Pumunta sa nilalaman

Surah Al-Lail

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 92)
Sura 92 ng Quran
الليل
Al-Layl
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata21
Blg. ng zalita71
Blg. ng titik314

Ang Sūrat al-Layl (Arabiko: الليل, Ang Gabi) ang ika-92 kabanata ng Koran na may 21 talata. Ang surang ito ay isa sa unang sampung inihayag sa Mecca.

Mga bersikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng gabi kapag natakpan na ng buong kadiliman nito ang kalupaan at ang mga nasa ibabaw nito,

2. At sa pamamagitan ng araw (‘day) kapag naglaho na ang kadiliman ng gabi dahil sa liwanag nito,

3. At sa pamamagitan ng paglikha Niya ng paris: babae at lalaki.

4. Walang pag-aalinlangan, ang inyong pagpupunyagi at gawa ay magkakaiba sa mga layunin at hangarin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba para sa makamundo lamang at ng iba naman para sa Kabilang-Buhay.

5. Subali’t ang sinumang gumasta sa kawanggawa mula sa kanyang kayamanan at pinanatili niya ang kanyang tungkulin sa Allâh at natakot sa Kanya sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga ganitong kabutihan,

6. At pinaniniwalaan niya ang Paghuhukom at ang gantimpala sa kanyang mga gawain,

7. Walang pag-aalinlangang gagabayan Namin siya tungo sa daan ng kabutihan at pagiging matuwid, at gagawin Naming madali para sa kanya ang kanyang pamumuhay.

8. At sino naman ang nagmaramot sa kanyang kayamanan

9. At iniisip niya na hindi niya kailangan ang gantimpala ng kanyang ‘Rabb’ na Tagpaglikha, at hindi naniniwala sa paghuhukom at pagtutumbas,

10. Walang pag-aalinlangan, gagawin Naming madali para sa kanya ang mga daan patungo sa pagiging sawi

11. At wala siyang mapapakinabangan sa kanyang kayamanan na kanyang ipinagdamot kapag siya ay itinapon na sa Impiyerno.

12. Katotohanan, tungkulin Namin dahil sa Aming kagandahang-loob at karunungan na linawin ang Daan ng Patnubay na naggagabay tungo sa Allâh at sa Kanyang ‘Al-Jannah’ sa daan ng pagkaligaw,

13. At katiyakan, pagmamay-ari Namin ang buhay sa Kabilang-Buhay at buhay sa daigdig.

14. Na kung kaya, binalaan Ko kayo, O kayong mga tao, at tinakot hinggil sa naglalagablab na Apoy na napakatindi na ito ay Impiyernong-Apoy.

15. Na walang sinuman ang makakapasok (sa Apoy na) ito kundi siya na napakatindi ang kasamaan, na tinanggihan niya ang Propeta ng Allâh na si Muhammad,

16. At tinanggihan niya ang paniniwala sa Allâh at sa Kanyang Sugo at pagsunod sa kanilang dalawa.

17. At walang pag-aalinlangan, ilalayo sa kaparusahang ito ang sinuman na matindi ang kanyang pagkatakot sa Allâh,

18. Na ginasta niya ang kanyang kayamanan bilang paghahangad ng karagdagang kabutihan.

19. At ang paggasta na ito ay hindi bilang ganti sa sinumang gumawa sa kanya ng kabutihan, bagkus ang hangarin niya ay makaharap ang Mukha ng kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Kataas-taasan

20. At makamit ang Kanyang Kaluguran,

21. At walang pag-aalinlangang ipagkakaloob ng Allâh sa kanya sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) at ang anumang ikalulugod niya.