Pamantasang Tribhuvan
Ang Pamantasang Tribhuvan (Ingles: Tribhuvan University, TU, Nepali: त्रिभुवन विश्वविद्यालय) ay isang pampublikong unibersidad sa Kirtipur, Kathmandu, Nepal. Itinatag noong 1959, ang TU ang pinakamatandang unibersidad sa Nepal.[1] Ayon sa pagpapatala, ito ang ikasiyam na pinakamalaking unibersidad sa mundo. Ang unibersidad ay nag-aalok ng 2,079 undergraduate at 2,000 postgradweyt na mga programa sa isang malawak na hanay ng mga disiplina. Noong Marso 2017, ang unibersidad ay may 60 bahaging kampus at 1,084 kaakibat na mga kolehiyo sa buong bansa.[2] Dahil ito ay pinopondohan ng pamahalaan, ito ay higit na mura kaysa sa mga pribadong unibersidad.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Nepal :: Health and education". Britannica Online Encyclopedia. Nakuha noong 2010-02-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FSU elections held in just 143 colleges". Republica (Nepalese newspaper). 2 Marso 2017. Nakuha noong 2 Marso 2017.
TU has 60 constituent colleges and around 1,084 affiliate colleges including community colleges across the country, according to TU officials.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
27°41′N 85°17′E / 27.68°N 85.29°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.