Kurt Gödel
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Kurt Gödel | |
---|---|
Kapanganakan | 28 Abril 1906 |
Kamatayan | 14 Enero 1978 Princeton, New Jersey, United States | (edad 71)
Nagtapos | University of Vienna |
Kilala sa | Gödel's incompleteness theorems, Gödel's completeness theorem, the consistency of the Continuum hypothesis with ZFC, Gödel's ontological proof |
Parangal | Albert Einstein Award (1951); National Medal of Science (USA) in Mathematical, Statistical, and Computational Sciences (1974) |
Karera sa agham | |
Larangan | Mathematics, Mathematical logic |
Institusyon | Institute for Advanced Study |
Doctoral advisor | Hans Hahn |
Pirma | |
Si Kurt Gödel (IPA: [kuɹtˈgøːdl]) (28 Abril 1906 sa Brünn, Austria-Hungary (ngayon Brno, Czech Republic) – 14 Enero 1978 sa Princeton, New Jersey) ay isang pinanganak sa Austria na Amerikanong matematiko at pilosopo.
Si Gödel ay naging tanyag dahil sa kanyang dalawang teorema ng hindi pagiging kumpleto(incompleteness theorems) na inilimbag noong 1925. Ang mas tanyag sa dalawang teoremang ito ay nagsasaad na sa anumang konsistente sa sariling mga rekursibong aksiyomatikong mga sistema na sapat na makapangyarihan upang ilarawan ang aritmetika ng mga natural na bilang(halimbawa ang artimetikang Peano), may mga proprosisyon tungkol sa mga natural na bilang na hindi mapapatunayan mula sa mga aksioma. Upang patunayan ang teoremang ito, binuo ni Gödel ang isang teknikong tinatawag na pagbibilang Gödel(Gödel numbering) na nagkokoda ng mga pormal na ekspresiyon bilang mga natural na bilang.
Sa mga huling yugto ng buhay ni Gödel, siya ay dumananas ng mga panahon ng pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip. Siya ay nagkaroon ng obsesibong takot na lasunin. Dahil dito, si Gödel ay kumakain lamang ng pagkaing inihanda ng kanyang asawa si Adele. Noong 1977, si Adele ay nahospital sa loob ng anim na buwan at dahil dito hindi niya nagawang paghandaan ng pagkain si Gödel. Sa kawalang presensiya ni Adele, si Gödel ay tumangging kumain na naging dahilan ng kanyang kamatayan dahil sa pagkagutom. Ang timbang ni Godel noong siya ay namatay ay 65 libra(pounds) lamang. Ang kanyang sertipiko ng kamatayan ay nag-ulat na siya ay namatay sanhi ng malnutrisyon at kagutuman na sanhi ng kaguluhan sa personalidad noong 14 Enero 1978 sa Hospital ng Princeton sa New Jersey, Estados Unidos .
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with DBLP identifiers
- Articles with MATHSN identifiers
- Articles with MGP identifiers
- Articles with Scopus identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Ipinanganak noong 1906
- Namatay noong 1978
- Mga Austriaco
- Mga siyentipiko mula sa Austria
- Mga pilosopo
- Mga matematiko