Pumunta sa nilalaman

Miss World 1969

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1969
Eva Rueber-Staier
Petsa27 Nobyembre 1969
Presenters
  • Michael Aspel
  • Pete Murray
Entertainment
  • Frank Ifield
  • Lionel Blair
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok50
Placements15
Bagong saliSeykelas
Hindi sumali
  • Ceylon
  • Gana
  • Italya
  • Kenya
  • Moroko
  • Peru
  • Taylandiya
  • Uganda
Bumalik
  • Czechoslovakia
  • Gambya
  • Lupangyelo
  • Libano
  • Paragway
NanaloEva Rueber-Staier
Austria Austrya
← 1968
1970 ⊟

Ang Miss World 1969 ay ang ika-19 na edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 27 Nobyembre 1969.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Penelope Plummer ng Australya si Eva Rueber-Staier ng Austrya bilang Miss World 1969.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Austrya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Gail Renshaw ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Christa Margraf ng Alemanya.[2][3]

Mga kandidata mula sa limampung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at Pete Murray ang kompetisyon.[4] Nagtanghal sina Frank Ifield at Lionel Blair sa edisyong ito.[5]

Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1969

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bunsod ng pagdating ng colored television sa Londres, napag-isipan ng pangulo ng Miss World Organization na si Eric Morley na idaos ang kompetisyon sa Royal Albert Hall mula sa Lyceum Ballroom upang maging mas malaki ang kompetisyon at upang mapaunlakan na rin ang paggamit ng colored television.[6] Nausog rin ang petsa ng kompetisyong sa 27 Nobyembre 1969.

Noong 20 Nobyembre 1969, dalawang grupo ng British Young Liberals ang nagsimulang magprotesta laban sa paglahok ni Miss South Africa Linda Collett, dahil ayon sa mga ito, pinili si Collett ayon sa kulay ng kanyang balat. Itinanggi naman ito ng Mecca Ltd., at sinabing wala silang intensyon na tanggalin si Collett sa pagiging kandidata para sa Miss World.[7][8]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa limampung mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang na na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at isang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Matapos lumahok sa Miss Universe, bumitiw si Miss Venezuela 1969 María José Yellici sa kanyang titulo upang magpakasal sa kanyang kasintahan na si Guillermo Zuloaga, na siyang naging pangulo ng Globovision dalawang taon ang makalipas.[9][10] Dahil dito, ibinigay ang titulo sa first runner-up na si Marzia Piazza. Gayunpaman, hindi natuloy ang kasal ni Yellici.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Seykelas. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Paragway na huling sumali noong 1959, at Czechoslovakia, Gambya, Libano, at Lupangyelo na huling sumali noong 1967.

Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Gana, Italya, Kenya, Moroko, Peru, Taylandiya, at Uganda sa edisyong ito.[11] Hindi sumali sina Methsili Silva ng Ceylon, Victoria Folson ng Gana, Phanarat Phisutthisak ng Taylandiya, at Charlotte Ssali ng Uganda dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[12] Imbis na dalhin sa Miss World, napag-isipan ng mga isponsor ni Rahima Hachti ng Moroko na ipadala na lamang siya sa Miss Maja International sa Espanya. Hindi ipinadala ng Miss Italia Organization si Anna Zamboni ng Italya dahil nasasayangan diumano ang mga ito sa pera na ginagastos nila para dalhin ang kanilang kandidata sa Reyno Unido na siyang gagamitin lang para isapubliko ito.[13][14] Hindi sumali ang mga bansang Kenya at Peru matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Miss Switzerland 1969 Liselotte Pouli,[15] ngunit dahil sa mga lumabas na litrato ng kanyang hinalinhan na nakahubad, napagdesisyunan ng mga organizer ng kanilang kompetisyong pambansa na huwag ipadala sa Londres si Pouli.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1969 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1969
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.[4]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Francis Chichester – Ingles na manlilipad at piloto[16]
  • Henry Cooper – Ingles na boksingero[16]
  • Lady Sarah Courage – Modelo at asawa ng Ingles na car racer na si Piers Courage[4]
  • Michael Crawford – Ingles na aktor at komedyante[16]
  • Peter Dimmock – Isang executive mula sa BBC[5]
  • Ambrose Patrick Genda – High Commissioner ng Sierra Leone sa Reyno Unido[4]
  • Abdul Jamil Abdul Rais – High Commissioner ng Malaysia sa Reyno Unido[16]
  • Omar Sharif – Ehiptong aktor[16]
  • Susannah York – Ingles na aktres[16]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limampung kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Christa Margraf[17] 22 Eibach
Arhentina Arhentina Graciela Marino 21 Buenos Aires
Australya Stefane Meurer[18] 20 Newport
Austria Austrya Eva Rueber-Staier[19] 20 Graz
New Zealand Bagong Silandiya Carole Robinson[20] 22 Auckland
Bahamas Ida Pearce[21] 16 Nassau
Belhika Belhika Maud Alin[22] 18 Charleroi
Venezuela Beneswela Marzia Piazza[23] 18 Vargas
Brazil Brasil Ana Cristina Rodrigues[24] 18 Rio Grande do Sul
 Czechoslovakia Marcela Bitnarova[25] 19 Náchod
Denmark Dinamarka Jeanne Perfeldt 21 Copenhague
Ecuador Ekwador Ximena Aulestia[26] 17 Quito
Estados Unidos Estados Unidos Gail Renshaw[27] 22 Falls Church
The Gambia Gambya Marie Carayol[28] 24 Banjul
Gresya Heleni Alexopoulou[29] 18 Atenas
 Guyana Pamela Lord[30] 24 Georgetown
Jamaica Hamayka Marlyn Elizabeth Taylor[31] 21 Kingston
Hapon Hapon Emiko Karashima 20 Kitakyushu
Hibraltar Marilou Chiappe[32] 21 Hibraltar
India Indiya Adina Shellim[33] 21 Maharashtra
Irlanda (bansa) Irlanda Hilary Clarke 19 Dublin
Israel Israel Tehila Selah[34] 21 Ramat HaSharon
Canada Kanada Jacquie Perrin[35] 21 Toronto
Colombia Kolombya Lina María García[36] 18 Santander
Costa Rica Kosta Rika Damaris Ureña[37] 17 Guanacaste
Lebanon Libano Roula Majzoub 17 Beirut
Liberia Liberya Antoinette Coleman[38] 19 Clay-Ashland
Iceland Lupangyelo Ragnheiður Pétursdóttir[39] 17 Reikiavik
Luxembourg Luksemburgo Jacqueline Schaeffer 18 Esch-sur-Alzette
 Malta Mary Brincat[40] 17 Gżira
Mexico Mehiko Gloria Leticia Hernández Guanajuato
Niherya Niherya Morenike Faribido[41] 23 Lagos
Nicaragua Nikaragwa Carlota Marina Brenes López[42] 19 Matagalpa
Norway Noruwega Kjersti Jortun[43] 19 Oslo
Netherlands Olanda Nente van der Vliet[44] 23 Ang Haya
Paraguay Paragway Blanca Zaldívar[45] Asuncion
Pilipinas Feliza Teresa Miro[46] 17 Maynila
Finland Pinlandiya Päivi Raita[47] 19 Helsinki
Pransiya Suzanne Angly[48] 18 Mulhouse
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Sandra Cabrera[49] 18 Peravia
United Kingdom Reyno Unido Sheena Drummond[50] 18 Edinburgh
Seykelas Sylvia Labonté 18 Victoria
Suwesya Suwesya Ing-Marie Ahlin[51] 20 Estokolmo
Timog Aprika Linda Collett[52] 18 Durban
Timog Korea Timog Korea Kim Seung-hee 19 Seoul
Chile Tsile Ana María Nazar 22 Santiago
Cyprus Tsipre Flora Diaouri 19 Nicosia
Tunisia Tunisya Zohra Tabania[53] 17 Tunis
Turkey Turkiya Sermin Aysin[54] 17 Istanbul
Yugoslavia Radmila Živković 20 Belgrado
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Austrian crowned Miss World; Virginia Girl finishes second". Sarasota Herald-Tribune (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Austrian beauty wins Miss World crown". The Lawton Constitution (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 5. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 "Austrian crowned Miss World". The Morning Record (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Donaldson, Anne (28 Nobyembre 1969). "Miss Austria wins world title". The Glasgow Herald (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Tonight's highlight". Evening Times (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 1969. p. 5. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Miss World in colour at last". Cambridge Evening News (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 1969. p. 4. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Double threat to Miss World contest". Evening Times (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Mounted police". The Glasgow Herald (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Garcés, Ever (16 Nobyembre 2022). "Miss Venezuela: Ni tan niñas, ni tan venezolanas…". Diario de Los Andes (sa wikang Kastila). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Miss Venezuela 1969, María José Yellici". Ultimas Noticias (sa wikang Kastila). 1 Agosto 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2016. Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Miss Italië blijft thuis" [Miss Italy stays at home]. Het Parool (sa wikang Olandes). 26 Nobyembre 1969. p. 9. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Muhindo, Clare (11 Nobyembre 2016). "Former Miss Uganda passes on". Sqoop (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Row over Miss Italy contest". The Straits Times (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 20 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "World News". