Pumunta sa nilalaman

Mga Pastun

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga taong Pashtun)
Mga Pastun.

Ang mga Pastun (Pastun: پښتونPaṣ̌tun, Pax̌tun, na may anyo ng pagbabaybay din na Pushtun, Pakhtun, Pukhtun), tinatawag ding Pathan[1] (Urdu: پٹھان‎, Hindi: पठान Paṭhān) o etniko o katutubong mga Apgano,[2] ay isang pangkat na etnolingguwistikong Silanganing Iranyano na may populasyong pangunahing nasa Apganistan, Lalawigan ng Hilaga-Kanlurang Panimulaan, Pederal na Pinangangasiwaang mga Lugar na Matribo, at sa Lalawigang Balochistan ng Pakistan. Karaniwang katangian ng mga Pastun ang kanilang paggamit ng wikang Pashto at ang pagsasagawa ng Pashtunwali, na isang sinaunang nakaugaliang pamumuhay sa pamamagitan ng mga kodigong natatangi na napanatili hanggang sa makabagong panahon.[3]

Binubuo ang lipunang Pastun ng maraming mga tribo at mga angkan na hindi pampolitika na nagkakaisa[4] hanggang sa pagbangon ng Hotaki at Durrani noong ika-18 daang taon.[5] Nagkaroon ng mahalagang papel ang mga Pastun noong panahon ng Dakilang Laro mula ika-19 daang taon hanggang ika-20 daang taon nang malagay sila sa pagitan ng mga disenyong imperyalista ng mga imperyong Britaniko at Ruso. Sa loob ng mahigit sa 300 mga taon, namuno sila bilang nangingibabaw na pangkat etniko sa Apganistan, na halos lahat ng mga pinuno ay isang Pastun. Sa mas kamakailan lamang, nakatanggap ng pagpansing pandaigdigan ang mga Pastun noong ng Digmaang Sobyet sa Apganistan ng dekada ng 1980, at sa pagbangon at pagbagsak ng Taliban, dahil sila ang pangunahing etnikong mga pangkat ng kinatawan sa kilusan. Isa ring mahalagang pamayanan sa Pakistan ang mga Pastun, kung saan nakamit nila ang Pagkapangulo, matataas na mga tungkulin sa militar, at bilang pangalawang pinakamalaki ang bilang nga pangkat etniko.[6]

Ang mga Pastun ang pinakamalaking patriyarkal na segmentaryong linya ng pangkat etniko sa mundo.[7] Tinayang nasa bandang 42 mga milyon ang kabuoang populasyon ng pangkat, subalit hindi pa rin makakuha ng tiyak na bilang dahil sa kawalan ng opisyal na senso sa Apganistan magmula pa noong 1979.[8] Mayroong pagtatayang 60 pangunahing mga tribong Pastun at mahigit sa 400 na kabahaging mga angkan ang mga taong Pastun.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mga Apgano (1) Isang pangkat etniko: mga tribong Pastun na naninirahan sa lugar na nakahimlay lumabis-kumulang sa pagitan ng Hindung Kush sa Hilaga at sa Indus sa Timog; mga Pathan. Dumating na nangangahulugang mga Pathan na naninirahan sa Pakista at Apganistan. Hinati sa dalawang pangunahing mga pangkat, ang mga Abdali (qv) at ang mga Ghilzai (qv). Ang nangingibabaw na pangkat etniko sa Apganistan. (2) Alin mang naninirahan sa Apganistan (makabagong kahulugan, marahil hindi mas maaga kaysa ika-19 daang taon).". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-25. Nakuha noong 2007-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. History Of The Mohamedan Power In India Naka-arkibo 2009-02-11 sa Wayback Machine. ni Muhammad Qāsim Hindū Šāh Astarābādī Firištah, ang mga tekstong Persa (Persian) ng Instituto ng Araling Pantao ng Packard na isinalinwika (nakuha noong 10 Enero 2007).
  3. Globalized Islam: The Search For A New Ummah ni Olivier Roy, pahina 261.
  4. "Khushal Khan Khattak". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-14. Nakuha noong 2010-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-04-07 sa Wayback Machine.
  5. Apganistan Naka-arkibo 2016-07-09 sa Wayback Machine., CIA World Factbook (nakuha noong 7 Hunyo 2006)
  6. Musharraf Contends with the Pashtun Element in the Pakistani Army, Global Terrorism Watch (nakuha noong 1 Nobyembre 2007).
  7. Ethnic, Cultural and Linguistic Denominations in Pakhtunkhwa Naka-arkibo 2011-05-24 sa Wayback Machine., Khyberwatch.com (nakuha noong 7 Hunyo 2006).
  8. Afghanistan Census of Population and Housing: Phase one Household Listing Naka-arkibo 2007-04-04 sa Wayback Machine., UNFPA Projects in Afghanistan (nakuha noong 18 Pebrero 2007).
  9. Pakistan's Volatile North-West Frontier