Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Chai Nat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chai Nat

ชัยนาท
Wat Pak Khlong Makham Thao
Wat Pak Khlong Makham Thao
Watawat ng Chai Nat
Watawat
Opisyal na sagisag ng Chai Nat
Sagisag
Bansag: 
"หลวงปู่ศุขลือชา เขื่อนเจ้าพระยาลือชื่อ นามระบือสวนนก ส้มโอดกขาวแตงกวา" ("Reberendong Lolong Sukluecha, Ang kilalang Prinsa ng Chao Phray, Kilala bilang Liwasan ng Ibon, Pomelo, puting pipino")
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng Lalawigan ng Chai Nat
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng Lalawigan ng Chai Nat
BansaThailand
KabeseraChai Nat
Pamahalaan
 • GobernadorRangsan Tancharoen (simula Oktubre 2021)
Lawak
 • Kabuuan2,470 km2 (950 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-65
Populasyon
 (2018)[2]
 • Kabuuan328,263
 • RanggoIka-68
 • Kapal132.9/km2 (344/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-32
Human Achievement Index
 • HAI (2017)0.4840 "low"
Ranked 75th
Sona ng orasUTC 7 (ICT)
Postal code
17xxx
Calling code056
Kodigo ng ISO 3166TH-18

Ang Chai Nat (Thai: ชัยนาท, binibigkas [t͡ɕʰāj nâːt]) ay isa sa mga sentral na lalawigan (changwat) ng Taylandiya.[4] Ang mga karatig na lalawigan ay (mula sa hilaga pakanan) Nakhon Sawan, Sing Buri, Suphan Buri, at Uthai Thani. Ang bayan ng Chai Nat ay 188 km hilaga ng Bangkok.[5]

Ang Chai Nat ay nasa patag na kapatagan ng ilog ng gitnang lambak ng Ilog Chao Phraya ng Taylandiya. Sa timog ng lalawigan, ang Prinsa ng Chao Phraya (dating Prinsa ng Chai Nat) ay nag-iipon ng tubig sa Ilog Chao Phraya, kapiwa para sa pagkontrol ng baha gayundin para ilihis ang tubig sa pinakamalaking sistema ng irigasyon ng bansa para sa patubig ng mga palayan sa ibabang lambak ng ilog. Ang prinsa, bahagi ng Kalakhang Proyekto sa Chao Phraya, ay natapos noong 1957 at ang unang prinsa na ginawa sa Taylandiya. Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 64 square kilometre (25 mi kuw) o 2.6 porsyento ng sakop ng lalawigan.[6]

Ang Chai Nat ay unang itinatag noong panahon ng Ayutthaya at ginamit bilang isang matagumpay na base ng mga operasyon para sa pagharap sa hukbong Burmes. Dahil ang mga Burmes ay natatalo sa bawat pagkakataon, ang lugar ay nakakuha ng pangalang Chai Nat, 'lugar ng tagumpay'.[7]

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang umalis ang mga Hapones, hindi naging maganda ang kalagayan ng ekonomiya at nagkulang sa pagkain. Dinanas ng Chai Nat ang problemang ito lalo na kung saan nagtipon ang mga bandido sa kanayunan na nagnanakaw ng mga baka at nag-uudyok ng karahasan at krimen.[8]

Ang panlalawigang selyo ay nagpapakita ng isang dhammachakka at sa likuran ay isang bundok. Ito ay tumutukoy sa imahen ng Dhammachak Buddha na makikita sa wihaan ng Wat Dhammamoen, na itinayo sa dalisdis ng isang bundok.[9]

Ang puno ng lalawigan ay ang puno ng bunga ng bael (Aegle marmelos), at ang bulaklak ng probinsiya ay ang puno ng Rainbow Shower (Cassia javanica). Ang sheatfish ni Bleeker (Phalacronotus bleekeri) ay isang panlalawigang isda.

Ang slogan ng lalawigan ay "Kagalang-galang Luang Pu Suk, kilalang Prinsa ng Chao Phraya, sikat na liwasan ng ibon, at masarap na khao taengkwa pomelo".

Mga pagkakahating pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pamahalaang panlalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapa ng Chai Nat na may 8 distrito

Ang Chai Nat ay nahahati sa walong distrito (amphoe). Ang mga distrito ay hinati-hati pa sa 53 subdistrito (tambon) at 503 pamayanan (muban).

