Pumunta sa nilalaman

Miss World 1989

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1989
Petsa22 Nobyembre 1989
Presenters
  • Peter Marshall
  • Alexandra Bastedo
  • John Davidson
EntertainmentAswad
PinagdausanHong Kong Convention and Exhibition Centre, Hong Kong
BrodkasterAsia Television
Lumahok78
Placements10
Bagong sali
  • Letonya
  • Namibya
  • Unggarya
  • Unyong Sobyetiko
Hindi sumali
  • Barbados
  • Bulgarya
  • Ehipto
  • Indiya
  • Kanlurang Samoa
  • Kapuluang Birheng Britaniko
  • Kapuluang Cook
  • Kapuluang Turks at Caicos
  • Libano
  • Liberya
  • Pulo ng Man
  • San Cristobal at Nieves
  • Sierra Leone
  • Suwasilandiya
  • Urugway
Bumalik
  • Aruba
  • Czechoslovakia
  • Panama
  • Porto Riko
  • San Vicente at ang Granadinas
NanaloAneta Kręglicka
 Polonya
PersonalityGreet Ramaekers
 Belhika
PhotogenicAnna Gorbunova
Unyong Sobyet Unyong Sobyetiko
← 1988
1990 ⊟

Ang Miss World 1989 ay ang ika-39 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre, Hong Kong noong 22 Nobyembre 1989. Ito ang unang edisyon na ginanap ang Miss World sa labas ng Reyno Unido, at ang unang edisyon na ginanap sa Asya.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Linda Pétursdóttir ng Lupangyelo si Aneta Kręglicka ng Polonya bilang Miss World 1989.[1][2] Ito ang unang beses na nanalo ang Polonya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Leanne Caputo ng Kanada, habang nagtapos bilang second runner-up si Mónica María Isaza ng Kolombya.

Mga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall, John Davidson at Alexandra Bastedo ang kompetisyon. Nagtanghal ang bandang Aswad sa edisyong ito.

Hong Kong Convention and Exhibition Centre, ang lokasyon ng Miss World 1989

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Patuloy na pinalawak nina Eric Morley at Owen Oyston ang kanilang organisasyon sa pamamagitan ng pagtamo ng Piccadilly Radio, ang pangatlong pinaka-importanteng istasyon ng radyo sa Reyno Unido. Binago na rin ang corporate name ng kumpanya dahil sa pagtatamo ng mga istasyon ng radyo mula sa Miss World Limited sa Transworld Communications PLC. Ang direktor ay si Eric Morley, ang pangulo ay si Julia Morley, at Chief Executive Officer ay si Owen Oyston.[3]

Noong Marso 1989, inanunsyo ni Eric Morley sa mga pambansang direktor na magaganap ang Miss World sa panahon ng tag-init sa Londres. Nagkaroon ng kasunduan sina Morley at ang British Satellite Broadcating upang isahimpapawid muli ang paligsahan sa Londres, ngunit ang pagkaantala sa paglulunsad ng satelayt at ng unang pagsasahimpapawid ng channel ang nagbago sa petsa ng paligsahan na dapat sanang gagawin sa tag-init. Nabago ang petsa sa 16 Nobyembre 1989, at ito ay gaganapin muli sa Royal Albert Hall sa Londres.

Noong Agosto 1989, pinaalam ng British Satellite Broadcasting kay Eric Morley na dahil sa mga problemang teknikal, mauusog ang paglunsad ng satelayt sa Marso 1990. Dahil dito, maisasahimpapawid ang kompetisyon sa buong mundo, puwera lang sa Reyno Unido. Dahil nagkaroon sila ng kasunduan ng Formosa Airlines upang dalhin ang mga kandidata sa Hong Kong at Taipei upang gawin doon ang mga paunang mga aktibidad para sa Miss World, napagdisyunan ni Morley na idaos ang mga paunang aktibidad sa Taipei, at idaos ang pinal na kompetisyon sa Hong Kong.

