Medisinang pangmilitar
Ang katagang medisinang pangmilitar o panggagamot na pangmilitar (Ingles: military medicine) ay maraming maaaring maging kahulugan: Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Isang espesyalidad na pangmedisina na sangay ng medisinang pang-okupasyon na humaharap sa mga panganib na medikal at mga pangangailangang pampanggagamot (na kapwa pang-iwas at interbensiyunal o pampamamagitan sa pamamagitan ng paglulunas) ng mga sundalo, mga mandaragat at iba pang mga kasapi ng serbisyong militar. Ang arenang ito ay pangkasaysayang kinasasangkutan ng pag-iwas at paglulunas ng mga karamdamang nakakahawa (natatangin na ang mga sakit na pangtropiko, at, noong ika-20 daantaon, ng ergonomiks at mga epektong pangkalusugan ng pagpapaandar at paggamit ng mga makina at kagamitang pangmilitar na katulad ng mga submarino, mga tangke, mga helikopter at mga eruplano. Maaaring unawain ang medisinang pang-ilalim ng dagat at medisinang pang-abyasyon bilang mga kabahaging espesyalidad ng medisinang pangmilitar, o sa anumang kaso ay nagsimula bilang ganiyan.
- Ang pagpaplano at praktis ng pamamahalang pangsiruhiya ng malakihang mga kapinsalaan o kasuwalidad sa pook ng digmaan at mga konsiderasyong panglohistika at pang-administrasyon ng paglulunsad at pagpapatakbo ng mga hospital na pangsuporta ng kombat. Kinasasangkutan ito ng mga hirarkiyang medikal ng militar, natatangi na ang pag-oorganisa ng kaatasang pangmedisina at mga sistemang administratibo na nakikipag-ugnayan (interaksiyon) sa at sumusuporta sa ipinadalang mga yunit na pangkombat (tingnan ang medisinang pampook ng digmaan.)
- Ang pangangasiwa at pagsasagawa ng pangangalagang pangkalusugan para sa mga kasapi ng serbisyong pangmilitar at ng mga dumidipende sa kanila sa tagpuang hindi sila ipinadala sa pook na mayroong digmaan (panahon ng kapayapaan). Maaari itong kabilangan ng isang sistemang pangmedisina na katumbas ng lahat ng mga espesyalidad na medikal at kabahaging mga espesyalidad na umiiral sa sektor na sibilyano (tingnan ang Pangangasiwa ng Kalusugang Pambeterano na naglilingkod para sa mga beterano ng Estados Unidos).
- Pangmedisinang pananaliksik at pagpapaunlad, partikular na ang nauukol sa mga suliraning nakatatawag ng pansin ng medisinang pangmilitar. Sa pangkasaysayan, nasasakop nito ang lahat ng mga pagsulong na pampanggagamot na lumilitaw magmula sa mga pagsisikap na pampananaliksik na pangmedisina na nakatuon sa pagharap sa mga problemang nahaharap ng mga puwersang militar na nakadestino (halimbawa na ang mga bakuna at mga gamot na para sa mga sundalo, mga sistema ng ebakuwasyong medikal, klorinasyon ng naiinom na tubig, atbp.), na ang karamihan ay talagang napatunayang mahalaga hindi lamang sa mga pagsasaalang-alang sadyang pangmilitar lamang na pinagmulan ng ideya hinggil sa mga ito.
Kahalagahang pangkasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kahalagahan ng panggagamot na pangmilitar para sa lakas na pangkombat ay maaaring husgahan ayon sa katotohanan na sa bawat isang pangunahing digmaan na pinaglabanan hanggang sa panahon ng karamdaman noong ika-19 daantaon na sumalanta sa mas maraming mga sundalo kaysa sa nangyaring pakikipagdigma lamang. Noong panahon ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos (Digmaang Pambayan ng Mga Nagkakaisang Estado) (1860–65), halimbawa, tinatayang doble ang dami ng mga sundalong namatay sa sakit kaysa sa mga napaslang o nasugatan habang nakikipaglaban.[1] ang Digmaang Pranko-Prusyano (1870–71) ang itinuturing na unang hidwaan kung kailan nabaligtad ang kaantasang ito, partikular na ang sa hukbo ng koalisyon ng Alemanya na nawalan ng 3.47% na bilang ng mga sundalo kaysa sa karaniwang dami at mayroon lamang na 1.82% na namatay dahil sa sakit.[2] Sa mga bansa na nasa bagong mundo, katulad ng Australia, Estados Unidos at Canada, mahalaga ang naging mga ambag ng mga manggagamot na pangmilitar at ng mga siruhanong pangmilitar sa pagpapaunlad ng pangangalaga ng kalusugan ng mga sibilyano.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ McPherson, James M. (1988). Battlecry of Freedom. Ballantine Books, New York. ISBN 0-345-38632-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), p. 485 - ↑ Brockhaus' Konversations-Lexikon; ika-14 na edisyon, Leipzig, Berlin at Vienna 1894; Bolyum 8, p. 939.
- ↑ Vivian Charles McAlister. "Origins of the Canadian School of Surgery" Canadian Journal of Surgery (2007) 50 (5) : 357-363. Makukuha magmula sa : [1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.