Pumunta sa nilalaman

Mga Plebo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Plebeian)

Ang mga plebo[1], plebyano, o plebeyano ay ang mga karaniwang tao sa lipunan ng Sinaunang Roma. Sa hanay ng kaantasang panlipunan ng matandang Roma, nasa ibaba sila ng mga patrisyano, subalit mas nakaaangat kaysa mga taong pinalaya at higit na nakaaangat kaysa mga alipin. Sila ang mga taong ipinanganak na malaya ngunit may kaunting kapangyarihan sa Sinaunang Roma.[2]

Noong mga 500 BK sa Republika ng Roma, hindi sila nakapaglilingkod bilang mga politiko sa mga tanggapan ng pamahalaang Romano. Hindi sila maaaring maging pari, at hindi rin makapag-aasawa ng mga taong patrisyano. Subalit nakapaglilingkod sila bilang mga sundalo sa hukbong katihan.[2]

Pagkalipas ng mahigit sa 200 mga taon, nagkamit ang mga plebo ng sari-saring mga karapatan. Pinakamahalaga sa mga ito ang karapatang makapaghalal ng mga tribuna. Binubuo ang mga tribuna ng sampung mga opisyal na maaaring tumanggi sa hindi patas na mga pagpapasya ng mga mahistrado.[2] Sila ang mga hinirang upang gumanap na mga tagapagtanggol na pangkarapatan ng mga plebo.[1]

Noong 287 BK, nagkaroon sila ng karapatang makilahok sa paggawa ng mga batas. Nagtagumpay din sila sa pagkakaroon ng karapatan upang maging mga pari.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Pleb, plebeian, plebo; tribune, tribuna - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who were the Plebeians?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 17.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.