Pumunta sa nilalaman

Juliano ang Tumalikod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Julian ang Tumalikod)
Juliano
Emperador ng Imperyo Romano
Portrait of Emperor Julian on a bronze coin from Antioch minted in 360-363
PaghahariCaesar: 6 November 355 – February 360.
Augustus: February 360 – 3 November 361.
Sole Augustus: 3 November 361 – 26 June 363
Buong pangalanFlavius Claudius Julianus (from birth to accession);
Flavius Claudius Julianus Caesar (as Caesar);
Flavius Claudius Julianus Augustus (as Augustus)
Kapanganakan331 or 332
Lugar ng kapanganakanConstantinopla
Kamatayan26 June 363 (aged 31 or 32)
Lugar ng kamatayanMaranga, Mesopotamia
PinaglibinganTarso
SinundanConstantius II, pinsan
KahaliliJovian, general present at the time of his death
AsawaHelena
SuplingNone known
DinastiyaConstantinian dynasty
AmaJulius Constantius
InaBasilina

Si Juliano (Latin: Flavius Claudius Julianus Augustus, Griyego: Φλάβιος Κλαύδιος Ἰουλιανός Αὔγουστος;[1] 331/332[2]  – 26 Hunyo 363), at karaniwang kilala bilang Julian the Apostate o Julian the Philosopher ang emperador ng Imperyo Romano mula 361 hanggang 363 at isang kilalang pilosopo at manunulat na Griyego.[3] Siya ay isang kasapi ng dinastiyang Constantian. Siya ay ginawa ni Constantius II na Caesar sa mga kanlurang probinsiya noong 355 CE kung saan ay matagumpay siyang nangampanya laban sa mga Alamanni at Frank. Ang pinakakilala ang kanyang pagkapanalo sa mga Alamanni noong 357 CE sa Labanan ng Argentoratum sa kabila dami ng Alemanni. Noong 360 CE sa Lutetia(Paris), siya ay hinayag na Augustus ng kanyang mga sundalo na humantong sa isang digmaan sibil sa pamamagitan ni Julian at Constantius II. Gayunpaman, bago magharap sa labanan ang dalawa, si Constantius ay namatay pagkatapos pangalanan si Juliano na kanyang nararapat na kahalili sa trono. Noong 363 CE, si Juliano ay nangampanya laban sa Imperyong Sassanid. Bagaman matagumpay sa simula, siya ay nasugatan nang nakamamatay at sa sandaling pagkatapos ay namatay. Si Juliano ay isang tao na may hindi karaniwang masalimuot na karakte: siya ang miltaryong komander, teosopista, repormer ng lipunan at tao ng mga letra..[4] He was the last non-Christian ruler of the Roman Empire, and it was his desire to bring the Empire back to its ancient Roman values in order to save it from dissolution.[5] Kanyang inalis ang mabigat sa itaas na burokrasya at tinangkang muling buhayin ang tradisyonal na relihiyong Romano sa kapinsalaan ng Kristiyanismo. Ang kanyang pagtakwil sa Kristiyanismo para sa Neoplatonikong paganismo ay humantong sa kanya na tawaging tumalikod (Ἀποστάτης o Παραβάτης "sumalangsang") ng Simbahang Kristiyano.[6] Siya ang huling emperador ng dinastiyang Constantian na unang dinastiyang Kristiyano ng Imperyo Romano.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. In Classical Latin, Julian's name would be inscribed as FLAVIVS CLAVDIVS IVLIANVS AVGVSTVS.
  2. Tougher, 12, citing Bouffartigue: L'Empereur Julien et la culture de son temps p. 30 for the argument for 331; A.H. Jones, J.R. Martindale, and J. Morris "Prosopography of the Later Roman Empire, Vol. I" p.447 (Iulianus 29) argues for May or June 332.
  3. Grant, Michael (1980). Greek and Latin authors, 800 B.C.-A.D. 1000, Part 1000. H. W. Wilson Co. p. 240. ISBN 0-8242-0640-1. JULIAN THE APOSTATE (Flavins Claudius Julianus), Roman emperor and Greek writer, was born at Constantinople in ad 332 and died in 363.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Glanville Downey, "Julian the Apostate at Antioch", Church History, Vol. 8, No. 4 (December, 1939), pp. 303–315. See p.305.
  5. Athanassiadi, p.88.
  6. "Decline and Fall" chapter 23