Pumunta sa nilalaman

Surah Al-Fil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 105)
Sura 105 ng Quran
ٱلفِيل
Al-Fīl
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata5
Blg. ng zalita23
Blg. ng titik96

Ang Al-Fil (Arabiko: سورة الفيل‎ ) (Ang Elepante) ang ika-105 kapitulo ng Koran na may 5 bersikulo. Ito ay isang Meccan sura.

Mga bersikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Hindi mo ba nabalitaan, O Muhammad, kung ano ang ginawa ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, sa mga nagmamay-ari ng Elepante: na si Abrahah Al-Ashram na taga-Abysinnia at ang kanyang mga sundalo, na ang hangarin nila ay wasakin ang Ka`bah sa Makkah?

2. Hindi ba ginawa Niya ang kanilang masamang balakin na hindi maganap?

3. At nagpadala Siya laban sa kanila ng mga ibon, na napakarami,

4. Na pinagbabagsakan sila ng mga batong ‘Sijjeel’ na gawa sa matitigas na luwad.

5. At para silang nagmistulang mga nawasak na mga pananim sa bukirin na ang mga bunga nito ay parang kinain ng mga hayop at itinapon ang tangkay.