Prinsa ng Tatlong Bangin
Ang Prinsa ng Tatlong Bangin (Inggles: Three Gorges Dam) na matatagpuan sa Ilog Yangtze sa probinsiya ng Hubei sa bansang Tsina ay ang pinakamalaking dam na hydroelectric sa mundo simula ng taong 2012.[1][2] Ito ay nasa ibaba ng agos ng Tatlong Bangin, ang Qutangxia, Wuxia, at Xilingxia.[2][3] Ginagamit ng prinsa ang daloy ng tubig mula sa mga bangin na ito upang paikutin ang mga turbina at makalikha ng kuryente.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang itayo ang Prinsa ng Tatlong Bangin noon 1994 at natapos noong 2006.[4] Dinisenyo ang prinsa upang makagawa ng elektrisidad, mapaamo ang pinakamahabang ilog ng Tsina na Ilog Yangtze, maiwasan ang pagbaha, at protektahan ang mga tao mula sa mga nakakamamatay na baha.[4] Nagkakahala ito ng 200 bilyong yuan o 28.6 bilyon dolyar. Kinailangang paalisin ang mahigit sa isang milyong tao sa tabi ng Ilog Yangzte upang maitayo ang Prinsa ng Tatlong Bangin.[4]
Ganap na napatakbo ang Prinsa ng Tatlong Bangin noong 2012 noong ganap na gumana ang kasama nitong plantang hydropower.[2]
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) ay isa ang Prinsa ng Tatlong Bangin sa ilang istrukturang gawa ng tao sa mundo na makikita ng mga mata mula sa kalawakan.[4]
Komposisyon at sukat
[baguhin | baguhin ang wikitext]May taas na humigit-kumulang sa 863 talampakan o 181 metro ang Prinsa ng Tatlong Bangin at ito ay may habang humigit-kumulang sa 7,770 talampakan o 2,335 metro. Nililikha ng dam ang reservoir na may ibabaw na lugar (Inggles: surface area) na humigit kumulang sa 400 milya kwadrado o 1,045 kilometro kuwadrado.[1]
Kapasidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinananatili ang antas ng tubig sa Prinsa ng Tatlong Bangin sa pinakamataas na lebel na 175 metro o 574 talampakan tuwing Oktubre hanggang Mayo na panahon ng tagtuyot. Ginagawa ito upang i-optimize ang paglikha ng kuryente ng plantang hydropower. Unti-unting ibinababa ang lebel sa 145 metro o 475 talampakan bago dumating ang pag-ulan sa Hunyo upang mabigyan ng puwang ang papasok na tubig-baha. Lumilikha ng 22 bilyong metro kubiko na espasyo sa prinsa ang ginagawang pagbaba ng lebel.[4]
Paglikha ng kuryente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasamang planta na hydropower ng Prisa ng Tatlong Bangin ay nakagagawa ng 22,500 megawatts na kuryente.[1][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Three Gorges Dam: The World's Largest Hydroelectric Plant | U.S. Geological Survey". www.usgs.gov. Nakuha noong 2024-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Three Gorges Dam". WorldAtlas (sa wikang Ingles). 2023-01-10. Nakuha noong 2024-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 "It's True: China's Three Gorges Dam Is So Big It Changes Earth's Spin". IFLScience (sa wikang Ingles). 2024-09-18. Nakuha noong 2024-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 Gan, Nectar (2020-08-01). "China's Three Gorges Dam is one of the largest ever created. Was it worth it?". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)