Maynila (lalawigan)
Maynila Maynila | |||||
Dating lalawigan ng Pilipinas | |||||
| |||||
Kinaroroonan ng dating lalawigan ng Maynila | |||||
Kabisera | Manila Mariquina (1898–1899) | ||||
Panahon sa kasaysayan | Panahong Kolonyal | ||||
- | Panlulupig ni Legazpi ng Maynila at Tondo | 1571 | |||
- | Naging kabisera ng kolonyal na Pilipinas | 1595 | |||
- | Sinakop ng Gran Britanya | 1762–1764 | |||
- | Inilipat ang soberanya sa Estados Unidos | 1899 | |||
- | Binuwag | 1901 | |||
Ngayon bahagi ng | Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Lungsod Quezon, San Juan, Taguig, mga bahagi ng Rizal |
Ang Maynila, tinatawag ding dati bilang Tondo hanggang sa taong 1859, sa kasalukuyan ngayon ay Kalakhang Maynila, ay isang dating lalawigan sa Pilipinas na sumasaklaw sa Tondo at Maynila, mga dating kaharian na umiral bago dumating ng mga Kastila.[1] Noong 1898 kinabilangan ito ng Lungsod ng Maynila at 23 ibang mga bayan. Sinama ito sa lalawigan ng Rizal noong 1901.
Mga lungsod at bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dating lalawigan ay binubuo ng Lungsod ng Maynila at 23 ibang mga bayan. Ang mga distrito ng Binondo, Dilao, Ermita, Malate, Pandacan, Quiapo, Sampaloc, San Miguel, Santa Ana, Santa Cruz, at Tondo ay kalimitang tinutukoy bilang mga "pueblo", "arrabal" ("mga naik") o "neighbourhood" ng Maynila. Unang tumutukoy ang Maynila sa "lungsod sa loob ng pader" (kasalukuyang Intramuros), ngunit ang kahulugan nito ay napalakip sa huli ang mga naik na pumapalibot dito, kaya humantong ito sa pagkalito hinggil sa kung ano ang mga lugar na bumubuo sa "Maynila" noong kahulihan ng ika-19 na siglo.[1][2] Simula noong dekada-1860, ang lugar ay kadalasang tinutukoy bilang Ciudad de Manila y sus arrabales ("Ang Lungsod ng Maynila at mga naik nito") o bilang Manila y los pueblos de extramuros ("Maynila at mga pamayanang sa labas ng mga pader").[2] Kinabibilangan ng kasalukuyang Lungsod ng Maynila ang lahat ng mga lugar na ito.
Inilalahad ng talahanayan sa baba ang kabatiran mula sa binaggit na sanggunian.[1]
Lungsod/Bayan | Populasyon (1898) | Mga tala |
---|---|---|
Maynila[A 1] | 110,000 | |
Caloocan | 9,843 | Nasa 7 milya mula Maynila. May pangunahing mga daan (highroads) patungong Maynila, Novaliches, Mariquina, at Sampaloc. |
Dilao (Paco)[A 2][A 3] | 4,625 | Nasa 3 milya mula Maynila. |
Ermita[A 2] | 4,726 | Nasa 1¼ milya mula Maynila. |
Las Piñas | 4,000 | Nasa 8 milya mula Maynila. |
Malate[A 2] | 2,319 | Nasa 1⅔ milya mula Maynila. |
Malibay[A 4] | 2,890 | Nasa 4 na milya mula Maynila. |
Mariquina[A 5] | 10,313 | Nasa 7 milya mula Maynila. May ugnayan ito sa Caloocan sa pamamagitan ng isang pangunahing daan. |
Montalban[A 6] | 3,055 | Nasa 16 milya mula Maynila. |
Muntinlupa | 5,068 | Nasa 21 milya mula Maynila. |
Navotas | 9,154 | Nasa 6¼ milya mula Maynila. |
Novaliches[A 7] | 1,871 | Nasa 10 milya mula Maynila. May ugnayan ito sa Caloocan at Maynila sa pamamagitan ng pangunahing mga daan. |
Pandacan[A 2] | 2,446 | Nasa 2 milya mula Maynila. |
Parañaque | 9,863 | Nasa layong 6⅛ milya mula Maynila. |
Pasig | 22,000 | Nasa 7 milya mula Maynila. |
Pateros | 2,842 | Nasa 3 milya mula Maynila. |
Pineda[A 8] | 9,825 | Nasa 3⅛ milya mula Maynila. |
San Felipe Neri[A 9] | 5,465. | |
San Juan del Monte[A 10] | 2,011 | |
San Mateo[A 11] | 6,700 | Nasa 17 milya mula Maynila. |
San Pedro de Macati[A 12] | 3,921 | Nasa 3 milya mula Maynila. |
Santa Ana[A 2] | 2,194 | Nasa humigit-kumulang 3 milya mula Maynila. |
Tagig | 9,662 | Nasa 4 milya mula Maynila. |
Tambobong[A 13] | 25,000 | Nasa 3 milya mula Maynila. |
- ↑ Tumutukoy sa Intramuros
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Bahagi ngayon ng kasalukuyang Lungsod ng Maynila
- ↑ Tumutukoy sa Paco, Maynila
- ↑ Sumama sa Pasay noong Oktubre 12, 1903
- ↑ Ngayon ay Marikina
- ↑ Ngayon ay Rodriguez, Rizal
- ↑ Idinagdag ng Caloocan noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Ang mga lugar na dating bahagi ng Novaliches ay kasalukuyang hati sa pagitan ng Hilagang Caloocan at Lungsod Quezon
- ↑ Ngayon ay Pasay
- ↑ Ngayon ay Mandaluyong
- ↑ Ngayon ay San Juan
- ↑ Ngayon ay San Mateo, Rizal
- ↑ Ngayon ay Makati
- ↑ Ngayon ay Malabon
Mapa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Makikita sa baba ang kinaroroonan ng mga bayan ng dating lalawigan ng Maynila. Maliban sa Montalban at San Mateo, lahat ng mga lugar na ito ay nakapaloob ngayon sa Kalakhang Maynila.[3]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Military notes on the Philippines: September 1898 By United States. Adjutant-General's Office. Military Information Division
- ↑ 2.0 2.1 Old ties and new solidarities: studies on Philippine communities, by Charles J-H. Macdonald, Guillermo Mangubat Pesigan – Shifts in the meaning of "Manila" in the Nineteenth Century – Xavier Huetz de Lemps
- ↑ "1901 Mapa ng Luzon na nagpapakita ng lalawigan ng Maynila". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-11. Nakuha noong 2020-04-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)