Pumunta sa nilalaman

Othello

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang dibuhong Othello at Desdemona sa Venecia ni Théodore Chassériau (1819–56).

Si Othello ay isang tauhan sa dulang Othello ni Shakespeare (c. 1601-1604). Ang pinagmulan ng tauhan ay matutunton sa kuwentong "Un Capitano Moro" (Isang Kapitang Moro) sa Gli Hecatommithi ni Giovanni Battista Giraldi Cinthio. Doon, tinukoy lamang siya bilang ang Moro (Moor).

Si Othello ay isang sundalong matapang at angkop ang kakayahan na may masulong na edad at may katangian na pang-Moro na naglilingkod para sa Republika ng Venecia. Nakipagtanan siya kay Desdemona, ang magandang anak na babae ng isang iginagalang na senador ng Venecia. Pagkaraan maipadala sa Tsipre, minanipula si Othello ni Iago, na kanyang Sinaunang Ensenya (ensign; katumbas ng segunda tenyente), na si Desdemona ay isang babaeng nangangalunya. Pinaslang ni Othello si Desdemona bago niya patayin ang kanyang sarili.

Unang nabanggit si Othello sa loob ng isang kuwento ng isang kasayahan noong 1604 habang ipinapalabas ang dula noong ika-1 ng Nobyembre sa Palasyong Whitehall kung saan si Richard Burbage ang halos unang "interprete" o tagapagganap ng papel na Othello. Kabilang sa natatanging makabagong gumanap sa tauhang Othello sina Paul Robeson, Orson Welles, Richard Burton, James Earl Jones, at Laurence Olivier.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]