Konsumasyon
Ang konsumasyon o konsumasyon ng kasal, na nangangahulugang katuparan ng pagkakakasal, pagkatupad ng pagkakakasal, pagkaganap ng pagiging kasal, kaganapan ng pagiging kasal o pagiging ganap ng kasal (Ingles: consummation o consummation of a marriage), sa maraming mga kaugalian o batas o kautusang sibil o batas na panrelihiyon, ay ang unang o unang opisyal na kinikilalang kilos ng pagtatalik sa pagitan ng dalawang mga tao, na maaaring kasunod ng kanilang pagkakakasal sa isa't isa o pagkaraan ng tumagal na pagkaakit na seksuwal. Ang kahalagahang pambatas nito ay lumilitaw magmula sa mga teoriya ng kasal bilang mayroong layunin ng paglikha ng mga supling o anak ng magkatambal na kinikilala ng batas, o ng pagbibigay ng pahintulot nila sa isa't isa sa pakikipagtalik, o dahil sa dalawang mga kadahilanang ito, at humahantong sa pagtrato ng isang "seremonya" ng kasal bilang pagkabigo sa "pagkakabuo" ng paglikha ng katayuan ng pagiging ikinasal. Kung kaya't sa ilang mga tradisyong Pangkanluran, ang isang kasal ay hindi itinuturing na isang kontraktang nagbibigkis hangga't hindi pa ito na nakakatanggap ng katuparan o kaganapan ng pagtatalik.
Ang mga pormal at literal na paggamit na ito ay sumusuporta sa impormal at hindi gaanong tumpak na paggamit ng salitang "konsumasyon" na tumutukoy sa isang palatandaang seksuwal sa loob ng ugnayan na may iba't ibang katindihan at katagalan.
Sa loob ng Simbahang Katoliko Romano, ang kasal na hindi pa nagkakaroon ng katuparang pampagtatalik, anuman ang dahilan ng hindi pagkakaroon ng kaganapan, ay maaaring pawalan ng bisa ng Papa.[1] Bilang dagdag, ang isang kawalan ng kakayahan o isang sinasadyang pagtanggi na bigyan ng katuparan ang kasal ay isang probableng dahilan para sa pagpapawalang-bisa. Binibigyang kahulugan ng Katolikong batas na kanon na ang kasal ay nagkaroon na ng kaganapan kapag ang mag-asawa ay nakagawa na sa pagitan ng kanilang mga sarili na naaayon sa gawi ng tao ng isang kilos na pangmag-asawa na naaangkop dito para sa paglikha ng supling, kung saan ang kasal ay inatasan sa pamamagitan ng kalikasan nito at sa pamamagitan nito ang mag-asawa ay naging iisang laman."[2] Kung kaya't ang ilang mga teologo, na katulad ni Padre John A. Hardon, S.J., ay nagsasabi na ang pagtatalik na may kontrasepsiyon ay hindi nagsasakatuparan ng isang kasal.[3]
Sa ilalim ng seksiyong 12 ng Ingles na Matrimonial Causes Act noong 1973, ang isang pagtanggi o kawalan ng kakayahan na bigyan ng katuparan ang isang kasal ay maaaring maging dahilan upang mapawalan ng kabuluhan ang kasal.[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ canons 1697-1706
- ↑ canon 1061 §1
- ↑ Hardon, S.J., John (1985). "Consummated Marriage". Pocket Catholic Dictionary. Image Books. p. 91. ISBN 0-385-23238-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Matrimonial Causes Act 1973, section 12