Madhya Pradesh
Madhya Pradesh मध्य प्रदेश (Hindi) | |
---|---|
Kinaroroonan ng Madhya Pradesh (kulay pula) sa India | |
Mga koordinado: 23°15′00″N 77°25′01″E / 23.25°N 77.417°E | |
Bansa | India |
Rehiyon | Malwa, Bundelkhand, Baghelkhand, Nimar, Mahakoshal, Chambal at Gird |
Itinatag | Nobyembre 1, 1956 |
Kabisera | Bhopal |
Pinakamalaking lungsod | Indore |
Distrito | 51 |
Pamahalaan | |
• Gobernador | Ram Naresh Yadav |
• Pangunahing Ministro | Shivraj Singh Chauhan |
• Lehislatura | Unicameral (230 puwesto) |
• Mataas ng Hukuman | Madhya Pradesh High Court Jabalpur |
Lawak | |
• Estado ng India | 308,252 km2 (119,017 milya kuwadrado) |
Ranggo sa lawak | ika-2 |
Populasyon (2011)[1] | |
• Estado ng India | 72,597,565 |
• Ranggo | ika-6 |
• Kapal | 236/km2 (610/milya kuwadrado) |
• Urban | 20,059,666 |
• Rural | 52,537,899 |
Sona ng oras | UTC 05:30 (IST) |
PIN | 45xxxx-48xxxx |
ISD code | 091-7xxx |
Kodigo ng ISO 3166 | IN-MP |
HDI | 0.488 (medium) |
Ranggo ng HDI | ika-26 (2005) |
Literacy | 70.60% (2011)[1] |
Sex Ratio | 930 (2011)[2] |
Wikang opisyal | Hindi |
Websayt | mp.gov.in |
Ang Madhya Pradesh (Hindi: मध्य प्रदेश, literal na "Gitnang Lalawigan") ay isang estado sa gitnang India. Bhopal ang kabisera nito ang Indore pinakamalaking lungsod. Tinagurian itong "puso ng India" dahil ito'y nasa sentro ng bansa. Ang Madhya Pradesh ay ang ikalawang pinakamalawak na estado sa India, samantala ang higit sa 75 milyong katao nito ay ang ikaanim na pinakamalaki sa mga estado ng India. Kahangganan nito ang mga estado ng Uttar Pradesh sa hilagang-silangan, Chhattisgarh sa timog-silangan, Maharashtra sa timog, Gujarat sa kanluran, at Rajasthan sa hilagang-kanluran.
Nasasakupan ng kasalukuyang Madhya Pradesh ang sinaunang Avanti mahajanapada, na ang kabisera ay Ujjain (tinatawag din na Avanti) na naging isang pangunahing lungsod noong ikalawang yugto ng urbanisasyon ng India noong ika-6 na siglo BCE. Kalaunan, pinamunuan ang rehiyon ng mga pangunahing dinastiya ng India, kasama rito ang Imperyong Maurya, Imperyong Gupta, Harshavardhana, tapos ang mga haring Rajput ng Paramara, Chandelas, Bundela, Tomaras, nang maglaon ang Imperyong Mughal at sa bandang hulí ang Kumpederasyong Maratha. Noong unang bahagi ng ika-18 dantaon, pinaghati-hati ang rehiyon sa maraming maliliit na kaharian na nasakop ng Imperyong Briton at isinanib sa Central Provinces at Berar at sa Central India Agency.
Matapos makamtan ang kalayaan ng India, itinatag ang Madhya Pradesh bilang estado at Nagpur naging kabisera nito. Naging bahagi ng naturang estado ang katimugang bahagi ng ngayo'y Madhya Pradesh at hilagang-silangang bahagi ng ngayo'y Maharashtra. Noong 1956, nireorganisa ang estado, at ang ilang bahagi nito ay isinanib sa mga estado ng Madhya Bharat, Vindhya Pradesh at Bhopal upang itatag ang bagong estado ng Madhya Pradesh na Bhopal ang kabisera. Ang rehiyon ng Vidarbha na nagsasalita ng Marathi ay ihiniwalay at isinanib sa noo'y Bombay State. Ito ang pinakamalaking estado sa India hanggang 2000, nang ihiwalay ang timog-silangang bahagi nito ay ginawang hiwalay na estado ng Chhattisgarh.
May malaking populasyon ng mga tribo ang Madhya Pradesh, na hindi nakararanas ng malawakang pag-unlad. Dahil dito, isa ang estado sa may mababang antas ng kaunlaran sa India, na may Human Development Index value na 0.375 (2011), na mababa pa kaysa sa pambansang antas.[3] Ang per capita GDP (nominal GDP) ng estado ay ikaapat sa pinakamababa sa bansa (2010–2011).[4] Between 1999 and 2008, the annualised growth rate of the state was very low: 3.5%.[5] MP is also the lowest-ranked state on the India State Hunger Index. In recent years, the state's GDP growth has been above the national average.[6] Sagana sa yamang-mineral, ang Madhya Pradesh ay may pinakamalaking reserba ng diyamante at copper sa bansa. Higit sa 30 bahagdan ng lupain nito ay kagubatan. Nakararanas ng paglago ang turismo sa estado, at nanguna ito sa National Tourism Awards noong taong 2010–11.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 2011 Census of India
- ↑ List of Indian states by sex ratio
- ↑ Madhya Pradesh: Economic and Human Development Indicators Naka-arkibo 2012-09-16 sa Wayback Machine., UNDP (2011)
- ↑ Gross State Domestic Product (GSDP) at Current Prices (as on 15-03-2012) Naka-arkibo 2012-05-16 sa Wayback Machine., Planning Commission of India.
- ↑ A special report on India: Ruled by Lakshmi 11 Dec 2008 from The Economist print edition
- ↑ "Madhya Pradesh topples Bihar, new No 1 in economic growth". Economic Times. 30 Marso 2013. Nakuha noong 30 Marso 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Madhya Pradesh topped the National Tourism Awards 2010–11