Pumunta sa nilalaman

Muammar Gaddafi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Muammar Gaddafi
مُعَمَّر القَذَّافِي
Si Gaddafi sa isang pulong ng African Union noong 2009
Brotherly Leader and Guide of the Revolution of Libya
Nasa puwesto
1 Setyembre 1969 – 23 Agosto 2011
Pangulo
Punong Ministro
Nakaraang sinundanTinatag ang posisyon
Sinundan niTinanggal ang posisyon
Chairman of the Revolutionary Command Council of Libya
Nasa puwesto
1 Setyembre 1969 – 2 Marso 1977
Punong MinistroMahmud Sulayman al-Maghribi
Abdessalam Jalloud
Abdul Ati al-Obeidi
Nakaraang sinundanIdris (King)
Sinundan niSarili niya (Secretary General of the General People's Congress)
Kalihim Heneral ng General of the General People's Congress of Libya
Nasa puwesto
2 Marso 1977 – 2 Marso 1979
Punong MinistroAbdul Ati al-Obeidi
Nakaraang sinundanHimself (Chairman of the Revolutionary Command Council)
Sinundan niAbdul Ati al-Obeidi
Prime Minister of Libya
Nasa puwesto
16 Enero 1970 – 16 Hulyo 1972
Nakaraang sinundanMahmud Sulayman al-Maghribi
Sinundan niAbdessalam Jalloud
Chairperson of the African Union
Nasa puwesto
2 Pebrero 2009 – 31 Enero 2010
Nakaraang sinundanJakaya Kikwete
Sinundan niBingu wa Mutharika
Personal na detalye
IsinilangHunyo 1942
Sirte, Italian Libya
(now Libya)
Yumao20 Oktobre 2011(2011-10-20) (edad 69)
Sirte o sa pagitan ng Sirte at Misrata, Libya
Partidong pampolitikaArab Socialist Union (1971–1977)
AsawaFatiha al-Nuri (1969–1970)
Safia el-Brasai (1971–2011)
Anak
Alma materBenghazi Military Academy
Mga parangalOrder of the Yugoslav Star
Order of Good Hope
Pirma
Serbisyo sa militar
KatapatanLibya Kingdom of Libya (1961–1969)
Libya Libyan Arab Republic (1969–1977)
Libya Libyan Arab Jamahiriya (1977–2011)
Sangay/SerbisyoLibyan Army
Taon sa lingkod1961–2011
RanggoColonel
AtasanLibyan Armed Forces
Labanan/DigmaanLibyan-Egyptian War
Chadian-Libyan conflict
Uganda-Tanzania War
2011 Libyan civil war

Si Muammar Muhammad Abu Minyar al-Gaddafi (Wikang Arabe: مُعَمَّر القَذَّافِي Muʿammar al-Qaḏḏāfī Hunyo 1942 – 20 Oktubre 2011) na karaniwang kilala bilang Muammar Gaddafi o Koronel Gaddafi ang autrokratikong pinuno ng Libya mula 1969 ng kanyang sunggaban ang kapangyarihan sa bansang ito sa pamamagitan ng isang walang dumanak na dugong militar na kudeta hanggang 2011 nang ang kanyang pamahalaan ay patalsikin sa isang digmaang sibil na binubuo ng isang popular na paghihimagsik na tinulungan ng interbensiyong pangdayuhan. Ang 42 taong pamumuno ni Gaddafi bago ang paghihimagsik noong 2011 ang gumawa sa kanya na pinaka-apat na pinakamahabang namunong hindi-haring pinuno simula 1900 at pinakamahabang pinunong Arabo. Kanyang tinawag ang kanyang sarili na Kapatid na pinuno at Gabay ng himagsikan. Noong pagtitipong ng mga Aprikanong pinuno noong 2008, siya ay ginawaran ng titulong Hari ng mga Hari.

Pagkatapos niyang sunggaban ang kapangyarihan sa Libya noong 1969, kanyang binuwag ang 1951 konstitusyon ng Libya at ang mga sibil na kalayaang nakadambana dito. Siya ay nagtakda ng mga batas batay sa ideolohiyang pampolitika na kanyang nilikha na tinatawag na "Ikatlong Internasyonal na Teoriya" at inilimbag sa isang Berdeng Aklat. Ang pagtaas ng presyo ng langis at pagkatas nito sa Libya ay nagdulot ng lumalaking kita ng bansang ito. Sa pamamagitan ng pagluluwas ng pinakamataas na langis sa bawat kapita gaya ng Arabyang Saudi, ang Libya ay nagkamit ng pinakamataas na pamantayan ng pamumuhay sa Aprika. Gayunpaman, sa parehong panahon, ang mga katulad na mayaman sa langis na mga bansa sa Golpo ay mas napaigi ang pamantayan ng pamumuhay ng mga bansang ito ng higit pa kesa sa Libya at ito ay nakikita ng mga ordinaryong Libyan. Sa simula ng kanyang rehimen, si Gaddafi at ang kanyang mga kamag-anak ang nangasiwa sa lahat ng ekonomiya ng Libya. Si Gaddafi ay nagpasimula rin ng ilang mga digmaan at nagkamit ng mga sandatang kemikal. Noong mga 1980, ang mga bansa sa buong mundo ay nagtakda ng sanskiyon laban kay Gaddafi. Pagkatapos madakip ang diktador ng Iraq na si Saddam Hussein noong 2006 ng mga sundalo ng Mga Nagkakaisang Bansa(United Nations), itinakwil ni Gaddafi ang mga sandatang pangwasak ng masa ng Tripoli at tinanggap ang mga inspeksiyong internasiyonal upang patunayan na kanyang susundin ang kanyang ipinangako. Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Estados Unidos ng Aprika, siya ay nagsilibing pangunahing pinuno(chairman) ng Union ng Aprika mula 2 Pebrero 2009 hanggang 31 Enero 2010.

