Pumunta sa nilalaman

Repleksyon (pisika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang repleksyon ng Bundok Hood sa Lawang Salamin (Mirror Lake) sa Oregon.

Kung ang isang sinag ng ilaw mula sa isang pangunahing midyum ay bumalik galing sa isa pang midyum, ito ay tinatawag na repleksyon.[1] Maliban sa ilaw, ang repleksyon din ay nangyayari sa iba't-ibang uri ng alon, isa na rito ang tunog.[2]Ang batas ng repleksyon ay nagsasabi na para sa ispekuladong repleksyon (halimbawa sa isang salamin) ang anggulo kung saan ang alon ay nangyayari sa ibabaw ay katumbas ng anggulo kung saan ito nasasalamin.

Maraming aplikasyon ang pag-aaral ng repleksyon sa ating kasalukuyang mundo. Sa akostika, ang repleksyon ay nagdudulot ng mga alingawngaw kung saan ginagamit ito sa larangang sonar. Sa heolohiya, ginagamit ang pag-aaral ng repleksyon sa pagdedetermina ng mga seismikong alon. Maliban sa nabanggit, ang repleksyon din ay ginagamit sa pag-oberba sa mga elektromagnetikong alon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "1911 Encyclopaedia Britannica". Wikisource (sa wikang Ingles).
  2. "Encyclopaedia Britannica Online - Reflection". Encyclopaedia Britannica.