Madame d'Aulnoy
Si Marie-Catherine Le Jumel de Barneville, Baronesa d'Aulnoy (1650/1651 – Enero 14, 1705),[1] na kilala rin bilang Kondesa d'Aulnoy, ay isang Pranses na manunulat na kilala sa kaniyang mga panitikan sa mga kuwentong bibit. Nang tawagin niya ang kaniyang mga gawa na contes de fées (mga kuwentong bibit), pinanggalingan niya ang terminong karaniwang ginagamit ngayon para sa genre.[2]
Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si D'Aulnoy ay ipinanganak sa Barneville-la-Bertran, sa Normandiya, bilang miyembro ng marangal na pamilya ng Le Jumel de Barneville. Siya ay pamangkin ni Marie Bruneau des Loges, ang kaibigan ni François de Malherbe at ni Jean-Louis Guez de Balzac.[3] Noong 1666, sa edad na labinlimang isinailali siya (ng kaniyang ama) sa isang itinalagang kasal sa isang Parisianong tatlumpung taong mas matanda— François de la Motte, Baron d'Aulnoy, ng sambahayan ng Duke of Vendôme. Ang baron ay isang freethinker at isang kilalang sugarol. Noong 1669, ang Baron d'Aulnoy ay inakusahan ng pagtataksil (nagsasalita laban sa ipinataw na buwis ng Hari) ng dalawang lalaki na maaaring naging magkasintahan ni Mme d'Aulnoy (labing siyam na edad) at ng kaniyang ina, na sa pangalawang kasal ay ang Markesa de Gadagne.[4][5] Kung napatunayang nagkasala, ang hatol ay nangangahulugan ng pagbitay. Ang Baron d'Aulnoy ay gumugol ng tatlong taon sa Bastille bago sa wakas ay nakumbinsi ang korte ng kaniyang kawalang-kasalanan. Ang dalawang lalaking sangkot sa akusasyon ay pinatay sa halip. Ang mga akusasyon at kontra-akusa ay nakatala sa mga archive ng Bastille. Ang Markesa de Gadagne ay tumakas patungo sa Inglatera, at bagaman ang isang atas ay inihatid para sa pag-aresto kay Mme d'Aulnoy, siya ay tumakas mula sa mga opisyal sa pamamagitan ng isang bintana at nagtago sa isang simbahan.
Posibleng nagtrabaho siya bilang isang espiya para sa Pransiya (at marahil ay gumugol ng ilang oras sa Olanda, España, at Inglatera) bago bumalik sa Paris noong 1685 (maaaring bilang pagbabayad para sa pag-espiya).[5] Ang Marchioness de Gadagne ay nanatili sa Madrid na tinustusan ng pensiyon mula sa Haring Espanyol. Nagpaunlak si Mme d'Aulnoy ng mga salon gatherings [1] sa kaniyang tahanan sa rue Saint-Benoît na madalas puntahan ng mga nangungunang aristokrata at prinsipe, kasama ang kaniyang malapit na kaibigan, si Saint-Evremond.
Noong 1699, ang kaibigan ni Mme d'Aulnoy na si Angélique Ticquet ay pinugutan ng ulo dahil sa pagganti ng isang alipin sa mapang-abusong asawa ni Angélique, mula rin sa sapilitang kasal. Ang utusan ay binitay dahil sa pagbaril at pagsugat kay Konsehal Ticquet. Nakatakas si Mme d'Aulnoy sa pag-uusig sa kabila ng kanyang diumano'y pagkakasangkot at itinigil ang pagkakasangkot sa eksena sa lipunan ng Paris sa loob ng dalawampung taon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Anne Commire (8 Oktubre 1999). Women in World History. Gale. p. 626. ISBN 978-0-7876-4061-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zipes, Jack (2001). The great fairy tale tradition : from Straparola and Basile to the Brothers Grimm : texts, criticism. New York: W.W. Norton. ISBN 0-393-97636-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Aulnoy, Marie Catherine le Jumel de Barneville de la Motte". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 2 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 917.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Isa o mahigit pa sa nauunang mga pangungusap ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa - ↑ Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa Encyclopædia Britannica Ika-11 Edisyon, isang publikasyon na nasa publikong dominyo na.
- ↑ 5.0 5.1 Warner 1995.