Pumunta sa nilalaman

Palosebo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang palosebo, palo-sebo, palo sebo, o palocebo ay isang kinaugaliang laro ng mga Pilipino na karaniwang isinasagawa tuwing may kapistahang pambayan o anumang mahalagang okasyon, karaniwan na sa mga lalawigan. Kabilang sa tradisyonal na larong ito ang isang mahaba, kininis at nakatayong kawayan na nilagyan ng grasa. Kailangang akyatin ng mga nakikilahok sa laro upang abutin ang isang supot ng gantimpala, na karaniwang naglalaman ng salapi o mga laruan. Maaari ring isang banderitas o maliit na watawat ang aabutin bago magawaran ng tunay na premyo. Nilalaro ang akyatan ng kawayang may pampadulas na ito ng dalawa o higit pang bilang ng mga manlalaro.[1] Karaniwang mga batang lalaki ang sumasali sa larong ito na ginagawa sa labas ng bahay. Diskwalipikado ang hindi makaabot sa pabuyang nakabitin sa dulo ng kawayan. Kailangang kalagin mula sa pagkakatali ang premyo bago pumadausdos pababa ang kalahok.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ""Palo Sebo," Pinoy Games, Cultural Heritage, GlobalPinoy.com, 2006". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-17. Nakuha noong 2008-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-07-17 sa Wayback Machine.
  2. Palo Sebo, Greased Bamboo Climbing Naka-arkibo 2008-09-05 sa Wayback Machine., mula sa SeaSite.niu.edu (walang petsa)
  3. Barbosa, Artemio C. Palosebo,12 Philippine Games, Traditional Games in the Philippines, Infocus, About Culture an Arts, National Commission for Culture and the Arts, Agosto 15, 2003 Naka-arkibo 2008-05-04 sa Wayback Machine., mula sa NCCA.gov.ph

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga kaugnay na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

ang palo sebo ay isang larong pang pilipino