Pumunta sa nilalaman

Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong

Mga koordinado: 22°18′32″N 113°54′52″E / 22.30889°N 113.91444°E / 22.30889; 113.91444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong
Buod
Uri ng paliparanPublic
May-ariAirport Authority Hong Kong (Pamahalaan ng HKSAR)
NagpapatakboAirport Authority Hong Kong
PinagsisilbihanHong Kong at Mas Malawak na Lugar ng Look ng Guangdong–Hong Kong–Macau
LokasyonBlg. 1 Daang Sky Plaza, Pulo ng Lantau, Kapuluang Distrito, Mga Bagong Teritoryo, Hong Kong
Nagbukas6 Hulyo 1998; 26 taon na'ng nakalipas (1998-07-06)
Sentro para sa
Pasahero
  • Cathay Pacific
  • Hong Kong Airlines
  • Hong Kong Express

Kargamento

  • Air Hong Kong
  • Cathay Pacific Cargo
  • DHL Aviation
  • Hong Kong Airlines Cargo
  • UPS Airlines
Nakatuong lungsod para sa
Elebasyon AMSL9 m / 28 tal
Mga koordinado22°18′32″N 113°54′52″E / 22.30889°N 113.91444°E / 22.30889; 113.91444
Websaytwww.hongkongairport.com
Mga patakbuhan
Direksyon Haba Ibabaw
m tal
07R/25L 3,800 12,467 Aspaltong kongkreto
07L/25R 3,800 12,467 Aspaltong kongkreto
Estadistika (2019)
Mga pasahero71,541,000
Mga pagkilos420,000
Kargamento (metriko tonelada)4,810,854
Sanggunian: Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong[1]
Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong
Tradisyunal na Tsino香港國際機場
Pinapayak na Tsino香港国际机场
Cantonese YaleHēunggóng Gwokjai Gēichèuhng
Paliparan ng Chek Lap Kok (Kantnes para sa "punto ng pulang minnow")
Tradisyunal na Tsino機場
Pinapayak na Tsino机场
Cantonese YaleCheklaahpgok Gēichèuhng

Ang Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong (IATA: HKGICAO: VHHH) ay ang pangunahing paliparan ng Hong Kong, na itinayo sa pamamagitan ng reklamasyon ng lupa sa pulo ng Chek Lap Kok. Tinatawag din ang paliparan bilang Pandaigdigang Paliparan ng Chek Lap Kok o Paliparan ng Chek Lap Kok, upang ipagkaiba ito mula sa hinalinhan nito, ang dating Paliparan ng Kai Tak.

Nasa komersyal na opersayon simula pa noong 1998, ang Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong ay isang mahalagang sentro pangrehiyon ng paglilipat ng mga barko, pampaseherong sentro at puwerto para sa mga destinasyon sa Tsina (na may 45 destinasyon) at ang natitirang bahagi ng Asya. Ang paliparan ay ang pinakaabalang puwerto ng kargamento sa mundo at isa sa mga pinakaabalang pampasaherong paliparan sa mundo.[2] Tahanan ito ng isa sa mga pinakamalaking gusali ng pampasaherong terminal (nagbukas ang pinakamalaki noong 1998).

Pinapatakbo ang paliparan ng Airport Authority Hong Kong sa loob ng 24-oras bawat araw at ito ang pangunahing sentro para sa Cathay Pacific (ang flag carrier o tagapagpadala ng watawat ng Hong Kong), Hong Kong Airlines, HK Express at Air Hong Kong (tagapagpadala ng kargamento). Isa sa mga sentro ng Oneworld alliance ang paliparan, at isa din sa mga sentro ng Asya-Pasipikong kargamento para sa UPS Airlines.[3] Ito ang tampulang lungsod para sa maraming kompanyang panghimpapawid, kabilang ang China Airlines at China Eastern Airlines. Parehong ginagamit ng Singapore Airlines at Ethiopian Airlines ang Hong Kong bilang pansamantalang paghinto para sa kanilang mga lipad.

Isang mahalagang tagapag-ambag sa ekonomiya ng Hong Kong ang Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong, na may tinatayang 65,000 empleado. Higit sa 100 kompanyang panghimpapawid ang nagpapatakbo ng mga lipad mula sa paliparan tungo sa lagpas sa 180 lungsod sa buong mundo. Noong 2015, sinerbisyuhan ng Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong ang 68.5 milyong pasahero,[2] na ginawa itong ika-8 pinakaabalang paliparan sa buong mundo ayon sa trapiko ng pasahero at ika-4 na pinakaabalang paliparan ayon sa internasyunal na trapiko ng pasahero.[4] Simula noong 2010, nilagpasan din nito ang Pandaigdigang Paliparan ng Memphis upang maging pinakaabalang paliparan ng mundo ayon sa trapiko ng kargamento.[5]

Pinamamahalaanan at pinatatakbo ang paliparan ng Airport Authority Hong Kong (AA), na naitatag noong Disyembre 1, 1995.[6]

Simula noong 2019, upang mapagaan ang dagdag na trapiko dahil sa ikatlong patakbuhan, sumasailalim ang Terminal 2 ng muling pagsasagawa at hindi muling bubuksan hanggang hindi bababa sa 2024.

