Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Batay sa Kasaysayan ng Maynila, noong ika-13 siglo, ang sinaunang Lungsod ng Maynila ay binubuo ng mga tindahan at opisinang tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong o Selurung, na ginamit din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang kabisera ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay pwedeng Sanskrit na nila "punong indigo").[1] (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)[2][3] Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946.[4] Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

Isang pandaigdigan lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta " ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.[5]

Deribasyon

Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang kabisera ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay pwedeng Sanskrit na nila "punong indigo").[1] (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)[2][3]

Sinaunang kasaysayan at katutubo sa kabihasnan

Nakilala bilang Gintu(Lupain/Isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta ng pakikipagkalakalan sa Tsina.[6] Ang kaharian ng Tondo nakagawian na bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno dito ay kasing kapangyarihan ng mga hari, at tinatawag sila sa panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan".

Noong namamayagpag si Bolkiah (1485–1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang imperyong Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo.[7][8] Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo.[9] Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda ay namuno sa mga komunidad ng Muslim na matatagpuan sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian na matatagpuan sa timog ng ilog. Ang dalawang komunidad ng Muslim ay pinagsanib at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita sa wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at ang mga sultanate ng Sulu at Ternate.

Pananakop ng Mga Espanyol (1581–1898)

Ang Kalye Cabildo sa Intramuros
Ang tarangkahan ng Kutang Santiago sa Intramuros

Si Gobernador-Heneral Miguel López de Legazpi, na naghahanap ng isang maayos na lugar para itaguyod ang kanyang kabiserang pook matapos makipagsagupaan at napilitang lumipat dahil sa pagkatalo sa mga piratang Portugese sa Cebu at Panay, ay nalaman na mayroong maunlad na sultanado sa pulo ng Luzon. Dahil doon, nagpadala siya ng ekspedisyon na pinamamahalaan ni Marshall Martin de Goiti at ni kapitan Juan de Salcedo para alamin ang lokasyon nito at ang kahalagahan. Si De Goiti ay dumuong sa Kabite, at sinubukan itaguyod ang sariling pamahalaan sa pamamagitan ng pakikipagbati sa Maynilad. Si Rajah Sulayman, na namumuno sa Maynila, ay maluwag na tinangap ang pakikipagkaibigan na ipinamamahagi ng mga Hispano, pero hindi niya gustong ibigay ang kataas-taasang kapangyarihan sa mga Hispano at nakipaglaban.[10] noong 1570 ng Hunyo, inatake ni De Goiti at ng kanyang mga tauhan ang Maynilad bilang kapalit ng pakikipaglaban ni Sulayman. Pagkatapos ng mapusok na labanan, napasailalim sa kanya ang lungsod at bumalik sa Panay.

Noong 1571, ang pagkakaisa ng imperyong Luzon ay binabantaan na ng alyansa ni Rajah Matanda ng Sapa, ang Lakandula ng Tondo, Rajah Sulayman III, ang rajah muda o "Prinsipeng Nakoronahan" ng Maynila at laxamana o "Gran Admiral" ng Macabebe Armada. Ang mga makapangyarihang estado katulad ng Lubao, Betis at Macabebe ay hinamon ang tradisyonal na pamumuno ng Tondo at Maynila.[11] Sa taong din iyon, bumalik ang mga Hispano, na pinamumunuan ni Legazpi kasama ang kanyang buong hukbo (binubuo ng 280 na mga Hispano at 600 na mga katutubo). Nung nakita silang paparating, ang mga katutubo ay sinunog ang lungsod at nagtungo sa Kaharian ng Tondo at mga kalapit na baryo. Sinakop ng mga Hispano ang mga lugar na nasira at itinaguyod ang kapayapaan at kaayusan doon. Noong 3 Hunyo 1571, binigay na ni Legazpi ang titulong lungsod sa kolonya ng Maynila.[12] Ginawang sertipikado ang titulo noong 19 Hunyo 1572.[12] Sa pamamahala ng Espanya, ang Maynila ang naging kolonyal na lagusan sa Kalayoang Silangan. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya na pinamamahalaan ng Birreynato ng Bagong Espanya at ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas na namuno sa Maynila na naging kawil ng Birreynato sa lungsod ng Mehiko.[13] Ang kalakalang Galyong Maynila-Acapulco na nakaruta sa Pilipinas at Mehiko ay nanatili simula ng 1571 hanggang 1815.[14]

