Pumunta sa nilalaman

Nasa Tubig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nasa Tubig
Alagad ng siningEugene de Blaas
Taon1914
TipoLangis na nasa binalangkasang panel
KinaroroonanPribadong kuleksyon

Ang Nasa Tubig (Ingles: In the Water; Pranses: Dans l'Eau) ay isang dibuhong ginamitan ng pampintang may langis (oil painting) na naglalarawan ng isang hubo't hubad na babaeng nasa kanyang kabataan at lumulusong sa katubigan. Ipininta ito ni Eugene de Blaas. Ito lamang ang hubo't hubad na ipinintang larawan ni De Blaas, sapagkat ang lahat ng kanyang mga paksang tao ay may suot na damit.[1] May taas itong 78.4 cm at 44.5 cm ang lapad.

Inilalarawan ng dibuho ang isang walang damit na babaeng nasa kanyang kabataan na nakatayo habang ang mga paa hanggang kalagitnaan ng binti ay nakababad sa tubig. Nakasandig paharap ang babae at nakatinging paibaba na pinagmamasdan ang isang kawan ng maliliit na mga isda.[1] Mayroon siyang malarosas na kutis, at nakatali sa likod ang kanyang buhok na kulot at may madilim na kayumangging kulay. Maalindog ang kanyang katawwan; mahaba ang kanyang leeg, at ang kanyang baywang ay kumukurba papunta sa malapad na mga balakang. Puno at mabilog ang kanyang mga suso, at lantad ang bulbol na nasa bantad niyang bulba.

Bagaman walang araw sa kumposisyon, maluningning ang ginintuang liwanag na nagmumula sa maulap na kalangitan at mamamalas sa ibabaw ng tubig. May lupa sa panglikod na kapaligiran, na may isang tapal ng kaluntian (mga halaman o puno) sa kanan.

Nakalagda ang pangalan ng pintor at ang petsa (1914) na nasa madilim na tinta ay nasa pang-ibabang kaliwa ng katha.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Venus Observations". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-20. Nakuha noong 2011-09-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-07-20 sa Wayback Machine.