Pumunta sa nilalaman

Pedobear

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tao na nakabihis bilang si Pedobear (bersyong Cosplay)

Ang Pedobear (isang pangalan sa wikang Ingles na binibigkas na /pe-do-ber/, na may literal na kahulugang osong pampedopilya, sa diwang "osong panlaban sa pedopilya") ay isang meme sa Internet na naging tanyag sa 4chan. Si Pedobear ay kadalasang pinapaskil bilang isang paraan ng pangungutya na mga humihiling o naglalagay ng mga imahe ng mga seskuwalisadong bata sa 4chan.

Unang nagpakita si Pedobear sa 2channel, isang popular na sistema ng pisarang pambuletin sa bansang Hapon. Ang unang tawag sa kanya ay クマー Kumā (isang "pandamdam" ng salitang 熊 (Kuma) na ang ibig sabihin ay oso sa wikang Hapones) o "Osong Pangkaligtasan". Hindi katulad ng Pedobear ang Kuma ay walang pahiwatig na seksuwal, na pampedopilya, o kabaligtaran man.

Si Pedobear ay itinampok sa isang wallpaper mula sa iStockphoto. Siya rin ay napalagay sa background o "likurang palamuti" ng Import Tuner, isang magasin tungkol sa mga kotse.[1]

Noong ika-3 ng Hulyo, 2009, si Michael R. Barrick (isang artistang alagad ng sining mula sa Canada) ay lumikha ng dalawang larawan na nagpapakita kay Pedobear kasama ang mga maskota ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010 at Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2010. Ang Gazeta Olsztyńska, isang diyaryo mula sa Polonya, ang gumamit ng isa sa mga larawan para sa isang kuwentong pang-unang pahina tungkol sa Olimpiks sa Vancouver noong ika-4 ng Pebrero, 2010.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.