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Pitong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at apat na kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Dapat sanang lalahok si Adeline Geerman ng Aruba, ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Dilailah Odor. Hindi rin sumali si Miss Belgium 1989 Anne De Baetzelier sa edisyong ito dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, at siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Greet Ramaekers. Dahil may eksklusibong kontrata si Miss Czechoslovakia Ivana Christová 1989 sa pangunahing isponsor ng kanyang pambansang kompetisyon na hahadlang sa kanya na sumali sa Miss World, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Jana Hronková. Dapat sanang lalahok si Miss USSR 1989 Yulia Sukhinova sa edisyong ito. Gayunpaman, dahil sa paglabag nito sa kontrata ng Miss USSR, at dahil hindi pinahintulutan ng kanyang mga magulang na lumahok ito sa Miss World dahil siya ay menor de edad, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Anna Gorbunova.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Letonya, Namibya, Unggarya, at Unyong Sobyetiko. Bumali ang mga bansang Czechoslovakia na huling sumali noong 1969, Aruba at Porto Riko na huling sumali noong 1985, at Panama at San Vicente at ang Granadinas na huling sumali noong 1987.

Hindi sumali ang mga bansang Barbados, Bulgarya, Ehipto, Indiya, Kanlurang Samoa, Kapuluang Birheng Britaniko, Kapuluang Cook, Kapuluang Turks at Caicos, Libano, Liberya, Pulo ng Man, San Cristobal at Nieves, Sierra Leone, Suwasilandiya, at Urugway. Hindi sumali sina Tanya Cathrow ng Barbados, Viola Marguerite Joseph ng Kapuluang Birheng Britaniko, Karen Been ng Kapuluang Turks at Caicos, Rosie Hodge ng San Cristobal at Nieves, at Siuafu Malia Tangata´iloa ng Tonga dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali sina Neiryn Ahmad Salem ng Ehipto, Angela Manarangi ng Kapuluang Cook, at Cathy Korju ng Estonya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Bulgarya, Indiya, Kanlurang Samoa, Libano, Liberya, Pulo ng Man, Sierra Leone, Suwasilandiya, at Urugway matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1989 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1989
1st runner-up
2nd runner-up
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Rehiyon Kandidata
Aprika
Asya
Europa
Kaamerikahan
Karibe
Oseaniya

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition, evening gown competition at final interview ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito, anim na kandidata ang hinirang bilang Continental Queens of Beauty, bago hirangin ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rob Brandt – Direktor ng Walters International Computers
  • Richard Caring – Ingles na negosyante sa tela na nakabase sa Hong Kong
  • Brian Daniels – Pangulo ng g Kong Academy of Performing Arts
  • Diane Hsin – Asawa ng tagapangulo ng Formosa Airlines
  • Peter Lam – Negosyante mula sa Hong Kong; direktor ng ATV
  • Giselle Laronde – Miss World 1986 mula sa Trinidad at Tobago
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Krish Naidoo – Pambansang direktor ng Irlanda sa Miss World
  • George Pitman – Pangulo ng Variety Club at Telethon sa Kanada

