Pumunta sa nilalaman

Pagsabog sa Beirut ng 2020

Mga koordinado: 33°54′04″N 35°31′08″E / 33.9010°N 35.5190°E / 33.9010; 35.5190
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagsabog sa Beirut ng 2020
Pinsala sa daungan ng Beirut pagkatapos ng pagsabog
Oras18:08:18 oras sa Silangang Europa (tag-init) (15:08:18 UTC) (ikalawang pagsabog)
Petsa4 Agosto 2020 (2020-08-04)
Pook ng pangyayariDaungan ng Beirut
LugarBeirut, Lebanon
Mga koordinado33°54′04″N 35°31′08″E / 33.9010°N 35.5190°E / 33.9010; 35.5190
UriPagsabog ng ammonium nitrate
DahilanSunog
Mga namatayhigit sa 207
Mga nasugatanhigit sa 6,500
Mga nawawalahigit sa 9
Danyos sa ari-arianhigit sa USD15 bilyon
(PhP736.5 trilyon)

Ang Pagsabog sa Beirut ng 2020, kilala rin sa Ingles bilang 2020 Beirut explosions, ay isang serye ng mga malalakas at mapaminsalang pagsabog sa daungan ng Beirut na naganap noong ika-4 ng Agosto 2020 bandang 6:08 ng hapon (oras sa Silangang Europa sa tag-init). Gumawa ito ng isang malaking ulap-kabute (mushroom cloud) at nag-iwan ng mahigit sa 207 patay, mahigit 6,500 mga sugatan, mahigit na 10-15 bilyong dolyar (491-736.15 trilyong piso) na napinsalang ari-arian, at tinatayang 300,000 mga taong nawalan ng tirahan. Sa nakalipas na anim na taon bago naganap ang pagsabog, itinabi nang walang pagtitiyak sa kaligtasan ang tinatayang 2,750 toneladang ammonium nitrate sa isang warehouse, matapos ito makumpiska ng mga awtoridad ng Lebanon sa inabandonang barkong MV Rhosus. Bago naganap ang naturang pagsabog, iniulat ang isang sunog rito. Iniimbestigahan pa rin ang tiyak na dahilan ng pagsabog nito.

Naramdaman ang naturang pagsabog sa kapitbahay na mga bansa ng Lebanon - Turkey, Siriya, Israel, at Palestina. Umabot rin ang dama ng pagsabog hanggang sa isla ng Cyprus, mahigit 250 kilometro mula Lebanon, at ilang bahagi ng Europa. Dahil sa lakas ng pagsabog, nakagawa ito isang maliit na lindol na rumehistro ng magnitude 3.3 ayon sa United States Geological Survey. Kinokonsidera rin ang naturang pagsabog bilang isa sa mga pinakamalalakas na pagsabog na hindi nukleyar sa kasaysayan.

Dineklara ng pamahalaan ng Lebanon ang dalawang linggong state of emergency bilang tugon sa nangyari. Ilang araw pagkatapos, lalo pang tumindi ang mga malawakang protesta sa Lebanon kontra sa pamahalaan simula pa noong 2019. Noong ika-10 ng Agosto 2020, bumaba sa puwesto ang Punong Ministro ng Lebanon na si Hassan Diab at ang buong gabinete niya dahil tindi ng presyur na nagawa ng nangyari.

Ang mga tipak mula sa gusali ng pagsabog sa Beirut ng Agosto 4, 2020

Ang unang maliit na pagsabog ay nag-iwan ng malaking usok sa himpapawid at nagbubuga ng mga gramong apoy at lumikha ng mga pagkislap at gawa mula sa paputok, Sumunod ang pangalawang pagsabog ay ginulantang at binulabog ng malakas ang pagsabog oras ay 18:08:18 sa EEST, Ay naglikha ng impak at napinsala ang mga gusali, sasakyan, sibilyan at iba pa, Ang pangalawang pagsabog ay umabot sa hilangang bahagi ng Cyprus, higit (240 kilometro) mula sa pinangyarihan ng pagsabog (150 milya), Ang United States Geological Service ay nagsabi na ang pagyanif mula sa pagsabog ay katumbas ng magnitud 3.3 halintulad sa lindol.[1]

Ang sanhi ng mga pagsabog ay hindi agad natukoy. Una nang naiulat ng media ng estado ang mga pagsabog na naganap sa isang bodega ng paputok, habang ang iba ay iniulat na ito ay sa isang pasilidad ng imbakan ng langis o isang pasilidad ng imbakan ng kemikal. May mga bodega sa daungan na nakaimbak ng mga eksplosibo at kemikal kasama ang mga nitrates, karaniwang mga sangkap ng mga pataba at mga pasabog. Sinabi ng Direktor Heneral ng Public Security na ang pagsabog ay sanhi ng ammonium nitrate na nakumpiska at nakaimbak ng maraming taon. Kinumpiska ng Ammonium nitrate mula sa Moldavian na naka-flag na MV Rhosus (MMSI 214181621), isang 86-metro-haba na pangkalahatang barko ng kargamento, sa daungan ng Beirut noong 2014.[2][3]

Ang pagsabog ay naganap sa likuran ng elevator sa pagtingin na ito.

Ang footage ay nagpakita ng mga kotse na binawi at ang mga gusaling naka-bakal na bakal na natanggal sa kanilang pag-ikot. Sinabi ng mga Saksi na ang mga bahay na hanggang 10 kilometro (6 milya) ang layo ay nasira ng pagsabog. Ang mga helikopter ay ginamit upang mag-drop ng tubig sa mga nagresultang sunog. Ayon sa Pamahalaan ng Lebanese, ang pangalawang pinakamalaking pinakamalaking butil ng lungsod ay nawasak, pinalubha ang mga kakulangan sa pagkain na sanhi ng pandemya ng COVID-19. Dose-dosenang mga nasugatan na tao ang dinala sa kalapit na mga ospital ay hindi maaaring tanggapin dahil sa pinsala sa mga ospital. Ang Saint George Hospital, na matatagpuan mas mababa sa 2 km (1.2 mi) mula sa pagsabog, ay pinilit na gamutin ang mga pasyente sa kalye, dahil sa matinding pinsala sa pasilidad ng medikal.[4][5]

Ang Beirut Wakes Hanggang sa Mga Eksena ng Pagpapahamak"  – ulat ng balita sa video mula sa VOA News(portions removed due to copyright)

**(Mangyaring isalin sa Tagalog/Filipino)**

Following the explosions, at least 100 people were confirmed to be dead and more than 4,000 were injured. Marwan Abboud, the Governor of Beirut, stated that he arrived at the scene to search for firefighters who were on the site fighting the fire that broke out before the explosion.[6]

The secretary-general of the Kataeb political party, Nazar Najarian, died from his injuries, and Kamal Hayek, chairman of the state-owned electricity company, was in a critical condition.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]