Ang mga Tsino na nakikipagkalakalan ng libre sa mga hukbo ay napilitan sumuko nang naglabas ng batas ang mga Hispano na ipinagbabawal na kalakalan. Napilitan din silang magbigay karangalan sa mga awtoridad na Hispano. Ang naging bunga nito, ang mga Tsino ay naghimagsik laban sa mga Hispano noong 1574. Ang pwersa ng mga Tsino ay may humigit-kumulang na 3,000 mga sundalo at 62 na barkong panlabanan na pinamumunuan ni Limahong. Nilusob nila ang lungsod. Sa kanilang paglusob, ang mga Intsik ang natalo. Para mailigtas ang lungsod sa mga susunod pang mga araw, ang mga awtoridad ng Espanya ay ikinulong ang mga residente at mangangalakal na Tsino. ito ay tinaguriang Parian de Alcaceria.[15]

Noong 19 Hunyo, pagkatapos ng kunstraksiyon ng kuta, inalok ni Legazpi si Rajah Lakandula ng Tondo ng pakikipagkaibigan, na maluwag namang tinanggap ni Lakandula. Pero si Rajah Sulayman ay tumanggi sa mga Hispano at nagtipon ng pwersa na binubuo ng mga mandirigmang Tagalog pagkatapos makuha ang suporta ni Lakandula at ng mga namumumuno sa Hagonoy at Macabebe. Noong 3 Hunyo 1571[16], si Sulayman at ang kanyang hukbo ay lumusob sa baryo ng Bangkusay, kung saan ang mga Hispano ay naninirahan. Si Sulayman ang natalo at napatay. Dahil sa pagkatalo ng hukbo ni Sulayman at ang pakikipagkaibigan ng Hispano kay Rajah Lakandula, ang mga Hispano ay malayang nakapagtaguyod ng kuta sa lungsod at mga kalapit na bayan. Si Rajah Matanda ay nagbigay ng lupain sa mga Hispano para sa kanilang pagsasaayos ng mga bayan bago pumunta sa Maynilad. Dahil sa pagtatangkilik ni Matanda sa awtoridad ng Hispano, si Matanda at ang kanyang mga kaanak ay naging kristyano. Nang mamatay si Matanda noong 1572, si Legazpi at ilang matataas na opisyales ay pinadala ang kanyang bangkay sa harap ng altar ng Katedral ng Maynila, ang pook kung saan ang mga taon ay binibigyan ng dangal. Tulad ni Lakandula na nabinyagan bilang Don Carlos Lacadola, pati ang iba pang namumuno, ay nadismaya sa kadakilaan pinakita ng Espanya kay Matanda. Ayon sa dalubhasa na si John Foreman, "Lakandula appears to have been regarded more as a servant by the Spaniards, rather than a free ally." Para siguraduhin ang pagiging tapat nila sa mga Hispano, binigyan sila ng karangalan at titulo. Nagkataon naman, ang mga Agostiyano ay dumating para ituro ang pananampalatayang Romanong Katolisismo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga paaralan at simbahan. Sinundan sila ng mga Pransiskano, Heswita, Dominikano at iba pang mga pananampalataya na dumating sa mga sumunod na siglo.

Noong 1595, ang Maynila ang naging kabisera ng Pilipinas, bagama't sa katunayan, ang lungsod ay sumeserbisyo na bilang kabisera simula pa noong 1571 noong itinaguyod ang lungsod. Ipinautos ni Legazpi ang pagtataguyod ng pamahalaang munisipal o cabildo na ang mga tirahan, monasteryo, kumbento ng mga madre o mongha, pook-pananampalataya o simbahan at paaralan ay may istilong pang-Hispano. Dito nagmula ang Intramuros.

Maynila noong mga 1665.

Sa ilang pagkakataon sa iba't ibang siglo, ang mga Tsino ay naghimagsik laban sa mga Hispano. Noong 1602, sinunog nila ang Quiapo at Tondo, at pinagbataang lusubin ang Intramuros. Noong 1662, ang mga Tsino ay muling naghimagsik. Noong 1686, ang pangkat na pinamumunuan ni Tingco ang nagpasyang paslangin lahat ng Hispano. Ang mga pangyayaring ito ang naging hudyat ng pagtitiwalag ng mga Tsino sa Maynila at sa buong bansa dahil sa mga pagpapasyang ginagawa ng mga awtoridad ng Espanya. Sa muling pagkakasundo ng dalawang kampo, nagpatuloy pa rin ang mga komunidad ng mga Tsino sa lungsod.

