Pumunta sa nilalaman

Lungsod ng Klaipėda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Klaipeda)
Ang daungan ng Kaipeda ay nangangasiwa ng mga 20 milyon toneladang kargamento sa bawat taon

Ang Klaipėda (Aleman: Memel o Memelburg; Polish: Kłajpeda) ay ang tanging daungang pandagat ng Lithuania sa Dagat Baltic. Mayroong 194,400 ang nakatira dito (2002), pababa mula 202,900 noong 1989. Sa ngayon, ang Kaipeda any isang pangunahing daungang pang-ferry na may kaugnayan sa Sweden, Denmark at Alemanya. Matatagpuan ito sa bukana ng Ilog Niemen.

Mayroon ding mga kaakit-akit na framework-architecture dito na kagaya ng mga natatagpan sa Alemanya, Inglatera at Denmark. Matatagpuan naman ang mga tanyag na seaside resorts ng Lithunia sa Neringa at Palanga malapit sa Klaipedia.

Itinatag ng mga tribong Baltic ang Kaipedia noong ika-12 siglo. Sa matagal na panahon, ito ay napapaloob sa East Prussia, sa panahong iyon Memel ang tawag dito.

Itinatag ng mga Teutonic Knights ang lungsod-dauangang ito sa Dagat Baltic noong 1252 at naitala bilang Castrum Memele (Aleman Memelburg o Mimmelburg). Noong 1254, ipinagkaloob sa Kaipeda ang Lübeck City Right. Napasampalataya ang pook sa Kristiyanismo ng mga Teutonic Knights. Ininakda ng kapayapaan sa Dagal Melno noong 1422 ang hangganan ng Lalawigan ng Prussia at Lithunia. Isinama ang Memel sa Prussia at hindi nagbago ang hangganan hanggang 1919. Ito ang hangganang pinakamatagal na hindi nagbago sa Europa.

Nagsimula noong 1474 ang pamamahala ng Memel sa ilalim ng Batas Culm ng mga lungsod ng Prussian Land. Noong 1525, sinunod ng Ducal Memel, sa ilalim ni Albert ng Prussia, ang Lutherianism. Ito ang simula ng matagal na kasaganaan para sa lungsod at daungan, nang naging fief ng Poland ang Ducal Prussia at naglaon ay naging bahagi ng Polish-Lithuanian Commonwealth. Ang lungsod na ito ang nagsilbing daungan para sa Lithuania, na nakikinabang sa kanyang lokasyon malapit sa bukana ng Ilog Neman. Nagtapos ang panahon ng kasaganaan nang ito ay nilusob, pininsala, at sinakop ng Sweden sa pagitan ng 1629 at 1635. Itinayong muli nang maraming pagkakataon ang lungsod at pagkalipas ng 75 taon malaking bilang ng populasyon ng Memel ang namatay sa salot. Nang mabuo ang nagkaisang estado ng Aleman noong 1871, naging pinaka-hilagang-kanlurang lungsod ng ito ng Aleman.

Noong 1919 ipinasailalim ang Kaipedia sa proctectorate ng Estente States. Pagkatapos ang Kasunduan ng Versailles, inihiwalay sa Aleman ang teritoryo sa paligid ng Memel at naging autonomous sa ilalalim ng pananakop ng Pransiya. Gayon pa man, lumusob ang tropang Lithuanian, sa ilalim ng kapangyarihan ni Colonel Burdys, noong 1923 at umalis ang tropang Pranses. Isinanib ang Memel sa German Reich noong 22 Marso 1939, pagkaraanng maisabib ang Austria, Sudetenland, at Czechoslovakia.

Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa simula ng pagtatapos ng 1944 papuntang 1945, umalis ang mga naninirahan sa kasagsagan ng pakikipaglaban. Napasailalim ang lungsod ng Pulang Hukbo o Red Army noong, Enero 1945 at ibinigay pabalik sa Lithuanian Soviet Republic.

Marami sa natirang naninirahan ay pinapuntang Siberia at ang iba ay pinaalis patungong Aleman.

Mga taong ipinanganak sa Klaipeda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumangguni rin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]