Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Amalfi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katedral ng Amalfi
Tanaw ng katedral at ang hagdanan na papunta sa Piazza del Duomo.
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonKatedral
Lokasyon
LokasyonPiazza del Duomo, Amalfi, Italya
Arkitektura
IstiloRomaniko-Baroko- Rococo

Ang Katedral ng Amalfi (Italyano: Duomo di Amalfi; Cattedrale di Sant'Andrea) ay isang medyebal na Katoliko Romanong katedral sa Piazza del Duomo, Amalfi, Italya. Ito ay alay kay Apostol San Andres, na ang mga labi ay nakalagak dito. Dating luklukang arkiepiskopal ng Diyosesis ng Amalfi, at mula pa noong 1986 ng Diyosesis ng Amalfi-Cava de' Tirreni.

Nagsimula noong ika-9 at ika-10 siglo, ilang beses itong idinagdag at muling pinalamutian, na nagpapatong-patong ang mga elementong Arabe-Normando, Gotiko, Renasimyento, Baroko, at sa wakas ay isang bagong 19th century na Normano-Arabe-Bisantino na patsada. Kabilang sa katedral ang katabing ika-9 na siglong Basilika ng Krusipiho. Mula sa basilika ay mga hakbang patungo sa Kripta ni San Andrés, kung saan matatagpuan ang kaniyang mga labi.[1]

Ang unang simbahan, ngayon ay ang Diyosesanong Museo ng Amalfi, ay itinayo noong ika-9 na siglo sa mga guho ng isang nakaraang templo.[2] Ang pangalawang simbahan ay itinayo sa timog noong ika-10 siglo, at ito na ngayon ang katedral. Noong ika-12 siglo ang dalawang simbahan ay bumuo ng isang solong 6 na pasilyo na Romanikong na simbahan, na binawasan sa 5 noong ika-13 siglo upang payagan ang pagtatayo ng Klaustro ng Paradiso,[3] sa estilong Arabe-Normando.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fodor's (2010). Fodor's Amalfi Coast, Capri, and Naples. Random House, Inc. p. 326. ISBN 978-1-4000-0735-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Saint Andrew's Cathedral". Portal of Cultural Heritage and Activities - Regiono of Campani. Nakuha noong 27 Setyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Museo Diocesano Amalfi, The Monumental Complex of St. Andrew in Amalfi, n.d.