Pananakop ng Britanya (1762–1764)

May panandaliang pananakop sa Maynila ang mga Ingles simula noong 1762 hanggang 1764 dahil sa Pitong Taong Digmaan ng Pransiya at ng Britanya. Ang bansang Espanya ay naging kalaban ng bansang Britanya nang tumiwalag ito at kumampi sa Pransiya. Ang mga rekord, makasaysayang dokyumento, at ang lungsod ay winasak ng mga Hispanong paalis ng lungsod. Ang mga gamit at tahanang iyon ay mula sa mga arkibos.

Kung tutuusin ang mga Britanya ay namamahala lamang sa Maynila at Kabite. Pero ang Maynila ang kabisera, at ang susi ng mga Hispano at ng Pilipinas. Tinanggap ng mga Ingles ang pagsuko ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas galing kay Arsobispo Rojo at ng Real Audiencia noong 30 Oktubre 1762.[17]

Tuluyang nasakop ng Britanya ang Pilipinas. Sinangayunan ng mga Briton ang plano ng Real Audencia para sa kanilang pagsuko. Kahit paano, nagpatuloy pa rin ang pananampalatayang Romanong Katolisismo. Ang mga mamamayang Hispano at Pilipino ay pinayagang kumalakal sa iba't ibang dayuhan bilang "British Subjects". Nagpatuloy ang Pilipinas sa pamamahala ng Real Audencia dahil sa pananakop ng Britanya at ang mga gastusin ay babayaran ng Espanya.[17]

May isang grupo ng mga rebelde sa Pampanga sa pamumuno ni Oidor Don Simón de Anda y Salazar ay nagplaplanong lumusob sa Maynila. Nagtatag sila ng dalawang punong-himpilan, isa sa Bulacan at isa sa Bacoor.

Noong 29 Oktubre 1762, nilagdaan ni arsobispo Rojo at ng Real Audencia ang kasunduan sa pagsuko. Ito ay inaprubahan ng Espanya. Dahil dito, pinamahalaan muna ng Britanya ang buong Pilipinas.[17] Ang Pitong Taong Digmaan ay winakasan ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris na nilagdaan noong 10 Pebrero 1763. Noong nilagdaan ang kasunduan, ang mga lalagda ay walang kamalay-malay na ang Pilipinas ay sinakop ng Britanya at pinapatakbo bilang kolonya ng Britanya. Bagkus, napagpasyahan na ang mga natitirang lupain sa bansa ay ibibigay sa Espanya.

May ilang sundalong Indiyano kilala bilang mga Sepoy, na sumama sa mga Ingles ay tumiwalag at pumalagi sa Cainta, Rizal. Dahil dito, nagkaroon ng Indiyano sa Cainta at dito nanirahan hanggang sa mga sumunod na henerasyon.

Pananakop ng Espanya noong ika-19 na siglo

Isang mangingisda sa Maynila

Ang Maynila ay mayaman sa mga propagandang laban sa mga Hispano dahil ito ang pook sa Pilipinas kung saan buhay ang diwa ng kaisipang liberal. Dahil sa nobelang Noli Me Tangere (Hawakan mo ako; bawal) na inilabas noong 1886, maraming Pinoy ang naghimagsik laban sa mga Hispano. Nilalaman ng nobela kung paano pinamamahalaan ng Espanya ang Pilipinas. Dahil dito, pinatapon si Rizal sa Dapitan. Noong 1892, bumalik si Rizal sa Maynila at itinaguyod ang La Liga Filipina, isang nasyonalismong organisasyon. Sa taong din iyon sa Tondo, itinaguyod ni Andres Bonifacio ang Katipunan, isang palihim na organisasyon na ang layunin ay patalsikin ang mga Hispanong namumuno sa bansa.

Tuwing nagsasagupaan ang mga Pilipino at Hispano, laging natatalo ang mga Pilipino. Lumaki ang kilusan hanggang nagkaroon ng rebelyon noong Agosto 1896 noong natuklasan ng mga Hispano ang tungkol sa Katipunan. Noong natuklasan ang Katipunan, nagpatawag si Bonifacio ng pagtitipon at nabuo ang rebolusyonaryong Konbensiyon Tejeros, na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ang pamahalaan ng Tejeros ay hindi nagtagumpay para ipaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino. Si Heneral Aguinaldo ay nagtungong Hongkong dahil sa kasunduang Biak-na-Bato. Si Dr. Rizal ay naging martir noong panahon ng rebolusyon laban sa Hispano nang barilin siya noong 30 Disyembre 1896. Ito ang naging hudyat ng malawakang rebelyon.

