Piñata
Ang piñata ( /pɪnˈjɑːtə/, pagbigkas sa wikang Kastila: [piˈɲata] ( makinig)) ay isang sisdlan na karaniwang gawa sa papier-mâché, palayok, o damit na pinlamutian at naglalaman ng mga candy at hinahampas upang masira. Dinala ng mga Espanyol ang tradisyong Europeo sa Mehikobagaman may mga katulad na tradisyon sa Mesoamerika gaya ng pagpaparangal ng mga Aztec sa kaarawan ng Diyos na si Huītzilōpōchtli sa gitnang Disyembre. Ayon sa mga lokal na rekord ang Mehikanong tradisyon ng piñata ay nagsimula sa bayan ng Acolman, sa hilaga ng Siyudad ng Mehiko kung saan ang mga piñata ay ipinakilala para sa mga layuning katekismo at seremonya ni Huitzilopochtli. Ang piñata ay naging bahagi na ng kultura ng Mehiko at mga ubang bansa sa Latun Amerika at Esrados Unidos ngunit nawala na ang karanguang relihiyoso nito.