State : Antigua Country : Antigua and Barbuda" (sa Ingles)
- ↑ "Government House". 2018 World Monuments Watch (sa wikang Ingles). World Monuments Foundation.
- ↑ "Our Climate" (sa wikang Ingles). Antigua and Barbuda Meteorological Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-05. Nakuha noong 30 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Normal Daily Temperature: TEMPERATURE AT V.C. Bird International Airport" (sa wikang Ingles). Antigua and Barbuda Meteorological Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2016. Nakuha noong 30 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Normals and averages: temperature at V.C Bird International Airport" (sa wikang Ingles). Antigua and Barbuda Meteorological Services. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Agosto 2019. Nakuha noong 14 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Normals and averages: rainfall at V.C Bird International Airport" (sa wikang Ingles). Antigua and Barbuda Meteorological Services. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2020. Nakuha noong 14 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "78862: Vc Bird International Airport Antigua (Antigua and Barbuda)". ogimet.com (sa wikang Ingles). OGIMET. 17 Oktubre 2021. Nakuha noong 17 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)