Kapanahunan ng mga Amerikano (1898–1946)

Kalye Escolta, Maynila. Steryoptikal na pananaw, 1899

Sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano at sagupaang Hispano-Amerikano, sinakop ng Estados Unidos ang Maynila noong 1898, na nagbunga ng iba't ibang labanan. Natalo ang mga Hispano at pinamahalaan ng Estados Unidos ang buong Pilipinas. Dito tumindi ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

Noong 1 Mayo 1898, sa look ng Maynila naganap ang isang labanan sa pagitan ng mga Hispano at Amerikano sa pamumuno ni George Dewey. Natalo ang mga Hispano. Naging saksi si Dewey sa pagsuko ng Hispano na humingi ng paumanhin sa mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.[18]

Nakamit na ang kalayaan mula sa mga Hispano at naitaguyod ni Emilio Aguinaldo ang Unang Republika ng Pilipinas na lumilikha na ng pundasyon para sa isang malayang bansa. Bagkus, nangangambang masasakop muli ang Pilipinas. Ang Unang Republika ng Pilipinas ay hindi gaanong nabigyan pansin at dahil hindi maayos ang pamahalaan. Nagsagupaan muli ang mga Amerikano at Pilipino noong 4 Pebrero 1899, nang binaril ng isang Amerikano ang isang Pilipino dito sa Maynila. Lumusob ang mga Amerikano at napasuko ang mga Pilipino na nakikipaglaban. Napasuko rin si Heneral Emilio Aguinaldo, and pangulo ng republika sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901.

Ang mga awtoridad ng mga Amerikano na pinamumunuan ni Heneral Otis noong mga panahong iyon ay nagkampanya para sakupin ang Pilipinas. Gumawa ng pandepensa ang mga hukbong Pilipino palibot sa Maynila nang nalaman nila ang paglusob ng mga Amerikano. Dahil mahina ang pwersa ng mga Pilipino, sila ay natalo; masyadong brutal ang naging labanan at ang ibang sundalo, ginawang pandepensa ang sariling kakampi.

Naglunsad ng kampanya ang mga Pilipino (tinatawag bilang guerilla) para labanan ang mga manlulupig. Minsan lang manalo sa mga labanan ang grupo at tuluyan nang nasakop ang Maynila. Si Arthur MacArthur, Jr. na pumalit kay heneral Otis ang naglunsad ng kampanya laban sa lokal na pamahalaan ng mga Pilipino.

Mga "estero" ng Maynila noong 1909.

Ang kampanyang ito ng Estados Unidos at madugo at may mga ulat na nagsasabing ang mga Amerikano ay pumapaslang ng mga tao sa gulang 10-taon pataas. May mga libro na sinulat tungkol sa digmaang ito at ang mga kinalaman ng kinauukulan sa pwesto ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos kung bakit napaslang ang libo-libong sibilyan. Ang mga librong ito ay ipinagbawal sa Estados Unidos:[19]

Sa Kasunduan sa Paris noong 1898, binenta ng Espanya ang Pilipinas sa halagang $20,000,000 at tumapos sa 333 taong pananakop ng Espanya.[20]

Ang gobernador militar ang nagpatuloy mamahala sa Maynila hanggang ang posisyon na ito ay inilipat sa gobernador sibil noong 31 Hulyo 1901. Nagpatuloy ang digmaang Pilipino-Amerikano at natapos lamang noong 1903 kung saan marami ang nasawi. Noong 1935, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nangako na bibigyang kalayaan ang Pilipinas. Pero, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Daigdig.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pananalakay ng Hapon

Ang Maynila sa pagbasak ng Pamahalaan ng mga Maka-Hapon noong 9 Mayo 1945
Ang pagkawasak ng Maynila, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Maynila ay ginawang "Open City"

Noong 30 Disyembre 1941, ang mga base militar at mga hukbong pang-labanan ng mga Amerikano ay tinangal para tuluyan nang mapalaya ang Pilipinas. Bagkus sumiklab na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Maynila ay ginawang "Open City" ni Heneral Douglas Mac Arthur, para iligtas ang lungsod sa kapahamakan pero binomba pa rin ito ng mga Hapones gamit ang kanilang mga eroplano at sa unang pagkakataon, naranasan ng mga Manilenyo ang unang pagsasalakay. Si Quezon ay nag-inisyu ng bagong batas na lawakan ang ligtas na pook para pati ang kalapit na pook ng Maynila ay maligtas. Dahil dito, itinatatag ang bagong administratibong hurisdiksiyon, ang Malawakang Maynila.

