Kojiki
Itsura
Ang Kojiki (古事記?, "Talaan ng mga Sinaunang Bagay") ang pinakalumang kronika ng Hapon na pinaniniwalaang mula maagang ika-8 siglo (711–712) at sinasabing isinulat ni Ō no Yasumaro sa kahilingan ni Emperatris Gemmei. Ang Kojiki ay kalipunan ng mga kuwentong hinggil sa pinagmulan ng kapuluang Hapon at mga kami. Kasama ng Nihon Shoki, ang mga kuwentong nilalaman nito ang bahagi ng inspirasyon sa likod ng mga kasanayang Shinto kabilang ang puripikasyong ritwal na misogi.
Mga seksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kojiki ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Kamitsumaki (上巻 "unang bolyum"), ang Nakatsumaki (中巻, "gitnang bolyum") at Shimotsumaki (下巻, "mababang bolyum").
- Ang Kamitsumaki na kilala rin bilang Kamiyo no Maki (神代巻, "Bolyum ng Panahon ng mga Diyos") ay kinabibilangan ng pauna sa Kojiki at nakatuon sa mga Diyos ng paglikha at kapanganakan ng mga iba't ibang Diyos ng panahong kamiyo o Panahon ng mga Diyos. Ang Kamitsumaki ay nagbabanlangkas rin ng mga mitong hinggil sa pinagmulan ng bansang Hapon. Ito ay naglalarawan kung paanong si Ninigi-no-Mikoto na apo ng Diyosang si Amaterasu at lolo sa tuhod ni Emperador Jimmu ay bumabang mula sa langit tungo sa Takachihonomine sa Kyūshū at naging ninuno ng linyang imperyal ng Hapon.[1]
- Ang Nakatsumaki ay nagsasalaysay ng kuwento ng unang Emperador ng Hapon na si Emperador Jimmu noong 660 BCE at kanyang pananakop sa Hapon. Ito ay nagtatapos sa ikalabinglimang Emperador ng Hapon na si Emperador Ōjin.
- Ang Shimotsumaki ay sumasaklaw sa ikalabinganim hanggang ikalabingtatlong Emperador ng Hapon at hindi tulad ng mga nakaraang bolyum ay may napakalimitadong mga reperensiya sa mga pakikipag-ugnayan sa mga Diyos.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ninigi no Mikoto". Encyclopedia of Japan. Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-09-18.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Ingles) Saling Ingles ng Kojiki
- (sa Hapones) Orihinal na tekstong Hapones ng Kojiki Naka-arkibo 1999-10-10 sa Wayback Machine.
- (sa Hapones) Waseda University Library: 1644 manuskrito, tatlong bolyum