Matalinong kontrata
Ang matalinong kontrata (Ingles: smart contract) ay isang programa sa kompyuter o protokol pantransaksyon (transaction protocol) na inilaan para magawa ang sumusunod nang awtomatiko: isagawa, kontrolin, o idokumento ang mga kaganapan at aksyon na may legal na kaugnayan ayon sa mga tuntunin ng isang kontrata o kasunduan.[1][2][3][4] Ang mga layunin ng mga matalinong kontrata ay ang pagbawas ng pangangailangan sa mga pinagkakatiwalaang tagapamagitan, arbitrasyon, at gastos sa pagpapatupad, pagkalugi sa pandaraya, pati na rin ang pagbawas ng malisyoso at aksidental na pagbubukod.[2][5]
Naibanggit ang mga vending machine bilang ang pinakalumang teknolohiya na magkatumbas sa implementasyon ng mga matalinong kontrata.[3] Inilalarawan ng puting papel ng 2014 ukol sa salaping kripto Ethereum[6] ang protokol ng Bitcoin bilang mahinang bersyon ng konsepto ng matalinong kontrata tulad ng tinutukoy ni Nick Szabo, isang siyentipiko sa kompyuter, abogado at kriptograpo (cryptographer). Kasunod ng Ethereum, sinusuporta ng mga iba't ibang salaping kripto ang mga wikang pag-iskrip (scripting languages) na nagpapahintulot ng mas mga makababagong matalinong kontrata sa pagitan ng mga di-pinagkakatiwalaang pangkat.[7] Naiiba ang mga matalinong kontrata sa mga matalinong legal na kontrata (smart legal contract). Tumutukoy ang huling naibanggit sa isang tradisyonal na kasunduang may legal na bisa sa wikang natural na mayroong iilang mga termino na ipinapahayag at ipinapatupad sa kodigong nababasa ng makina (machine-readable code).[8][9][10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Röscheisen, Martin; Baldonado, Michelle; Chang, Kevin; Gravano, Luis; Ketchpel, Steven; Paepcke, Andreas (1998). "The Stanford InfoBus and its service layers: Augmenting the internet with higher-level information management protocols" [Ang Stanford InfoBus at ang mga layer ng serbisyo nito: Pagpapabuti sa internet sa pamamagitan ng mas mataas na antas ng mga protokol sa pamamahala ng impormasyon]. Digital Libraries in Computer Science: The MeDoc Approach. Lecture Notes in Computer Science (sa wikang Ingles). 1392. Springer: 213–230. doi:10.1007/bfb0052526. ISBN 978-3-540-64493-4.
- ↑ 2.0 2.1 Fries, Martin; P. Paal, Boris (2019). Smart Contracts [Mga Matalinong Kontrata] (sa wikang Aleman). Mohr Siebeck. ISBN 978-3-16-156911-1. JSTOR j.ctvn96h9r.
- ↑ 3.0 3.1 Savelyev, Alexander (Disyembre 14, 2016). "Contract Law 2.0: "Smart" Contracts As the Beginning of the End of Classic Contract Law" [Batas sa Kontrata 2.0: Mga "Matalinong" Kontrata bilang Simula ng Katapusan ng Batas sa Klasikong Kontrata] (sa wikang Ingles). Social Science Research Network. SSRN 2885241.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong) - ↑ Tapscott, Don; Tapscott, Alex (Mayo 2016). The Blockchain Revolution: How the Technology Behind Bitcoin is Changing Money, Business, and the World [Ang Rebolusyon ng Blockchain: Kung Paano Binabago ng Teknolohiya sa Likod ng Bitcoin ang Pera, Negosyo, at ang Mundo] (sa wikang Ingles). pp. 72, 83, 101, 127. ISBN 978-0670069972.
- ↑ Szabo, Nick (1997). "View of Formalizing and Securing Relationships on Public Networks | First Monday" [Pananaw ng Pagpopormalisa at Pagtitiyak ng mga Relasyon sa mga Pampublikong Kalambatan | First Monday]. firstmonday.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-10. Nakuha noong 2021-02-25.
- ↑ "White Paper· ethereum/wiki Wiki · GitHub" [Puting Papel· ethereum/wiki Wiki · GitHub] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2014.
- ↑ Alharby, Maher; van Moorsel, Aad (Agosto 26, 2017). "Blockchain-based Smart Contracts: A Systematic Mapping Study" [Mga Matalinong Kontrata Batay sa Blockchain: Isang Sistematikong Pag-aaral sa Pagmamapa]. Computer Science & Information Technology (sa wikang Ingles): 125–140. arXiv:1710.06372. doi:10.5121/csit.2017.71011. ISBN 9781921987700.
- ↑ Cannarsa, Michel (Disyembre 1, 2018). "Interpretation of Contracts and Smart Contracts: Smart Interpretation or Interpretation of Smart Contracts?" [Interpretasyon ng mga Kontrata at Matalinong Kontrata: Matalinong Interpretasyon o Interpretasyon ng mga Matalinong Kontrata?]. European Review of Private Law (sa wikang Ingles). 26 (6).
- ↑ Drummer, Daniel; Neumann, Dirk (Agosto 5, 2020). "Is code law? Current legal and technical adoption issues and remedies for blockchain-enabled smart contracts" [Batas ba ang kodigo? Mga kasalukuyang legal at teknikal na isyu sa pagkupkop at mga remedyo para sa mga matalinong kontrata na pinagana ng blockchain]. Journal of Information Technology (sa wikang Ingles): 0268396220924669. doi:10.1177/0268396220924669. ISSN 0268-3962.
- ↑ Filatova, Nataliia (Setyembre 1, 2020). "Smart contracts from the contract law perspective: outlining new regulative strategies" [Mga matalinong kontrata mula sa pananaw ng batas ng kontrata: pagbabalangkas ng mga bagong estratehiya sa regulasyon]. International Journal of Law and Information Technology (sa wikang Ingles). 28 (3): 217–242. doi:10.1093/ijlit/eaaa015. ISSN 0967-0769.