Pumunta sa nilalaman

Matibay na ugnayang pangtao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang inang nagpapasuso - isang prosesong tumutulong sa pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa pagitan ng ina at sanggol o "pagkakabigkis ng ina at sanggol sa isa't isa".

Ang matibay na ugnayang pangtao[1] (Ingles: human bonding) ay ang pag-unlad ng isang malapit na ugnayang pangkapwa-tao sa pagitan ng mga kasapi ng mag-anak o mga kaibigan.[2] Isang prosesong may pantay na pagtuturingan at pagbibigayan, inter-aktibo, at hindi kapareho ng payak na pagkagustong resiprokal.

Karaniwang tumutukoy ang ugnayang matibay ng tao o "pagkakabigkis"[1] sa pagkakalapit ng damdamin, simpatiya, pagtingin, at pagkagiliw o "amor", na nabubuo at nalilikha sa pagitan ng mga magkaparehas na romantiko o magkasintahan, matalik na magkakaibigan, o mga magulang at mga anak. Kinatatangian ang ganitong "pagkakabigkis" ng mga damdaming katulad ng pagsuyo o pagkagiliw (apeksyon) at pagtitiwala. Maaaring bumubo ng matibay na ugnayan ang alin mang dalawang taong nagbibigay ng panahon para sa isa't isa. Tumutukoy ang matibay na ugnayang panlalaki sa pagkakalunsad at pagkakatatag ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga lalaki sa pamamagitan ng mga gawaing pinagsasaluhan na kalimitang hindi nagsasali ng mga babae. Hindi gaanong ginagamit ang matibay na ugnayang pambabae, subalit tumutukoy ito sa pagkakabuo ng malapit na relasyong personal sa pagitan ng mga babae.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Batay sa bond - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Webster’s New World College Dictionary © 1996.
  3. The Free Dictionary

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.