Sinasakop ng Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong ang isang lugar na may sukat na 1255 ektarya (4.85 mi kuw). May kabuuan ang paliparan ng 90 tarangkahan ng paglulan,[7] na may 77 tarangkahan na tulay na jet (1–21, 23–36, 40–50, 60–71, 201–219) at 12 birtuwal na tarangkahan (228–230, 511–513, 520–525) na ginagamit bilang punto ng pagtitipon para sa mga pasahero, na isasakay sa sasakyang panghimpapawid sa pamamagitan ng mga panlipat na bus. Sa mga tulay na jet, lima dito (Tarangkahan 5,23,60,62,64) ang may kakayahang iasikaso ang Airbus A380, na ang mga kasalukuyang gumagamit ay ang Singapore Airlines, Emirates, Qantas, British Airways, Asiana Airlines, Thai Airways, at Lufthansa. Dating nagpapaktabo ng ruta ang Korean Air at China Southern Airlines tungo sa Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong mula Seoul at Beijing ayon sa pagkakabanggit gamit ang A380, subalit nagpasya ng mga kompanyang panghimpapawid na mga ito na huwag gamitin ang sasakayang panghimpapawid dahil hindi ito kumikita. Dating nagpapaktakbo ang Air France ng isang ruta tungong Pandaigdigang Paliparan ng Hong Kong mula Paris gamit ang A380, subalit ganap na niretiro ang sasakyang panghimpapawid na iyon dahil sa pandemya ng COVID-19.

Dagdag sa Chek Lap Kok, sinasakop ng paliparan ang kung ano ang nasasakupan dati ng Lam Chau.[8]

Tingnan ang pinagmulan na query sa Wikidata at mga sanggunian.


Pinapatakbo ang paliparan ng Airport Authority Hong Kong, isang pangkat na itinakda sa batas na buong pagmamay-ari ng Pamahalaan ng Hong Kong na Espesyal na Adminstratibong Rehiyon.[9]

May dalawang magkahilerang patakbuhan, na parehong may haba na 3,800 metro (12,500 tal) at may haba na 60 metro (200 tal). Ang timog na patakbuhan ay may Kategorya II na Katumpakan sa Paglapit habang ang hilagang patakbuhan ay may mas mataas na marka na Kategorya IIIA, na pinapahintulot ang mga piloto na lumapag lamang sa 200-metro (660 tal) bisibilidad. May kapasidad ang dalawang patakbuhan ng higit sa 60 pagkilos ng sasakyang panghimpapawid sa loob ng isang oras. Pinapabuti ng paliparan ang ATC at mga patakbuhan para maasikaso nito ang 68 pagkilos bawat oras. Sa karaniwan, ginagamit ang hilagang patakbuhan (07L/25R) para sa paglapag ng mga eroplanong pampasahero. Ginagamit naman ang timog na patakbuhan (07R/25L) para sa mga eroplanong pampasahero na umaalis at lipad ng mga kargamento dahil sa kalapitan nito sa terminal ng kargamento.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Provisional Civil International - Air Traffic Statistics at HKIA" (PDF) (sa wikang Ingles). Disyembre 2019. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2020. Nakuha noong 20 Pebrero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "About Hong Kong Airport" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2016. Nakuha noong 13 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "UPS Air Operations Facts - UPS Pressroom" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2015. Nakuha noong 10 Mayo 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Year to date Passenger Traffic" (sa wikang Ingles). ACI. 2016-03-13. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2015. Nakuha noong 2016-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-01-29 sa Wayback Machine.
  5. Denslow, Neil (26 Enero 2011). "Cathay Pacific, Hong Kong Airport Become Biggest for Freight". Bloomberg BusinessWeek (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2011. Nakuha noong 7 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 홍콩국제공항 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-03-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Hong Kong International Airport – Interactive Map" (sa wikang Ingles). Hongkongairport.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2011. Nakuha noong 7 Mayo 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "1506.html" (sa wikang Ingles). Government of Hong Kong. 1997-02-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 1997. Nakuha noong 2020-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Introduction". Hong Kong International Airport (sa wikang Ingles). Airport Authority Hong Kong. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2011. Nakuha noong 21 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Facts and Figures". Hong Kong International Airport (sa wikang Ingles). Airport Authority Hong Kong. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2011. Nakuha noong 21 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)