Mons pubis
Mons pubis | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | mons pubis |
Tagapagpauna | Tuberkulong henital |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1265 |
Dorlands /Elsevier | 20zPzhtm#12541373 m 20/12541373 |
TA | A09.2.01.002 |
FMA | 20218 |
Sa anatomiya ng tao o sa mga mamalya sa pangkalahatan, ang mons pubis (Latin para sa "ulbok na pubiko" o "puklong pubiko", ulbok o puklo na nasa ibaba ng puson at pagitan ng mga singit), na kilala rin bilang mons veneris (Latin, ulbok ni Benus) o payak na mons (ulbok o puklo) lang, ay ang tisyung adiposa (tisyung may taglay na taba o tabang-hayop) na nakahimlay sa itaas ng butong pubiko ng adultong mga kababaihan, sa harap ng pubic symphysis. Ang mons pubis ang bumubuo sa pangharap na bahagi ng bulba.
Nagkakaiba-iba ang sukat ng mons pubis ayon sa pangkalahatang antas ng hormona at taba ng katawan. Pagkaraan ng pagdadalaga (pubertad), natatakpan ito ng bulbol at lumalaki. Sa mga taong babae, ang umbok na ito ay yari sa taba at dapat na mas malaki. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa butong pubiko habang nagaganap ang interkursong seksuwal.
Sa mga tao, ang mons pubis ay nahahati upang maging labia majora (literal na "mas malaking mga labi") na nasa magkabilang gilid ng "kulubot" o tudling na kilala bilang hating pangpudendum, na nakapaligid sa labia minora, tinggil, awang na pampuki, at iba mga kayarian ng bestibulong pambulba. Ang matabang tisyu ng mons pubis ay sensitibo sa estroheno, na nagsasanhi ng isang namumukod na umbok na mabubuo sa pagdatal (pagsisimula) ng pagdadalaga. Itinutulak nito ang pangharapang bahagi ng labia majora papalabas at palayo mula sa butong pubiko.
Karagdagang mga imahe
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Anatomiya ng bulba.
-
Mga organo ng pambabaeng sistemang reproduktibo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ethel Sloane: Biology of Women. Cengage Learning 2002, ISBN 9780766811423, p. 31 (restricted online copy, p. 31, sa Google Books)
- Henry Gray: Anatomy of the Human Body. LEA & FEBIGER, 1918 (kopya sa Internet)
- "mons pubis." Encyclopædia Britannica. 2010. Encyclopædia Britannica Online. 05 Agosto 2010.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- SUNY Labs 41:02-0102 - "The Female Perineum: The Vulva"
- Mons pubis sa eMedicine Dictionary