Si Jorge B. Vargas na kalihim ni Quezon ang naging alkalde ng Malawakang Maynila. Pagsapit ng gabi ng bagong taon noong 1942, nagpahatid ang mga hapones ng mensahe na ang pwersa at hukbong mga Hapones ay nasa Parañaque at tutuloy sa Malawakang Maynila sa susunod na araw. Noong alas 9 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi, ang pwersang imperyal ng mga Hapones ay nagtungo sa lungsod ng Maynila at kalapit na bayan.

Si Vargas ay inutusang ihanda ang lahat ng pinunong Pilipino at mga awtoridad ng Malawakang Maynila sa pananalakay ng Hapon nang natunton sila ng mga Hapones, at binigyan sila ng tatlong pagpipilian na hango sa pagsalakay ng mga Hapones; (1) isang buong administrasyong Hapon, (2) isang diktatoryal na pamahalaan na pinapatakbo ng isang Pilipino na si Artemio Ricarte na pumunta sa Hapon pagkatapos ng digmaang Pilipino-Amerikano, o (3) pamahalaan sa pamamagitan ng komisyon na pipiliin ng mga Pilipino. Pinili ng mga pinuno na at ni Vargas ang ikatlong opsiyon at dahil doon ay itinaguyod ang Philippine Executive Commission para pamahalaan ang Malawakang Maynila, at kalaunan ay pinalawig para protektahan ang halos kabuuan ng Pilipinas.

Dahil gagampanan ni Vargas ang paggiging pangulo ng Philippine Executive Commission, hinirang niya si Leon Guinto upang maging alkalde ng Malawakang Maynila. Si Guinto ang kalihim ng Kagawaran ng Manggagawa sa pamamahala ng administrasyong Komonwelt ng Pilipinas ni Pangulong Manuel L. Quezon. Nakuha ni Guinto ang posisyon ng pagiging alkalde ng Malawakang Maynila hanggang sa mapalaya ang lungsod.

Tulay ng Jones bago ang digmaan.
Ang nawasak na Tulay ng Jones pagkaraan ng digmaan. Itinayo ito muli pagkaraan ng digmaan.

Noong 20 Oktubre 1944 ang Amerikanong Heneral na si Douglas MacArthur ay isinakatuparan ang pangakong babalik sa Pilipinas (tignan: Labanan sa Leyte). Simula 3 Pebrero hanggang 3 Marso 1945, nagsagupaan sa Intramuros, noong natapos ang digmaan, ang wasak na lungsod ng Maynila ay opisyal nang napalaya ng magkasanib na mga hukbong Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapones. Ang magkakamping hukbong Pilipino at Amerikano ay nahuli na para pigilan ang paslangan sa Maynila na kumitil ng isang-daang libong buhay. Pagkatapos ng digmaan, ang Malawakang Maynila ay isinawalang-bisa, at ang mga nasyon nito ay may estado ng pagkalipas ng digmaan. Noong 4 Hulyo 1946, ang bandila ng Pilipinas ay itinaas sa unang pagkakataon sa liwasang Rizal.

Pagkamit ng kalayaan (1946-kasalukuyan)

Nang makamit ang kalayaan, nagumpisang mag-bago ang estado ng lungsod at ang mga lokal na pamahalaan nito. Nagkaroon na ng matataas na gusaling tukudlangit tulad ng 1322 Toreng Ginintuang Imperyo. Nag-iiba rin ang kalagayan ng ekonomiya at kumikita ang lungsod ng $28,853 GDP ayon sa pamahalaan ng Pilipinas.[21]

Pamahalaang Lacson at ang "Golden Age"

Si Arsenio H. Lacson ay ang kauna-unahang alkalde ng Maynila na inihalal ng publiko noong 1951. Natalo ni Lacson ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na inihalal ng pangulo na si Manuel de la Fuente sa kauna-unahang alkaldya ng lungsod. Pumasok siya sa opisina noong 1 Enero 1952. Muli siyang nahalal noong 1955 at 1959. Nagpakilala si Lacson bilang isang matapang at may paninidigan na repormistang alkalde, at noong 1950, siya at ang alkalde ng lungsod ng Zamboanga na si Cesar Climaco ay ginawang isang halimbawa ng magandang pamamalakad sa lokal sa lipunan. Ang kanyang pamamahala sa lungsod ng Maynila ay binansagang "Ginintuang Panahon" (Golden Age) ng Maynila.