  1. Mueang Chai Nat
  2. Manorom
  3. Wat Sing
  4. Sapphaya
  1. Sankhaburi
  2. Hankha
  3. Nong Mamong
  4. Noen Kham
Gilid ng Prinsa ng Chao Phraya

Lokal na pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 26 Nobyembre 2019 mayroong:[10] isang Chai Nat Panlalawigang Pampangasiwaang Organisasyon - PAO (ongkan borihan suan changwat) at 39 munisipal (thesaban) na lugar sa lalawigan. Ang Chai Nat ay may katayuang bayan (thesaban mueang). Karagdagang mayroong 38 subdistritong munisipalidad (thesaban tambon). Ang mga hindi munisipal na lugar ay pinangangasiwaan ng 20 Subdistritong Pampangasiwaang Organisasyon - SAO (ongkan borihan suan tambon).

Bukod sa Prinsa Chao Phraya, mayroon ding iba't ibang mahahalagang lugar ang Chai Nat tulad ng

  • Liwasan ng Ibon ng Chai Nat: ay ang pinakamalaking liwasan ng ibon sa Chai Nat at Taylandiya, na sumasaklaw sa lawak na 248 rai, isama ang pinakamalaking paharera sa Asia, at pinakawalan ang mga ibong naninirahan sa kalikasan. Bukod dito, mayroon ding pampublikong akwaryo na nagpapakita ng mga tabang na species ng isda na matatagpuan sa Ilog Chao Phraya.
  • Wat Pak Khlong Makham Thao: isang Taylandes na templo sa Distrito ng Wat Sing, sa tabi ng bukana ng Khlong Makham Thao (Ilog Tha Chin). Ang templong ito ay dating tirahan ng Luang Pu Suk. Siya ay isang monghe na kilala sa pagiging isang salamangkero na monghe at tagapaglikha ng maraming kilalang anting-anting. Marami siyang disipulo at pinakaiginagalang, isa na rito ay si Prinsipe Abhakara Kiartivongse, Prinsipe ng Chumphon.
  • Lumang Estasyon ng Pulis ng Sapphaya: isang sinaunang estasyon ng pulisya ng distrito ng Sapphaya, na itinayo mula noong paghahari ni Haring Rama V na mas matanda sa 100 taon. Nagtatampok ang estasyon ng isang solong antas na kahoy na gusali na may balakang na bubong at nakatanggap ng ASA Architectural Conservation Award noong 2018.
  • Panlalawigang Estadyo ng Chai Nat, na kilala rin bilang Estadyo Khao Plong: ay isang Panlalawigang Estadyo ng Chai Nat at ang tahanang estadyo ng Chainat Hornbill FC.

Mga kilalang mamamayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak sa Chai Nat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Advancing Human Development through the ASEAN Community, Thailand Human Development Report 2014, table 0:Basic Data (PDF) (Ulat). United Nations Development Programme (UNDP) Thailand. pp. 134–135. ISBN 978-974-680-368-7. Nakuha noong 17 Enero 2016, Data has been supplied by Land Development Department, Ministry of Agriculture and Cooperatives, at Wayback Machine.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)[patay na link]
  2. "ร่ยงานสถิติจำนวนประชากรและบ้านประจำปี พ.ศ.2561" [Statistics, population and house statistics for the year 2018]. Registration Office Department of the Interior, Ministry of the Interior. stat.bora.dopa.go.th (sa wikang Thai). 31 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 20 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Human achievement index 2017 by National Economic and Social Development Board (NESDB), pages 1-40, maps 1-9, retrieved 14 September 2019, ISBN 978-974-9769-33-1
  4. "About Chainat". Tourism Authority of Thailand (TAT). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Abril 2019. Nakuha noong 29 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Distance: Bangkok to Chai Nat". Google Maps. Nakuha noong 29 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "ตารางที่ 2 พี้นที่ป่าไม้ แยกรายจังหวัด พ.ศ.2562" [Table 2 Forest area Separate province year 2019] (sa wikang Thai). 2019. Nakuha noong 6 Abril 2021, information, Forest statistics Year 2019{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  7. "About Chainat". Tourism Authority of Thailand (TAT). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Abril 2019. Nakuha noong 29 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)"About Chainat".
  8. Reynolds, Craig J. (2019-10-22). Power, Protection and Magic in Thailand: The Cosmos of a Southern Policeman (sa wikang Ingles). ANU Press. p. 50. ISBN 978-1-76046-317-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Chainat". THAILEX Travel Encyclopedia. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Mayo 2015. Nakuha noong 29 Mayo 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Number of local government organizations by province". dla.go.th. Department of Local Administration (DLA). 26 Nobyembre 2019. Nakuha noong 10 Disyembre 2019. 9 Chai Nat: 1 PAO, 1 Town mun., 38 Subdistrict mun., 20 SAO.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]