Pumunta sa nilalaman

Kipot ni Magallanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kipot ni Magellan)
Mapa ng Kipot ni Magallanes.
Mapa ng Kipot ni Magallanes.

Ang Kipot ni Magellan o Kipot ni Magallanes, tinatawag ding Mga Kipot ni Magellan, Mga Kipot ni Magallanes, o Mahelanikong Kipot (Ingles: Strait of Magellan, Straits of Magellan, o Magellanic Strait), ay binubuo ng isang malilibot na ruta sa dagat na kaagad na nasa timog ng punong lupain ng Timog Amerika at hilaga ng Tierra del Fuego . Pinakamalahagang likas na daanan ang daanang-tubig na ito na nasa pagitan ng mga Karagatang Pasipiko at Atlantiko, ngunit itinuturing na isang mahirap na rutang pangnabigasyon dahil sa hindi mahulaang mga gawi ng ihip ng hangin at mga daloy ng tubig, at dahil sa kakiputan ng lagusang ito. Isa itong daang lagusan magmula sa Karagatang Atlantiko patungo sa Karagatang Pasipiko. Pinangalanan ito mula kay Fernando Magallanes, na kilala rin bilang Ferdinand Magellan.

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.