Pumunta sa nilalaman

Emilia-Romaña

Mga koordinado: 44°45′N 11°00′E / 44.75°N 11°E / 44.75; 11
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lalawigan ng Bolonia)
Emilia-Romagna
Watawat ng Emilia-Romagna
Watawat
Eskudo de armas ng Emilia-Romagna
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 44°45′N 11°00′E / 44.75°N 11°E / 44.75; 11
Bansa Italya
LokasyonItalya
KabiseraBologna
Bahagi
Pamahalaan
 • president of Emilia-RomagnaStefano Bonaccini
Lawak
 • Kabuuan22,123.09 km2 (8,541.77 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2019)[1]
 • Kabuuan4,459,477
 • Kapal200/km2 (520/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC 01:00, UTC 02:00
Kodigo ng ISO 3166IT-45
Websaythttp://www.regione.emilia-romagna.it

Ang Emilia-Romaña (pagbigkas [eˈmiːlja roˈmaɲɲa], Romagnol: Emélia-Rumâgna) ay rehiyong administratibo sa rehiyon ng Hilagang Italya, na binubuo ng rehiyong pang-kasaysayan ng Emilia at Romagna. Ang kabesera nito ay Bolonia.

Ang Emilia-Romaña ay isa sa pinakamayaman at pinakamaunlad na rehiyon sa Europa, na may ikatlong pinakamataas na kabuuang domestikong produkto per capita sa Italya.[2] Ang Bolonia, ang kabesera nito, ay may isa sa pinakamataas na mga indeks ngkaledad ng buhay ng Italya[3] at mga abaneteng serbisyong panlipunan. Ang Emilia-Romaña ay isa ring sentrong pangkultura, pang-ekonomiya, at panturista, na tahanan ng Unibersidad ng Bolonia, ang pinakamatandang unibersidad sa mundo;[4] naglalaman ng mga lungsod Romaniko at Renasimyento (tulad ng Modena, Parma, at Ferrara) at ang dating Imperyong Romanong kabesera na Ravena; sumasaklaw sa labing-isang pamanang pook ng UNESCO;[5] pagiging sentro para sa produksiyon ng pagkain at sasakyan (tahanan ng mga kompanya ng sasakyan tulad ng Ferrari, Lamborghini, Maserati, Pagani, De Tomaso, Dallara, at Ducati); at pagkakaroon ng mga sikat na resort sa baybayin tulad ng Cervia, Cesenatico, Rimini, at Riccione. Noong 2018, pinangalanan ng gabay ng Lonely Planet ang Emilia-Romaña bilang pinakamagandang lugar na makikita sa Europa.[6]

Mga pagkakahating pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Emilia-Romaña ay binubuo ng siyam na lalawigan. Bukod sa pagkakabuo ng Kalakhang Lungsod ng Bolonia, ang mga plano upang ang siyam na lalawigan ay gawing apat ay hindi itinuloy.

Lalawigan Sakop (km2) Populasyon Densidad (naninirahan/km2) Rehiyon
Kalakhang Lungsod ng Bolonia 3,702 1,011,291 262.9 Emilia - Romaña
Lalawigan ng Ferrara 2,632 357,471 135.8 Emilia
Lalawigan ng Forlì-Cesena 2,377 387,200 162.9 Romaña
Lalawigan ng Modena 2,689 686,104 255.1 Emilia
Lalawigan ng Parma 3,449 431,419 125.1 Emilia
Lalawigan ng Plasencia 2,589 284,885 110.0 Emilia
Lalawigan ng Ravena 1,858 383,945 206.6 Romaña
Lalawigan ng Reggio Emilia 2,293 517,374 225.6 Emilia
Lalawigan ng Rimini 863 325,219 377.0 Romaña

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Istat, Wikidata Q214195
  2. Regional GDP per inhabitant in the EU27: GDP per inhabitant in 2005 ranged from 24% of the EU27 average in Nord-Est Romania to 303% in Inner London.
  3. "Qualita' della vita: il dossier". Il Sole 24 ORE. Nakuha noong 28 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Università di Bologna (oldest university in the world)". Virtual Globetrotting. 21 Oktubre 2006. Nakuha noong 28 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "UNESCO SITES in Emilia Romagna". UNESCO SITES in Emilia Romagna. 16 Pebrero 2017. Nakuha noong 13 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Planet, Lonely. "10 best places to visit in Europe in 2019". Lonely Planet.

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.