Kapanahunan ni Marcos at ng batas militar (1965–1986)

Sa pagitan ng 1972 at 1981, ang Maynila at ang kabuuan ng bansa ay napasailalim sa Batas Militar ni pangulong Ferdinand Marcos. Noong mga panahong iyon, ang lokal na ekonomiya ay patuloy na bumabagsak dahil sa korupsiyon ni Marcos at ng kanyang mga kabinete.[22]

Sa kapanauhan ni Ferdinand Marcos, dineklara niya ang Batas Militar bago ang halalan noong 1972 at sinuspinde ang writ of habeas corpus. Si Marcos at ang kanyang mga heneral ang sinisisi sa pagkawala at pagkakulong ng libo-libong aktibistang panlipunan na tutol sa kanyang pamamahala at pinepwersa siyang magbago sa pamamagitan ng isang malayang halalan noong kapanahunan ng Batas Militar (1972–1986). Noong siya ay napatalsik sa pwesto noong 1986, ang 1081 kataong nabiktima ng Batas Militar ay nanalo sa korte ng Estados Unidos laban sa mga Marcos at pinagbayad ang pamilya Marcos ng $500,000,000 sa mga danyos nilang naidulot.

Noong 1963, si kagalang-galang na alkaldeng si Antonio Villegas ay nagmalasakit para itaguyod ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ang unang pamantasan sa bansa na nilikha at pinapatakbo ng lokal na pamahalaan. Dalawang taon ang kailangan para matapos ang mga gastusin ng pamantasan at para maipasa sa Kongreso ng Pilipinas ang pagtataguyod nito. Kalaunan, nilagdaan ito ni pangulong Diosdado Macapagal.

Noong 21 Agosto 1983, ang pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino ay bumalik sa Maynila mula Estados Unidos at pinatay nang lumabas sa eroplano. Ito ang hudyat ng rebolusyon.

Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)

Ang lungsod ng Maynila sa gabi.

Pagkatapos ng Rebolusyong EDSA, ang baong babae ni Aquino, si Corazon Aquino, ay naluklok bilang pangulo noong 1986. Sa pagkapangulo ni Aquino, saksi ang Maynila sa anim na bigong coup d'état, ang pinaka-malala ay noong Disyembre ng 1989.

Noong 1992, si Alfredo Lim ang naluklok bilang alkalde ng Maynila, na tumalo ng anim na kalaban. Naluklok mula siya noong 1995 na may botong 250,000. Ito ang pinakamaraming boto para lamang sa isang kandidato sa kasaysayang pampolitika ng lungsod.[23] Sa unang dalawang termino niya sa opisina, binansagan siyang "Dirty Harry" dahil sa kanyang krusada laban sa mga krimen.[24] Dahil sa kagustuhan niyang makapagbigay ng libreng edukasyon, itinaguyod niya ang Kolehiyo ng Lungsod ng Maynila na sumeserbisyo sa kapupunan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Noong, 1998, si Lito Atienza ay naluklok bilang alkalde, at nakumpleto ang lahat ng termino nang muling binoto ng masa noong 2001 at 2004. Ang administrasyon niya ay nakatuon sa kapakanang panlipunan at pagpapaunlad pati na rin ang proyektong pang-lungsod para sa ikauunlad ng Maynila. Gaganapin ang lokal na halalan sa Maynila ng 2010 kung saan maghaharap sina Alfredo Lim, Lito Atienza at Avelino Razon.

