Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Nakhon Nayok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakhon Nayok

นครนายก
(paikot pakanan mula sa taas-kaliwa): Wat Udom Thani, Luang Pho Pak Daeng Buddha sa Wat Phrammani, Gubat ng Kawayan sa Wat Chulaphonwanaram, Dambahan ng Buddharupa ng Ongkharak Campus ng Pamantasan ng Srinakharinwirot, Prinsa ng Khun Dan Prakan Chon
Watawat ng Nakhon Nayok
Watawat
Opisyal na sagisag ng Nakhon Nayok
Sagisag
Bansag: 
Nakhon Nayok, lungsod ng panaginip sa may kabesera, magagandang kabundukan, kabigha-bighaning mga talon, mayaman sa kalikasan, malaya sa polusyon
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Nakhon Nayok
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Nakhon Nayok
BansaThailand
CapitalLungsod ng Nakhon Nayok
Pamahalaan
 • GovernorAmphon Angkapakornkun (simula Oktubre 2020)
Lawak
 • Kabuuan2,122 km2 (819 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-67
Populasyon
 (2018)[2]
 • Kabuuan260,093
 • RanggoIka-73
 • Kapal123/km2 (320/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-39
Human Achievement Index
 • HAI (2017)0.5886 "average"
Ika-36
Sona ng orasUTC 7 (ICT)
Postal code
26xxx
Calling code037
Kodigo ng ISO 3166TH-26
Websaytww2.nakhonnayok.go.th

Ang Nakhon Nayok (Thai: นครนายก, binibigkas [ná(ʔ).kʰɔ̄ːn nāː.jók]) ay isa sa mga sentral na lalawigan (changwat) ng Taylandiya, na itinatag ng Batas na Nagtatatag ng Changwat Samut Prakan, Changwat Nonthaburi, Changwat Samut Sakhon, at Changwat Nakhon Nayok, Taong Budistang 2489 (1946), na nagkabisa noong 9 Mayo 1946.

Ang mga karatig na lalawigan ay (mula sa hilaga paikot pakanan) Saraburi, Nakhon Ratchasima, Prachinburi, Chachoengsao, at Pathum Thani. Ang Nakhon Nayok ay kilala sa mga talon at mga uri ng prutas. 

Ang Nakon Nayok ay isang kalapit na lalawigan sa Bangkok at may iba't ibang atraksiyong panturista. Ang Pambansang Liwasan ng Khao Yai, ang pinakamatandang pambansang liwasan ng Taylandiya ay nasa lalawigan ng Nakhon Nayok at umaakit ng maraming turista.[4] Ang Prinsa ng Khun Dan Prakarn Chon ay isa pang atraksiyong panturista 2 oras sa labas ng Bangkok sa Nakhon Nayok.[5]

Ang salitang nakhon ay nagmula sa salitang Sanskrito na nagara (Devanagari: नगर) na nangangahulugang 'lungsod', at ang salitang nayok ay ipinapalagay na nagmula sa Sanskrit nayaka (Devanagari: नायक) na nangangahulugang 'pinuno' o 'kapitan'. Gayunpaman, sa ugnayang ito, ang na ay nangangahulugang '[buwis ng] palayan' at ang yok ay nangangahulugang 'hindi kabilang'. Kaya ang pangalan ng lalawigan ay literal na nangangahulugang 'lungsod na walang buwis'.[6]

Ang lungsod ng Nakhon Nayok ay nagmula sa Kahariang Dvaravati, malamang na itinatag noong ika-11 siglo. Ang mga guho mula sa panahong ito ay makikita sa Mueang Boran Dong Lakhon sa timog ng modernong lungsod. Orihinal na pinangalanang Mueang Lablae, ang pangalang "Nakhon Nayok" ay itinalaga dito noong 1350, nang ito ay naging isang garrison na bayan ng kahariang Ayutthaya na nagpoprotekta sa silangang hangganan. Noong 1 Enero 1943, ibinuwag ng pamahalaan ang lalawigan ng Nakhon Nayok at pinagsama ito sa lalawigan ng Prachinburi, maliban sa distrito ng Ban Na na naging bahagi ng lalawigan ng Saraburi.[7] Noong 9 Mayo 1946, muling itinatag ang lalawigan.[8]

