Pumunta sa nilalaman

Renato Constantino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Renato Constantino
Kapanganakan
Renato Reyes Constantino

10 Marso 1919(1919-03-10)
Kamatayan15 Setyembre 1999(1999-09-15) (edad 80)
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas (Batsilyer sa Sining)
Unibersidad ng New York (Masteral sa Sining)
Trabahomananalaysay, tagapagturo
AsawaLetizia Roxas (k. 1943)
AnakKarina Constantino-David
Renato Constantino Jr.

Si Renato Constantino ay isang Pilipinong mananalaysay at tagapagturo (Ingles: educator). Isa sa mga kilala niyang akda ang A Past Revisited kung saan sinulat niya ito upang makita ang kahalagaan ng nakaraang kasaysayan ng mga Pilipino para magkaroon ng kaliwanagan sa mga pangyayari sa kasalukuyan.[1][2] Itinuturing siya bilang isang mananalaysay na makabayan.[3]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Renato Reyes Constantino noong Marso 10, 1919 kina Amador Constantino at Francisca Reyes sa Lungsod ng Maynila sa Pilipinas.[4]

Kilala si Renato bilang ang tagabunsod ng historiyograpiyang nasyonalista at isang intelektuwal pampubliko.[5] Nakilala siya sa mga akda tulad ng A Past Revisited at kasunod nitong lathain na "A Continuing Past" na sinulat kasama ang kanyang asawang si Letizia.[6] Kilala din ang aklat niya tungkol sa talambuhay ni Claro M. Recto na The Making of a Filipino, pati rin ang mga aklat na Neocolonial Identity and Counter-Consciousness, at The Nationalist Alternative.[7]

Marami din siyang naisulat na sanaysay, at ang Miseducation of the Filipino ang pinakabinabasa niyang sanaysay na naghintay ng limang taon bago ito nailimbag.[7] Nailathala ito sa Weekly Graphic noong 1966.[8] Noong 1972, nilathala niya sa pahayagan ang koleksyon ng mga artikulo na Marcos Watch na tinutuya ang pamilyang Marcos.[9]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikinasal siya kay Letizia Roxas noong Nobyembre 21, 1943 sa Lungsod ng Maynila sa Pilipinas.[10] Mayroon silang dalawang anak na sina Karina at Renato Jr.[3] Apo niya ang mamamahayag na si Kara David na anak nina Karina at Randy David.[11]

Namatay si Renato Constantino noong Setyembre 15, 1999.[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Schumacher, John N. (1975). "Re-reading Philippine History: Constantino's "A Past Revisited"". Philippine Studies (sa wikang Ingles). 23 (4): 465–480. ISSN 0031-7837.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nery, John (2015-10-13). "Miseducated by Constantino". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Activist Renato Constantino Jr. dies at 79". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2024-04-05. Nakuha noong 2024-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "FamilySearch.org". ancestors.familysearch.org. Nakuha noong 2024-04-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. Guiang, Francisco Jayme Paolo A. (2021-12-20). "The genesis of partisan scholarship: Renato Constantino as a public intellectual and nationalist historian, 1950s–1980s". Social Science Diliman: A Philippine Journal of Society and Change (sa wikang Ingles). 17 (1). ISSN 2012-0796.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. INQUIRER.net (2016-06-29). "Letizia Roxas Constantino; 96". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Renato Constantino - Bantayog ng mga Bayani" (sa wikang Ingles). 2023-05-28. Nakuha noong 2024-04-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Public Dimension of Renato Constantino's 'Historically-Informed Social Criticism': Facets and Critiques of His Intellectual Legacy, 1945-1978 | Philippine Social Sciences Review". Philippine Social Sciences Review (sa wikang Ingles).
  9. Renato Constantino (1972). The Marcos Watch By Renato Constantino Ed. Luis Mauricio.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Renato Reyes Constantino". ancestors.familysearch.org. Nakuha noong 2024-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. David, Randy (2015-04-09). "Letty's Day". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Renato Constantino". Arellano High School Inspiring Lifestories (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)