Pumunta sa nilalaman

Palarong Asyano 1958

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
III Palarong Asyano
Punong-abalang lungsodTokyo sa bansang Hapon
MottoEver Onward
Mga bansang kalahok20
Mga atletang kalahok1,820
Disiplina97 sa 13 isports
Seremonya ng pagbubukasMayo 24, 1958
Seremonya ng pagsasaraHunyo 1, 1958
Opisyal na binuksan niHirohito
Emperor ng Hapon
Main venueNew Tokyo Stadium
Maynila 1954 Jakarta 1962  >

Ang Palarong Asyano noong 1958 (1958 Asian Games) ay ang Pangatlong Palarong Asyano na ginanap noong Mayo 24 hanggang Hunyo 1 ng taong 1958 sa Tokyo sa bansang Hapon.[1][2] Sa pagkakataong ito sinimulan ang bagong tradisyon ng relay ng sulo (torch relay) sa Palarong Asyano.[2] Nagsimula ang torch relay sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila kung saan ginanap ang Pangalawang Palarong Asyano patungong Hapon kung saan ang sulo ay idinaan sa Okinawa patungo sa Kagoshima Prefecture sa Kyushu para maidaan ang sulo sa buong kapuluan ng bansang Hapon.[2]

Seremonya ng pagbubukas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal at pormal na binuksan ang Pangatlong Palarong Asyano ng Emperador ng Hapon nang taon na iyon na si Emperor Hirohito.[2] Ang seremonya ng pagbubukas ay ginanap sa Bagong Istadyum ng Tokyo (New Tokyo Stadium) noong Mayo 24, 1958.[3][2]

Nilahukan ang Pangatlong Palarong Asyano noong 1958 ng isang libo walong daan at dalawangpu (1,820) na mga atleta na nagmula sa dalawangpu (20) na mga bansa.[2] Kasama sa mga bansang ito ang Republikang Bayan ng Tsina, Hong Kong, Indonesia, India, Republikang Islamiko ng Iran, Hapon, Israel, Republika ng Korea, Malaysia, Myanmar, Pakistan, Pilipinas, Singapore, Sri Lanka, Thailand at Vietnam.[2]

Mga isports na pinaglabanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong labingtatlo na isports na pinaglabanan sa Palarong Asyano 1958.[2] Kasama sa mga isports na ito ay ang akwatiks (aquatics), atletiks (athletics), basketbol (basketball), boksing (boxing), futbol (football), shooting, pagbubuhat ng mga pabigat (weightlifting), pagbubuno (wrestling).[1][2] Nadagdag sa pagkakataong ito ang pingpong (table tennis), pagbibisikleta (cycling), tennis, hockey, at volleyball.[2]

Mga medalyang napanalunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bansang Hapon na nakapanalo ng kabuuang isangdaan tatlongpu't walo (138) na medalya (animnapu't pito na gintong medalya, apatnapu't isa na pilak na medalya at tatlongpu na tansong medalya) ay ang bansang nakakuha ng pinakamaraming medalya sa Pangatlong Palarong Asyano.[1][2] Sinundan ito ng bansang Pilipinas na nakapanalo ng kabuuang apatnapu't walo (48) na medalya (walong gintong medalya, labing siyam na pilak na medalya at dalawangpu't isa na tansong medalya). Ito ay sinundan ng Republika ng Korea na nakapanalo ng kabuuang dalawampu't pito na medalya (walo na gintong medalya, pito na pilak na medalya at labing dalawa na tansong medalya).[2]

  *   Punong-abalang bansa (Japan)

Mga Medalyang Napanalunan noong Palarong Asyano 1958 [2]
RanggoBansaGintoPilakTansoKabuuan
1 Japan (JPN)*674130138
2 Pilipinas (PHI)8192148
3 South Korea (KOR)871227
4 Republic of China (ROC)691025
5 Pakistan (PAK)65415
6 India (IND)53311
7 Iran (IRI)46616
8 Myanmar (MYA)2002
 Vietnam (VIE)2002
10 Singapore (SGP)1102
11 Sri Lanka (SRI)1001
12 Indonesia (INA)0246
13 Thailand (THA)0134
14 Israel (ISR)0022
 Malaysia (MAS)0022
16 Hong Kong (HKG)0011
Mga kabuuan (16 bansa)1109498302

Seremonya ng pagsasara

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pangatlong Palarong Asyano ay opisyal na nagsara noong Hunyo 1, 1958.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Japan ranked No.1 in the Tokyo 1958 Asian Games where Burma also won title in the boxing tournament". Asian Boxing Confederation. Boxing Asia. Nakuha noong 20 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 "Tokyo 1958". Olympic Council of Asia. Olympic Council of Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 20 November 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Trumbull, Robert (Mayo 25, 1958). "70,000 FANS WATCH ASIAN GAMES OPEN; Emperor Addresses Throng, Including 1,409 Athletes, in New Tokyo Stadium". The New York Times. The New York Times Company. Nakuha noong 20 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)