Ang hilagang bahagi ng lalawigan ay nasa Kabundukang Sankamphaeng, ang katimugang pagpapahaba ng Kabundukang Dong Phaya Yen, na may pinakamataas na elebasyon ang 1,292-metrong-taas na Yod Khao Kiew. Karamihan sa lugar na iyon ay sakop ng Pambansang Liwasan ng Khao Yai, 2,166 square kilometre (836 mi kuw)[9], kasama ng tatlong iba pang pambansang liwasan, ang bumubuo sa rehiyon 1 (Prachinburi) ng mga protektadong pook ng Taylandiya. Ang gitnang bahagi ng lalawigan gayunpaman ay isang medyo patag na kapatagan ng ilog na nabuo ng Ilog Nakhon Nayok. Ang katimugang bahagi ng lalawigan ay may medyo hindi matabang asidikong lupa. Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 642 square kilometre (248 mi kuw) o 30 porsiyento ng sakop ng lalawigan.[10]

Ang pangunahing ilog ng lalawigan ay ang Ilog Nakhon Nayok. Sumasali ito sa Ilog Prachinburi sa Pak Nam Yothaka sa distrito ng Ban Sang, lalawigan ng Prachinburi, na pagkatapos ay naging Ilog Bang Pa Kong.

Mga dibisyong pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Apat na distrito ng Nakhon Nayok

Pamahalaang panlalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lalawigan ay nahahati sa apat na distrito (amphoe). Ang mga distrito ay nahahati pa sa 41 na mga subdistrito (tambon) at 403 mga nayon (mubans).

  1. Mueang Nakhon Nayok
  2. Pak Phli
  3. Ban Na
  4. Ongkharak

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Advancing Human Development through the ASEAN Community, Thailand Human Development Report 2014, table 0:Basic Data (PDF) (Ulat). United Nations Development Programme (UNDP) Thailand. pp. 134–135. ISBN 978-974-680-368-7. Nakuha noong 17 Enero 2016, Data has been supplied by Land Development Department, Ministry of Agriculture and Cooperatives, at Wayback Machine.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)[patay na link]
  2. "ร่ยงานสถิติจำนวนประชากรและบ้านประจำปี พ.ศ.2561" [Statistics, population and house statistics for the year 2018]. Registration Office Department of the Interior, Ministry of the Interior. stat.bora.dopa.go.th (sa wikang Thai). 31 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 20 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Human achievement index 2017 by National Economic and Social Development Board (NESDB), pp. 1–40, maps 1–9, retrieved 14 September 2019, ISBN 978-974-9769-33-1
  4. Round, Philip D.; Gale, George A. (2007-10-17). "Changes in the Status of Lophura Pheasants in Khao Yai National Park, Thailand: A Response to Warming Climate?". Biotropica. 40 (2): 225–230. doi:10.1111/j.1744-7429.2007.00363.x. ISSN 0006-3606.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Jetsadaareewong, Suphattra (2017). "White Water Rafting Management at Khun Dan Prakan Chon Dam, Nakornnayok Province". SSRN Electronic Journal. doi:10.2139/ssrn.3076749. ISSN 1556-5068.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. ประวัติจังหวัดนครนายก (sa wikang Thai). จังหวัดนครนายก. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-09. Nakuha noong 2008-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. พระราชบัญญัติยุบและรวมการปกครองบางจังหวัด พุทธศักราช ๒๔๘๕ [Dissolution and Consolidation Act in some provinces, Buddhist Era 2485 (1942)] (PDF). Royal Thai Government Gazette. 59 (77): 2447–2449. 10 Disyembre 1942. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 9 Abril 2008. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. พระราชบัญญัติจัดตั้งจังหวัดสมุทรปราการ จังหวัดนนทบุรี จังหวัดสมุทรสาคร และจังหวัดนครนายก พุทธศักราช ๒๔๘๙ [Act Establishing Changwat Samut Prakan, Changwat Nonthaburi, Changwat Samut Sakhon and Changwat Nakhon Nayok, Buddhist Era 2489 (1946)] (PDF). Royal Thai Government Gazette. 63 (29 Kor): 315–317. 9 Mayo 1946. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 9 Abril 2008. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "ข้อมูลพื้นที่อุทยานแห่งชาติ ที่ประกาศในราชกิจจานุบกษา 133 แห่ง" [National Park Area Information published in the 133 Government Gazettes] (sa wikang Thai). December 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobiyembre 2022. Nakuha noong 1 November 2022. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. "ตารางที่ 2 พี้นที่ป่าไม้ แยกรายจังหวัด พ.ศ.2562" [Table 2 Forest area Separate province year 2019] (sa wikang Thai). 2019. Nakuha noong 6 Abril 2021, information, Forest statistics Year 2019{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)