Pumunta sa nilalaman

Paaralang Elementarya ng Nemesio I. Yabut

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Logo ng NIYES
Logo ng NIYES
Ang campus ng NIYES

Ang Paaralang Elementarya ng Nemesio I. Yabut (NIYES) ay isang Pilipinong pampublikong paaralan na matatagpuan sa Kalye Escuela, Guadalupe Nuevo, Lungsod ng Makati, Pilipinas.

Ang Paaralang Elementarya ng Guadalupe ay itinayo noong 1940 na isa sa mga unang proyekto ng yumaong alkalde na si Nemesio I. Yabut. Ang unang gusali nito ay ang “Gabaldon Type”. Kamukha nito ang modelong bahay ng “Home Economics”.

Sa paglaki ng populasyon ng paaralan, inupahan nito ang isang “annex" sa lumang pampublikong pamilihan ng Guadalupe sa Kalye La Consolasyon. Isa pang “annex” ay matatagpuan sa Encarnacion sa Kalye Escuela.

Sa pagbulusok ng populasyon, and paaralang elementarya ng Guadalupe ay hinati sa dalawa: Guadalupe Elem. School (GES) Main at Guadlupe Elem. School (GES1) noong 1961. Ang GES Main ay kasalukuyang matatagpuan sa Escuela St, samantalang ang GES 1 na noong tinawag na Belmonte "Annex" ay nasa Kalye La Consolasyon.

Ang GES Main ay dinagdagan ng maraming silid-aralan upang makapagturo ng mas maraming bata galling sa Pinagkaisahan hangngang sa San Jose. Ang gusali ng Estrella ay itinayo sa pamamagitan ng “aupices” mula sa dating alkaldeng Maximo Estrella.

Ang unang bahagi ng kasalukuyang gusali ng paaralan ay itinayo noong 1983 sa pamamagitan ng pagsira ng “Gabaldon Building” at ng “H.E. Model House”. Ang gusali ay nagkakahalagang 30 milyong piso at mayroon itong apat na storya.

Ang ikalawang bahagi ay natapos noong 1984. Noong taong din iyon, lumipat ang GES 1 sa kanan na nakaharap sa Kalye Gob. Noble. Inokupahan nila ang unang limang silid bawat palapag at nagtayo sila ng sariling entablado.

Pinag-isa ang dalawang paaralan sa ilalim ni Alkalde Jejomar Binay noong 1995 at pinangalang Paaralang Elementarya ng Nemesio I. Yabut.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.