Pohjola
Ang Pohjola ay isang pook sa mitolohiyang Pinlandes, na tumutukoy sa Pohja (Hilaga), bilang direksiyon ng compass, ang Hilagang Lupain (Northland) -- ang buong rehiyong polar, at ang mundo ng Kalavela, ang lupain ng Sami.
Sa tunay na buhay, sakop ng Pohjala ang bahagi ng Lapland at ang sinaunang Kainuu. Maari ding isipin na ang Pohjola ay isang pook na gawa-gawa lamang, ang pinanggagalingan ng kasamaan—isang lupaing nakakatakot at napakalamig sa pinakahilaga. Maaring galing sa lugar na ito ang mga sakit at pagyeyelo. Ang Pohjala ang kalaban ng Vainola—ang lupain ng Kalevala.
Ayon sa alamat, si Louhi ang Mistress ng Pohjola, isang masamang mangkukulam na may malakas na kapangyarihan. Ginawa ng dakilang panday na si Seppo Ilmarinen ang Sampo ayon sa utos nito at dinala ito sa kanya upang pambayad sa kamay ng kanyang anak sa kasal. Ang Sampo ay isang may mahikang kiskisan ng kasaganaan na gaya ng Cornucopia, na nagbibigay kasaganaan para sa mamamayan ng Pohjoa, ngunit ang takip nito ay isang simbolo ng kaha de yerong selestiyal ng kalangitan, may mga bituing nakabaon, na umiikot sa isang gitnang aksis o haligi ng daigdig. Gusto ring pakasalan ng ibang tahuan ng Kalevala ng mga anak ng Pohjola. Kasama rito ang abenturero na si Lemnikainen at ang dakilang pantas na si Vainamoinen. Humihingi rin ng mga milagro si Louhi nang kagaya ng pagpapanday ng Sampo sa kanila, isa na rito ang pagpana ng Gansa ng Tounela. Kapag natanggap na ang alok na pakasal, ang kasalan at selebrasyon ay gaganapin sa malaking bulwagan ng Pohjola.
Ang pundasyon ng haligi ng daigdig, ang ugat nitong puno ng daigdig, ay matatagpuan, ayon sa mitolohiyang Pinlandes, sa isang dako pagkalagpas ng guhit-tagpuan o abot-tanaw sa hilaga, sa Pohjola. Ang pagpapanday at pagtatago ng Sampo at ng kasaganaan nito ni Louhi sa loob ng malaking bundok sa nakakubling bahagi ng Pohjola; ang pakikibaka at pakikidigma ng mga tao sa timog upang mapalaya ang Sampo at mahuli ito para sa kanilang pangagailangan; at ang pagsira ng Sampo at pagkawala ng pinakamahalang takip (na nagpapahiwatig ng pagkasaria ng puno ng daigdig sa hilagang polo) ang nagsisilbing karamihan ng materyal ng Kalevala.