Pumunta sa nilalaman

Ott Tänak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ott Tänak
Si Ott Tänak noong 2017
Kapanganakan (1987-10-15) 15 Oktubre 1987 (edad 37)
Kärla Parish, Estonia
TrabahoDrayber ng rally (rally driver)
Aktibong taon2009–2012, 2014–kasalukuyan
AsawaJanika Tänak
Anak2
WebsiteOpisyal na websayt

Si Ott Tänak (pinanganak noong Oktubre 15, 1987) ay isang rally driver mula sa Kärla Parish, Estonia. Kasalukuyan siyang drayber ng koponang Hyundai Motorsport kasama ang kanyang nabigador na si Martin Järveoja sa World Rally Championship.

Noong 2017 at 2018 ay nakamit nila Tänak at Järveoja ang pangatlong puwesto sa kampeonato ng mga drayber at nabigador. Nakamit ni Tänak ang kanyang unang kampyonato sa 2019 World Rally Championship, kung saan siya ay naging kauna-unahang taga-Estonia na nanalo ng titulo, kauna-unahang drayber na hindi Pranses mula pa noong nanalo si Petter Solberg noong 2003 at kauna-unahang drayber mula Toyota mula pa noong nanalo si Didier Auriol noong 1994.

Buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakuha ni Tänak ang kanyang hilig sa pangangarera ng sasakyan sa kanyang amang si Ivar Tänak na dati ding nag-rarally, at una siyang sumali sa mga rally noong 2001. Nanalo siya sa Estonian Rally Championship noong 2008 at 2009 sa koponan na pinamumunuan ni Markko Märtin, na siyang dati ding nanalo sa WRC. Unang sumalang sa World Rally Championship si Tänak noong 2009 sa Rally de Portugal, at nagkamit siya ng ika-20 na pwesto, at nanalo din siya sa European Pirelli Star Driver na iginanap sa Austria.

Kinalaunan ay pumirma siya ng limang taong kontrata sa Ford, kung saan siya ay nakasungkit ng kanyang mga unang puntos sa Rally Mexico noong 2011, at nanalo ng ika-tatlong pwesto sa SWRC. Umalis siya sa Ford noong 2012 at nagorganisa ng sarili niyang koponan sa kanyang bayan, ngunit bumalik siya sa WRC noong 2014 sa ilalim ng kategoryang WRC-2, at kinalaunan ay bumalik din sa M-Sport noong 2015 kung saan siya nakilala sa mala-Titanic na paglubog ng sinasakyan niyang Ford Fiesta at nagawang makalangoy palabas ng sasakyan kasama ang kanyang nabigador na si Raigo Mõlder, na sa kalaunan ay binansagan siyang "Titanak".

Noong 2018 ay pumirma si Tänak ng dalawang taong kontrata sa Toyota, kung saan ay nakasama niya sina Jari-Matti Latvala at Esapekka Lappi. Nagawa niyang makasungkit ng dalawang podium sa Monte Carlo at Corsica, at naipanalo niya ang Rally Argentina kung saan ay nakapagtala siya ng apatnapu't anim na segundong lamang sa kanyang mga kalaban. Nagawa niyang maulit ang kanyang tagumpay sa magkasunod na panalo sa Rally Finland, Rallye Deutschland at Rally Turkey, ngunit nabigo siyang makamit ang kampeonato matapos matalo sa Wales Rally GB, Rally Catalunya at Rally Australia.

Noong 2019 ay nagawa niyang makasungkit ng pangatlong pwesto sa Rally Monte Carlo, at isang panalo sa Rally Sweden kung saan sa unang pagkakataon ay nauna siya sa hanay ng paligsahan ng mga drayber sa World Rally Championship. Sinundan ito ng pangalawang pwesto sa Mexico kung saan napanatili niya ang kalamangan kina Ogier at Neuville, at naipanalo niya ang kauna-unahang Rally Chile. Bagamat nabigo siya na maisungkit ang panalo sa Rally Italia at Rally Turkey, nagawa naman niyang maipanalo ang mga rally sa Portugal, Finland, Alemanya at Gran Britanya at kinalaunan ang kanyang kaunaunahang tropeyo bilang kampeon ng World Rally Championship.[1][2]

Noong 2020 ay lumipat siya sa koponan ng Hyundai,[3] ngunit muli siyang bumalik sa koponan ng Ford noong 2023.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikinasal si Ott noong 2016 kay Janika Tänak, kung saan sila ay nagkaroon ng dalawang anak: Ron at Mia.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Estonian driver Ott Tänak wins World Rally Championship". San Francisco Chronicle. 27 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2019. Nakuha noong 28 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 28 October 2019[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  2. "Ott Tänak crowned WRC drivers' world champion". ERR.ee (sa wikang Ingles). 27 Oktubre 2019. Nakuha noong 28 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tänak quits Toyota". wrc.com. WRC Promoter GmbH. 31 Oktubre 2019. Nakuha noong 31 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "HÕISSA, PULMAD! Ott Tänak abiellus". Õhtuleht (sa wikang Estonio). Nakuha noong 25 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Palju õnne! Ralliäss Ott Tänak abiellus oma kauni kallimaga". Elu24. Nakuha noong 25 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.