Pumunta sa nilalaman

Rebecca

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang mga gamit, tignan Rebecca (paglilinaw).

Si Rebecca ay isang Pilipinong aktres na sumikat noong kalagitnaan ng dekada 60s. Ang kasikatan niya ay umabot hanggang sa unang dekada 70s, Siya ay ipinanganak noong 1942

Si Rebecca ay unang napanood noong unang dekada sisenta sa pelikulang Divina, Diyos ng Apoy kung saan ipinakilala ang isa pang Magandang artista na si Rosario del Pilar. Bagamat maliit lang ang kanyang naging papel ay tumatak sa tao ang kanyang Mala-Morenang ganda at naging dahilan ito para kunin siya ng iba't-ibang produksiyon ng pelikula. Ilan sa mga pelikula niya kung saan nakasama niya si Da King ay ang Sigaw ng Digmaan (1963), Walang Hanggan (1964) kabituin si Amalia Fuentes, Ex-Convict (1967), Alyas 1 2 3 (1968) kasama si Nova Villa, Magpakailan Man (1968) kabituin si Susan Roces, at Asedillo kasama si Barbara Perez.

Leading Actor ng Dekada 60s

[baguhin | baguhin ang wikitext]

ilang sa mga nakasama na niyang sikat na aktor kung saan siya ang leading lady ay sina Jess Lapid sa Marko Asintado at Kardong Pusa noong (1968). Nakasama din niya si Tony ferrer noong 1968 sa pelikulang Brasong Bakal, Joseph Estrada sa 3 Hari at Bernard Belleza Maging ang Kontrabidang Komedyante na si Max Alvarado ay nakapareha niya noong (1968) sa Dirty Face Max at apat na kmedyante noong (1964) sina Oscar Obligacion, Pepe Pimentel, Pablo Virtuoso, Dencio Padilla para sa pelikulang 4 na Kabalyero

Dekada 70s ang huling dekada niya sa pelikula ay patuloy na nakagawa pa siya ng mangilan-ngilang pelikula kasama ang batikang aktor na si Joseph Estrada sa Padre Pugante noong (1970). Ang Pelikulang Bugoy kung saan nakasama naman niya ang naglalakihang bida at kontrabida at Basketball Player na sina Andy Poe, Paquito Diaz at Robert Jaworski.

PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.