Pagkalehitimo
Sa agham pampulitika, ang pagkalehitimo ay ang pagtanggap ng mga tao sa isang awtoridad, karaniwan ay ang pinapatupad na batas o isang rehimen. Kung ang "awtoridad" ay tumutukoy sa isang ispesipikong posisyon sa isang matatag na pamahalaan, ang "pagkalehitimo" ay tumutukoy naman sa sistema ng pamahalan – kung saan ang "pamahalaan" ay nagbibigay ng malaking impluwensya o tinatawag na "saklaw ng impluwensiya." Ang pagkalehitimo sa politika ay kinokonsiderang pangunahing kondisyon para sa pamamahala. Kung wala ito, ang isang pamahalan ay makakaranas ng paghinto at pagbagsak ng lehislatura. Sa mga sistemang pampulitika na hindi ganito ang kondisyon, ang mga rehimen ay nananatiling lehitimo kahit hindi ito sinusuportahan ng maraming tao, dahil sinusoportahan naman ito ng kakaunti ngunit makakapangyarihang elitista. Sa pilosopiyang pampulitika ng mga Tsino, mula pa noong makasaysayang panahon ng Dinastiyang Zhou (1046-256 BC), ang pampolitikang pagkalehitimo ng isang pinuno at pamahalaan ay galing sa mandato ng langit. Para sa mga pinunong hindi naging makatarungan, ang nasabing mandato ay nawala sa kanila kung kaya’t wala na rin silang karapatan na pamunuan ang kanilang nasasakupan.
Pagdating sa pilosopiyang moral, ang terminolohiyang "pagkalehitimo" ay positibong tinitingnan bilang isang normal at karaniwang kalagayan na napagkasunduan ng mga tao na ukol sa mga naitatag na institusyon at opisina at ang mga nagawang aksyon ng pinuno. Naniniwala ang mga pinamumunuan na ang mga ginagawang aksyon ng gobryerno ay ang tamang paggamit ng kapangyarihan na naaayon sa isang gobyernong mayroong konstitusyon. Sa batas, ang "pagkalehitimo" ay iba sa pagiging "ligal". Ipinapakita rito na ang aksyon ng gobyerno ay maaaring ligal ngunit hindi lehitimo; halimbawa, Resolusyong Golpo ng Tonkin, na naging daan upang simulan ng Estados Unidos ang isang digmaang laban sa Vietnam kahit na wala pa noong pormal na pagdedeklara ng digmaan. Posible rin na ang aksyon na ginawa ng gobyerno ay lehitimo ngunit hindi naman ligal; halimbawa, digmaang pampigil (pre-emptive war), huntang militar. Ang mga halimbawa sa ganitong usapin ay nakikita kung ang isang lehitimong institusyon ay nagkaroon ng isang problemang pang-konstitusyon.
Noong panahon ng Kaliwanagan, sinabi ni John Locke, isang Ingles na pilosopo, na ang lehitimong pampolitikalay nanggaling sa malinaw at ganap na pagpayag ng nakararami: "Sa ipinahayag sa Ikalawang Tratado (Second Treatise), ang pamahalaan ay hindi lehitimo maliban kung ang pamamahala nito ay pinayagan ng mga taong sakop ng kapangyarihan ng gobyerno." Si Dolf Sterberger, na isang pampulitikang pilosopo na Aleman, ang nagsabi na ang pagkalehitimo ay ang pundasyon ng kapangyarihan ng pamahalaan kung saan dapat alam ng gobyerno na mayroon itong karapatan na mamahala at ganoon din naman ang mga pinamamahalaan - dapat ay alam nila na karapatan ito ng pamahalaan. Ang Amerikanong pampolitikang sosyolohista na si Seymour Martin Lipset ang siya namang nagsabi na kabilang sa pagiging lehitimo ang kapasidad ng isang sistemang pampolitika upang mapanatili ang paniniwala na ang mga tumatakbong institusyong pampolitika ay ang pinakaangkop at tama para sa lipunan. Ang isa pang Amerikanong eksperto sa pulitika na si Robert A. Dahil ang siyang nagpaliwanag na ang pagkalehitimo ay isang sisidlan; habang ang tubig ay nasa tamang antas, mananatili ang katatagan ng politika. Kung ang tubig naman ay bumaba sa nasabing antas, manganganib ang pampolitika na pagkalehitimo.