Silipin din

Talababa

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 E.M. Pospelov, Geograficheskie nazvanie mira (Moscow 1998).
  2. 2.0 2.1 Ambeth Ocampo (2008-06-25). "Looking Back : Pre-Spanish Manila". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-07. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "World: metropolitan areas". World Gazetteer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-24. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Manila, Philippines". U.N. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-25. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The World According to GaWC 2008". GaWC. GaWC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-11. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. San Agustin, Gaspar de, Conquistas de las Islas Philipinas 1565–1615, Translated by Luis Antonio Mañeru, 1st bilingual ed (Kastilla at Ingles), published by Pedro Galende, OSA: Intramuros, Manila, 1998
  7. Scott, William Henry, Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History, Quezon City: New Day Publishers, 1984
  8. Dikemaskini (Agosto 2006). "Pusat Sejarah Brunei". Government of Brunei Darussalam. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-09. Nakuha noong 2009-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Henson, Mariano A. 1965. The Province of Pampanga and Its Towns: A.D. 1300–1965. 4th ed. revised. Angeles City: By the author.
  10. "Filipiniana: Act of Taking Possession of Luzon by Martin de Goiti". History. Filipiniana. Nakuha noong 2009-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. San Agustin, Gaspar de, Conquistas de las Islas Philipinas 1565–1615, Isinalin ni Luis Antonio Mañeru, unang edisyon (Katilla at Ingles), inilathala ni Pedro Galende, OSA: Intramuros, Maynila, 1998
  12. 12.0 12.1 Blair 1911
  13. "Viceroyalty of New Spain". Historical Territories, Mexico: Brittanica. Nakuha noong 2009-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Johanna Hecht (Oktubre 2003). "The Manila Galleon Trade (1565–1815)". European History. Department of European Sculpture and Decorative Arts. Nakuha noong 2009-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Dr. Antonio de Morga (1907). "HISTORY OF THE PHILIPPINE ISLANDS VOL I AND II". Nalanda. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-08. Nakuha noong 2009-06-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "History of Manila". LonelyPlanet. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong 2009-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 Tracy, Nicholas (1995). Manila Ransomed: The British Assault on Manila in the Seven Years War. University of Michigan: University of Exeter Press. ISBN 0859894266, 9780859894265. Nakuha noong 2009-06-25. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); More than one of |author= at |last= specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Battle of Manila Bay, 1 Mayo 1898". DEPARTMENT OF THE NAVY -- NAVAL HISTORICAL CENTER. 805 KIDDER BREESE SE -- WASHINGTON NAVY YARD, WASHINGTON DC: DEPARTMENT OF THE NAVY. 2005-08-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-16. Nakuha noong 2009-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)
  19. Boot"2002, p. 125, "As many as 200,000 civilians also died, victims of disease and famine and the cruelties of both sides.";
    ^ Kumar 2000, p. [Pahina'y kailangan], "In the fifteen years that followed the defeat of the Spanish in Manila Bay in 1898, more Filipinos were killed by U.S. forces than by the Spanish in 300 years of colonization. Over 1.5 million died out of a total population of 6 million.";
    ^ Painter 1989, p. 154, "Hundreds of thousands of Filipinos died in battle, of disease, or of other war-related causes.";
    ^ Bayor 2004, p. 335, "Some seven thousand Americans and twenty thousand Filipinos were killed or wounded in the war, and hundreds of thousands of Filipinos – some estimates are as high as 1 million – died of war-related disease or famine.";
    ^ Guillermo, Emil (2004-02-08), "A first taste of empire", Milwaukee Journal Sentinel: 03J{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) "The Philippines: 20,000 military dead; 200,000 civilian dead. Some historians, however, put the toll higher – closer to 1 million Filipinos because of the disease and starvation that ensued.", (The Philippines: 20,000 military dead; 200,000 civilian dead. paid archive search);
    ^ The Editors (2003-11-01), "Kipling, the 'White Man's Burden,' and U.S. Imperialism", Monthly Review, 55 (6): 1, nakuha noong 2009-05-14 {{citation}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), "Although a quarter of the million is the “consensual” figure of historians, estimates of Filipino deaths from the war have ranged as high as one million, which would have meant depopulation of the islands by around one-sixth.".
  20. "Pinas". Philippines. Pinas. Nakuha noong 2009-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Jimbo Albano. "Rising soon: Manila Bay Strip". Business Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-24. Nakuha noong 2009-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Introducing Manila". Philippines. Lonely Planet. Nakuha noong 2009-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Mayor Alfredo Lim's 100 Days". Malaya, The National Newspaper. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-30. Nakuha noong 2009-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "I won't help my son: Manila mayor". The Australian. 2008-03-17. Nakuha noong 2009-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Bibliyograpiya