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pitumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.[4]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Jasmine Beil 23 Francfort del Meno
Arhentina Arhentina Patricia Wiedenhofer 17 La Pampa
Aruba Aruba Dilailah Odor 20 Oranjestad
Australya Natalie McCurry 23 North Bondi
Austria Austrya Marion Amann 20 Viena
New Zealand Bagong Silandiya Helen Rowney 19 Auckland
Bahamas Bahamas Carolyn Moree 17 Nassau
Belhika Belhika Greet Ramaekers 18 Limbourg
Belize Belis Martha Badillo 20 San Pedro
Venezuela Beneswela Fabiola Candosín 19 Caracas
Bermuda Bermuda Cherie Tannock 23 Warwick
Bolivia Bulibya María Victoria Julio 19 Tarija
Curaçao Curaçao Supharmy Sadji 19 Willemstad
Czechoslovakia Czechoslovakia Jana Hronková 22 Horšovský Týn
Denmark Dinamarka Charlotte Pedersen 19 Holstebro
Ecuador Ekwador Ximena Correa 19 Machala
El Salvador El Salvador Ana Estela Aguilar 20 San Salvador
Espanya Espanya Eva Pedraza 18 Córdoba
Estados Unidos Estados Unidos Jill Renee Scheffert 21 Lungsod ng Oklahoma
Ghana Gana Afua Amoah Bonsu 23 Accra
Greece Gresya Katerina Petropoulou 19 Atenas
Guam Guam Cora Tricia Yanger 18 Mangilao
Guatemala Guwatemala Rocío Lerma 24 Lungsod ng Guatemala
Guyana Guyana Ryhaan Majeed 21 Georgetown
Jamaica Hamayka Natasha Marcanik 19 Kingston
Hapon Hapon Kaori Muto 22 Tokyo
Gibraltar Hibraltar Audrey Gingell 19 Hibraltar
Honduras Honduras Belinda Bodden 18 San Pedro Sula
Hong Kong Ewong Yung-hung 21 Pulo ng Hong Kong
Irlanda (bansa) Irlanda Barbara Ann Curran 23 Dublin
Israel Israel Ronit Sutton 19 Herusalem
Italya Italya Paola Mercurio 17 Napoles
Canada Kanada Leanne Caputo 23 Milton
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Vanessa Thomas 19 St. Thomas
Cayman Islands Kapuluang Kayman Michelle Garcia 20 Grand Cayman
Kenya Kenya Grace Chabari 22 Mombasa
Colombia Kolombya Mónica María Isaza 20 Medellín
Costa Rica Kosta Rika María Antonieta Sáenz 18 San José
Latvian Soviet Socialist Republic Letonya Ina Magone 18 Liepāja
Luxembourg Luksemburgo Chris Scott 23 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Hugrún Guðmundsdóttir 20 Reikiavik
Makaw Guilhermina Pedruco 19 Macau
Malaysia Malaysia Vivien Chen Shee Yee 24 Kuching
Malta Malta Marika Micallef 18 Għargħur
Mauritius Mawrisyo Jeanne-Françoise Clement 20 Beau Bassin
Mexico Mehiko Nelia María Ochoa 19 Veracruz
South Africa Namibya Emarencia Esterhuizen 22 Windhoek
Niherya Niherya Bianca Onoh 22 Enugu
Norway Noruwega Bente Brunland 22 Oslo
Netherlands Olanda Liesbeth Caspers 21 Noordwijk
Panama Panama Gloria Quintana 19 Lungsod ng Panama
Papua New Guinea Papuwa Bagong Guniya Joycelin Leahy 24 Morobe Province
Paraguay Paragway Alicia María Jaime 20 Asunción
Peru Peru Maritza Zorrilla 20 Lima
Pilipinas Pilipinas Estrella Querubin 20 Manila
Finland Pinlandiya Åsa Lövdahl 20 Helsinki
Poland Polonya Aneta Kręglicka 24 Gdańsk
Portugal Portugal Maria Angélica Mira 18 Lisbon
Puerto Rico Porto Riko Tania Collazo 18 Orocovis
Pransiya Pransiya Stephanie Zlotkowski 17 Bordeaux
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Irma Mauriz 23 San Felipe de Puerto Plata
Taiwan Republika ng Tsina Wang Min-yei 22 Taipei
United Kingdom Reyno Unido Suzanne Younger[5] 23 Shrewsbury
Saint Vincent and the Grenadines San Vicente at ang Granadinas Anna Young 19 Kingstown
Singapore Singapura Jacqueline Ang 18 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Serena Danvers 21 Colombo
Suwesya Suwesya Lena Berglind 23 Gothenburg
Switzerland Suwisa Catherine Mesot 23 Wil
Thailand Taylandiya Prathumrat Woramali 17 Bangkok
Timog Korea Timog Korea Kim Hye-ri 19 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Samantha Bhagan 22 Goodwood Park
Chile Tsile Claudia Bahamondes 17 Santiago
Cyprus Tsipre Irma Voulgari 17 Larnaca
Turkey Turkiya Burcu Burkut 19 İzmir
Uganda Uganda Doreen Lamon-Opira 20 Kampala
Hungary Unggarya Magdolna Gerloczy 18 Budapest
Unyong Sobyet Unyong Sobyetiko Anna Gorbunova 22 Mosku
Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia Yugoslavia Aleksandra Dobraš 17 Banja Luka
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "European crowned Miss World '89". The Evening News (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1989. pp. 2A. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss Poland destroys wall, wins Miss World". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1989. pp. 2A. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kelso, Paul (8 Disyembre 1999). "Millionaire rapist Owen Oyston released on parole". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 27 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Nadler, Gerald (23 Agosto 1988). "Contest is slated for Miss U.S.S.R." The Bryan Times (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 29 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Henderson, Barbara (8 Abril 1989). "Suzanne's final joy". Birmingham Evening Mail (sa wikang Ingles). Birmingham, West Midlands, England. p. 1. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]