Noong Pebrero 2011, pagkatapos ng himagsikan sa mga kapitbahay na bansang Ehipto at Tunisia, ang kilos protesta laban sa pamumuno ni Gaddafi ay nagsimula rin. Ito ay lumala sa himagsikan na kumalat sa buong bansa at ang puwersang tumututol sa pamumuno ni Gaddafi ay nagtatag ng isang gobyernong nakabase sa Benghazi na tinatawag na National Transitional Council o NTC. Eto ay humantong sa isang Sibil na Digmaan ng Libya noong 2011 na kabilang ang panghihimasok ng isang koalisyon na pinamumunuan ng NATO upang ipatupad ang 1973 Resolusyon ng Konsehong Seguridad ng UN na tumatawag sa walang-paglipad sa sona at proteksiyon ng mga sibilyan sa Libya. Ang mga pag-aari ni Gaddafi at ang kanyang pamilya ay pinigil at ang Internasyonal na Korteng Kriminal ay naglabas ng isang mandamyentong pagdakip noong 27 Hunyo 2011 kay Gaddafi, sa kanyang anak na si Saif al-Islam at bayaw na si Abdullah al-Senussi dahil sa krimen laban sa sangkatauhan. Ang mga puwersa ni Gaddafi ay natalo sa digmaan sa Tripoli noong Agosto at noong 16 Setyembre 2011, ang NTC ay kumuha ng puwesto sa UN na nagpapalit kay Gaddafi. Kanyang napanatili ang kontrol sa ilang mga bahagi ng Libya lalo na sa siyudad ng Sirte na ipinagpalagay na lugar na kanyang tinakasan. Bagaman sa simula ay patuloy na lumaban ang mga puwersa ni Gaddafi laban sa puwersa ng NTC, si Gaddafi ay nadakip nang bumagsak ang Sirte sa puwersa ng mga rebelde noong 20 Oktubre 2011 at ilang sandali ay binaril at pinatay si Gaddafi ng mga rebeldeng puwersang ito.

Rebolusyon ng Libya ng 1969

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Libya, gaya ng ilang mga bansang Arabo, ang pagpasok sa mga akademyang pang-militar at ang karera bilang isang opisyal ng sandatahan ay nagsimula lamang tumanggap ng mahihirap na mamamayan pagkatapos ng kalayaan. Ang isang karerang pang-militar ay naghahandog ng isang pagkakataon para sa mas mataas na edukasyon, para sa paglipat pataas ng antas pang-ekonomiko at pampamayanan, at para sa nakakarami ay ang tanging paraan pangkilos pampolitika. Para kay Gaddafi at sa kanyang kapwa mga pinuno, na humanga sa uri ng Nasyunalismong Arabo ni Nasser, ang isang karerang militar ay isang bokasyong rebolusyonaryo.

Bilang isang kadete, sumapi si Gaddafi sa Malayang Pagkilos ng mga Opisyal (Free Officers Movement). Ang kanyang mga magiging kasama sa Revolutionary Command Council (RCC) ay dati niyang mga kamag-aral sa akademyang pang-militar. Ang pagkabigo at kahihiyan na naramdaman ng mga Libyanong opisyal sa pagkatalo ng sandatahang Arabo sa tatlong pakikipaglaban nito noong 1967 sa Israel ang nag-paalab sa pagpupursige nila sa pagtulong sa pagpapabagsak ng monarkiyang Libyano.

Noong 1 Setyembre 1969, isang pangkat ng mga batang opisyal ng sandatahan na pinamumunuan ni Gaddafi ang nagsagawa ng isang mapayapang kudeta laban kay Haring Idris ng Libya habang nasa Turkiya ang hari para sa pagpapagamot. Ang pamangkin ni Idris, si Prinsipe sayyid Hasan ar-Rida al-Mahdi as-Sanussi, ay pormal na napatalsik ng mga opisyal ng sandatahang rebolusyonaryo at inilagay sa house arrest; Binuwag nila ang monarkiya at inihayag ang Republikang Arabo ng Libya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bloodless coup in Libya". London: BBC News. 20 Disyembre 2003. Nakuha noong 14 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)