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Meier, Simone (12 Abril 2014). "Sie ahnen ja nicht, wie viel «Mad Men»-Flair die Schweiz einst verströmte" [You have no idea how much “Mad Men” flair Switzerland once exuded]. Watson (sa wikang Aleman). Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 16.4 16.5 Koh, Adele (30 Nobyembre 1969). "Envoy Jamil Rais was one of Miss World judges". The Straits Times. p. 5. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Winner wants ring, not crown". The Montreal Gazette (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 1969. p. 37. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Untitled". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 1969. p. 15. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Ehemalige "Miss World" Eva Rueber-Staier führt heute ein ruhiges Leben". Oberösterreichische Nachrichten (sa wikang Aleman). 2 Disyembre 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Paulin, Alastair (10 Agosto 2012). "Brains and beauty a Trump card". Stuff (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "'s Werelds mooiste wordt vandaag weer ontdekt Wonderen lopen in Londen op straat" [The world's most beautiful thing is discovered again today Wonders walk the streets of London]. De Volkskrant (sa wikang Olandes). 26 Nobyembre 1969. p. 9. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Une Miss Belgique pour Charleroi" [A Miss Belgium for Charleroi]. La Dernière Heure (sa wikang Pranses). 11 Disyembre 2003. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Pair of dazzlers". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1969. p. 2. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Catarinense e a nova "Miss Brasil"". Jornal do Brasil (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 1969. pp. 1, 31. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Tsjechische miss". De nieuwe Limburger. 21 Nobyembre 1969. p. 11. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. San Miguel, Santiago (30 Mayo 2022). "Ximena Aulestia: 'A las arrugas no les temo porque existe el bótox'" [Ximena Aulestia: "I'm not afraid of wrinkles because Botox exists"]. Expreso (sa wikang Kastila). Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Women protest beauty contest". The Free Lance-Star. 22 Setyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Secka, Alhaji AM Seringe (8 Hunyo 2011). "History of Metta Club organised beauty contests, Bathurst (1965-1969)". The Point (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "UITGELEZEN voor u gelezen in andere bladen". Nieuwsblad van het Noorden. 15 Nobyembre 1969. p. 6. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Austrian beauty named world's most gorgeous". The Victoria Advocate (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1969. pp. 1, 13A. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Hundreds turn out for Miss Jamaica crowning". The Gleaner (sa wikang Ingles). 4 Agosto 2023 [3 Agosto 1969]. Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Green-eyed beauty". Evening Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1969. p. 2. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "A beauty from India". The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 12 Disyembre 1969. p. 30. Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "A reluctant Miss Israel". The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Lambrinos, Tim (Marso 2019). "Yesterday & Today: Up, Up and Away". Emery Village Voice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Del Valle la nueva soberana". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1968. pp. 1, 14–16. Nakuha noong 20 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Candidatas al concurso Unimundo 1969 y Miss International". La Nacion (sa wikang Kastila). 27 Mayo 1969. p. 28. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Afrikaanse dans" [African dance]. De nieuwe Limburger (sa wikang Olandes). 26 Nobyembre 1969. p. 11. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Ragnheiður í London" [Ragnheiður in London]. Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 22 Nobyembre 1969. p. 7. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Miss Malta". Evening Times (sa wikang Ingles). 17 Abril 1970. p. 2. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Serious Reflection on a Departed Beauty Queen". This Day (sa wikang Ingles). 25 Disyembre 2020. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Hoy eligen Miss Mundo". El Tiempo (sa wikang Kastila). 27 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "The top four in Miss World stakes". Evening Standard (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Lost skirt–but beauty kept poise". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1969. p. 23. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Elección de misses, falta el glamour, sobran corrupción e incultura: "Es una realidad"" [Election of misses, glamor is missing, corruption and lack of culture are abundant: “It is a reality”]. Diario HOY (sa wikang Kastila). 23 Agosto 2016. Nakuha noong 19 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Let-down for Manila beauty". The Straits Times (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 17 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Turkulaismerkonomi Suomen kauneimmaksi" [The Turku community is considered the most beautiful in Finland]. Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 26 Pebrero 2019 [26 Pebrero 1969]. Nakuha noong 18 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Miss France". Miss France (sa wikang Ingles). 3 Enero 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Five worlds". The Observer (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1969. p. 1. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Wendy so close to Miss U.K. win". Derby Evening Telegraph (sa wikang Ingles). 18 Agosto 1969. p. 2. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Peek-a-boo beauty". The Bulletin (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1969. p. 3. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Seeks to oust white girl as Miss South Africa". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1969. p. 33. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Lotfi, Ben Khelifa (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps. Nakuha noong 19 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]